Nginitian niya ang kababatang si Alvin habang maang ito nakatingin sa kanila dalawa ni Gian. Gusto niya lang ipakilala ang kasintahan sa kababata. Kasulukuyan sila nasa second floor ng Rose-taurant. "Kung ganun siya yung nagbibigay sayo ng mga weird na rosas?" anito maya-maya. Tumango siya. Tahimik lang sa tabi niya si Gian. "Siya din ang nakatira sa kabilang bahay? Siya din ang may-ari ng lugar na ito?" sunod-sunod nitong saad habang nakatitig ito kay Gian. "Oo lahat ng sagot sa mga tanong mo,Alvin," sagot niya rito. Bumuntong-hininga ito at napasandal sa inuupuan nito. "Wow..isang linggo lang ako nawala ang dami na pala nangyari?" saad nito sabay tingin sa kanya. Nginisihan niya ito. "Well,ano pa nga ba ang magagawa ko kundi hayaan kang maging masaya.." anito pagkaraan. Hina

