Naalipungatan siya sa pagtulog ng maramdaman ang pamilyar na pakiramdam. Napamura siya sa isip ng maalala bukas na pala ang sasapit ang ikatlong buwan. Napasulyap siya sa kasintahan na mahimbing natutulog sa may kama niya. Naikuyom niya ang mga palad ng maramdaman na papataas na ang temperatura ng katawan niya. Mabilis niya pinatakan ng halik ang noo ng dalaga at isang kurap nasa salas na siya ng bahay nila. "Gian?" anang ng Daddy niya. Pababa ito sa hagdanan. "Daddy.." tiim-bagang niya saad. "What's wrong?"agad nito pagtatanong sa kanya. "Si mommy po?"paghahanap niya sa kanyang mommy. "Nasa kwarto nagpapahinga na.." may pag-aalala na sa mukha ng daddy niya. "Kailangan ko na pumunta ng basement,daddy.." aniya. Agad na naging alerto ang daddy niya sa sinabi niyang iyun. Mabilis

