Masakit ang ulo niya ng magising siya. Agad na rumihistro sa utak niya na nakainom pala siya kagabi. Bigla siya napatingin sa paligid niya. Alam niya kapag nakakainom siya may nagagawa siya na hindi niya alam. Nasa salas siya at mukhang doon siya nakatulog. Pilit na hinahalukay niya sa kailalim-laliman ng utak niya kung may nagawa ba siya hindi maganda. Ngunit wala siya maalala basta ang natatandaan niya hinalikan niya si Nhovie. s**t! Teka,paano ba sila nakauwi? "Gising ka na pala?" Agad siya napabaling sa nagsalitang iyun. Nanggaling ito sa kusina. "Nagluto ako ng sopas,sigurado may hangover ka," anito na mataman na nakatingin sa kanya. May kung anong kaba na biglang umusbong sa dibdib niya. Wala naman siguro siya ginawa iba maliban sa halikan niya ito,hindi ba? "Halika na bak

