"Okay ka lang?" sita ni Nhovie sa binata. Sinulyapan niya ang tatlong bote ng beer na naubos nito. Isa lang sa kanya. Hindi naman siya ganun kalakas sa alak. Naisipan lang niya uminom dahil gusto niya marelax. Masyado ng ginugulo ni Gian ang sistema niya. "Yeah,I guess so," nakangiti nitong tugon. Napuna niya na bahagyang namumula ang balat nito. Mukhang lasing na ang isang ito. May kunti kaba siya kung masosobrahan ito sa alak baka kung anong mangyari sa kanila,dalawa lang sila sa bahay! Ayaw niya mag-assume pero di ba kapag may alak may balak?! As if naman gagawin yun sayo ni Gian? Supla ng isip niya. "Uwi na tayo..sa laking mong yan hindi kita kaya akayin pauwi," kinakabahan saad niya na hinaluan niya ng biro. Matiim na tumitig sa kanya ang binata at lalo nagrigodon ang kanyang d

