Sa isang grilled restaurant niya dinala si Nhovie para sa hapunan nila. Parang namimiknik lang sila dahil sa venue ng restaurant. May sarili silang mesa at pwesto na napapaligiran ng nagtataasang pine tree. "Ang galing ng nakaisip ng ganitong concept sa restaurant nila," manghang komento ni Nhovie habang hinihintay nila ang kanilang order. "Madalas ako dito.. masarap ang inihaw na bangus at manok nila dito," aniya habang nakatitig siya sa dalaga. Napuna niya na tila nilalamig ito. May jacket nga ito mukhang hindi naman sapat iyun para mas lalo mainitan ang dalaga. Hinubad niya ang suot niyang jacket. Bilang isang lobo likas na sa kanila ang mataas na teperatura nila sa katawan. Mainit sila doble sa init ng normal ng isang tao. Nagsuot lamang siya niyun dahil kailangan niya makibagay

