Alam niya na parang siyang teenager sa inaakto niya at umastang parang taong bundok na ngayon lang nakakita ng magagandang tanawin at magagandang bagay na pwede mabili na wala sa Maynila. Inisa-isa niya ang mga souvenir na nasa isang eskaparate. Hindi siya makapagdesisyon kung ano bibilhin niya souvenir dahiL lahat magaganda kaso sakto lang ang baon niyang budget. "May napili ka na?" untag sa kanya ni Gian na matyagang sinasamahan siya kahit saan siya mapunta. Ito ang nagsilbing tour guide niya. "Hindi nga ako makapili kasi lahat maganda.." aniya. "Excuse me," tawag nito sa babaeng tindera sa shop. "Bilin namin lahat na klaseng souvenir niyo na nandyan," anito sa tindera. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Teka! B-baka kapusin ako," aniya. "Ako magbabayad," anito na lalong

