"Oh? May nauna na pala satin eh," turan ni Alvin ng makarating sila sa court. Agad na tumibok ng mabilis ang kanyang puso ng makilala kung sino yun. "Ang aga naman niya gumising?!" wala sa sarili bulalas niya. Napalingon sa kanya si Alvin. "Do you know him?" "Ha? Uh," aniya. Sumulyap ito sa lalaki na abala sa pagdidribol sa bola. "Uh,kapitbahay ko sa kabilang bahay," sagot niya. "Talaga? May nakatira na pala dun," anang nito. "Kung ganun,kaibiganin natin saka kapitbahay mo siya mas mabuti makilatis ko sya kung hindi ka mapapahamak sa kanya," pag-iral na naman ng pagkaexaggerated nito pagdating sa safety niya. Hindi na niya ito napigilan pa ng mabilis nito lapitan si Gian. Marahas siyang napabuga ng hangin. "Magandang umaga,bro!" bati dito ni Alvin. Agad naman lumingon sa kanila

