Literal na naiinis siya sa Gian na yun buong araw na sinira nito ang maghapon niya hanggang sa makauwi siya ng bahay niya. Agad na natigilan siya ng makita ito sa harap ng gate niya. Mataray na humalukipkip siya rito. "Anong ginagawa mo rito di ba naiinis ka kapag nakikita mo pagmumukha ko?"pagtataray niya rito. "Hindi ko nga alam eh,panget ka naman,"blunt nitong saad sabay walang emosyon na tinitigan siya. Lalo siya nainis sa sinabi nito. Talagang nang-asar pa ito. " Ewan ko sayo! Pwede padaan ako? "mataray niyang saad dito. Hindi pa man siya nakakalagpas dito ng abutin nito ang braso niya. Napasinghap siya sa ginawa nito. " Huwag ka na sumama sa kanya,"anito. Unti-unti nangunot ang noo niya sa sinabi nito. "Huwag ka ng sumama sa kanya," pag-uulit nito sa seryosong anyo. "Ano b

