"Uhm,Sir Gian..nadurog na po yung karne," sita sa kanya ng assistant niya. Marahas siyang napabuga ng hangin ng makita ang durog na durog ng beefstakes na minamarinade niya. "Sir,ako na po gagawa niyan," alangan nitong saad. Tumango siya at nagpasya na umalis na lamang roon. Wala siyang mood ngayon na magtrabaho. Hindi siya sa bahay na binili niya siya natulog pagkatapos nila mag-usap ni Nhovie. Dito siya sa opisina siyang nagpalipas ng gabi at bumalik lang ulit siya sa bahay niya ng mag-umaga na. Wala siyang narinig na ingay sa kabilang bahay kaya malamang mas pinili nitong sumama sa kababata nitong si Alvin. May next time naman,eh.. Naikuyom niya ang mga palad. Yun nga eh,may next time pa pero may usapan sila ng mommy niya! Marahas siyang napabuga ng hangin. Uuwi siya sa kanila

