Pia's POV After 4 years... "PALOMA IVANNA! Hurry up!" Napairap na lang ako sa kawalan habang kinakabit ang hikaw ko nang marinig ko ang pagsigaw na iyon ni Kuya Warren galing sa baba. "OO NA! ANG INGAY MO!" sigaw kong pabalik dito at kinuha na ang clutch ko sa kama. Pagbaba ko ay naabutan ko si Kuya Warren na masama ang tingin sa akin at si Kris na nilalaro ang anak kong si Ingrid. Napasulyap sa akin ang bulilit at nagmamadaling bumaba sa kandungan ni Kris. "Mommy!" masiglang wika nita at itinaas ang dalawang kamay. Agad ko naman siyang binuhat at pinugpog ito ng halik sa magkabilang pisngi. "Hi Baby Girl! Aalis muna si Mommy ha? May pupuntahan lang kami ng mga tito mo somewhere." nakangiti kong wika dito. "Sure, Mommy! Just don't forget my macaroons, okay?" at lumabas ang dimples

