Pia's POV "Mommy! Wake up! Bilis na po! Sabi niyo po, pupunta po tayo kay nila Tito Warren eh." niyugyog pa ako nito ngunit sadya nga atang antok na antok pa ako para bumangon sa kama. "Hmm.. 5 minutes pa muna, baby girl." inaantok na wika ko rito at itinalukbong ang unan sa mukha ko. "Okay na nga po. I'll go downstair na po." naramdaman kong bumaba na ito ng kama at lumabas ng kwarto. Akala ko ay tuluyan na talaga akong makakatulog nang may biglang dumagan sa likuran ko. Hindi ko maiwasang mapatili at pilit na pinaaalis ang taong iyon sa likod ko. "PALOMAAAA! Wake up, sleepy head! Remember, It's Warren's birthday today! We will help pa to cook kaya tumayo ka na dyan!" lalo pang dumagan sa akin si Yell at hindi ko maiwasang mabuysit. "Putcha! Umalis ka nga diyan sa likod ko, Yell! Ut

