Pia's POV Mabilis kong itinulak si Wage palayo sa akin at nakita kong muntik na itong mawalan ng balanse kung hindi lamang ito nakahawak sa gilid ng bintana. "MOMMY! WHO'S THAT MAN?!" malakas na tili ng anak ko kaya natatarantang lumapit ako dito at binuhat siya. "C-come on, Baby. We need to get dress na for your Tito Warren's birthday." hinatak ko na lang iyong malaking bag sa may kama pati na din iyong dress ko na nalaglag na pala sa sahig. Paglabas namin sa kwartong iyon ay pumasok kami sa isa pang guest room at inilapag ko ang anak ko sa kama. "Mommy, answer me po." nakahalukipkip pa ito at nakanguso habag nakatingin sa akin. Tumabi naman ako rito sa kama at hinaplos ang buhok niya. "Friend siya ni Tito Warren mo." simpleng tugon ko rito. It's the safest answer that I can give t

