Ruin

5000 Words
“Kris, have you been to disco bars?" "No, no. Its a forbidden place for me." "Who told you that?" Naaliw na wika ng binata. "Si Papang." "Hahaha he's strict, i know. But let me handle it. Tonight we will go to bar. Let me teach you, San diego, California style!" Paswabeng sambit ng binata. "Medyo na-excite ang dalagita ngunit naroon pa rin ang takot sa ama." "Ok, ikaw ang bahala." "Ok, cuz lets go!" Malakas na music ang bumungad sa kanila pagbukas ng pintuan sa bar na kanilang pinuntahan. Maaga pa kaya wala pang gaanong tao. Diretso sa dance floor ang kanyang pinsan at nagsimulang umindak mag isa sa dance floor. "Come on, Kris! Night is young and the music is high!!!" Pakantang yaya sa kanya ng pinsan. Naengganyo naman ang dalagita at natatawang sinabayan ang pinsan sa pag indak. "Cheers!" Medyo hilo na siya sa ilang serve ng white wine na iyon. Ngunit ang kanyang pinsan ay tila hindi nalalasing. "Kris, Kris! Hey, don't sleep here! Sunod sunod na tapik ang nagpadilat sa mata niyang halos di na maidilat sa kalasingan. "Tim, i wanna go home and sleep." "Okay, let's go." Beep! Beep! Busina iyon galing sa labas ng gate. "May bisita po yata kayo?" Tanong ni Ricardo sa Don. Galing siya sa maynila at sumaglit muna sa mansion upang ibigay sa Don ang mga papeles na inayos sa lunsod. "Sila Kristina na iyan." Pabuntonghiningang wika ng Don. Tumayo mula sa sofa at lumabas upang salubungin ang pagpasok ng anak. Ngunit ilang minuto na ay di pa rin ito bumubungad kaya tumayo na ito at pumunta sa mismong sasakyan. Sumunod na rin si Ricardo sa Don. Bumukas sa gawing drivers seat at bumaba si Timothy. "Uncle, sorry we are si late." "Nasaan si Kristina?" Seryosong tanong ng Don. "Hindi na makatayo kanina ko pa nga ginigising." Mabilis na lumapit ang dalawa sa gawing passenger seat at binuksan ang pintuan. "Kristina, Kristina!! Tinapik nito ang anak sa pisngi. "Hmmmmm Pang..." Namumungay na sambit ng dalagita. "Ricardo, tulungan mo akong buhatin ang batang to." Dumungaw ang binata at kinarga ang dalagita na uungol ungol lang. Nilagpasan lang ng Don si Timothy kasunod nito si Ricardo na karga si Kristina, matalim na sulyap ang iginawad nito sa lalaki. "Pakiakyat na lang sa kuwarto ang anak ko, Ricardo. Kakausapin ko lang sandali ang pamangkin ko." Seryosong wika ng Don. Tango lang ang isinagot ng binata at tumuloy nang umakyat sa hagdan habang karga ang dalagita sa mga bisig nito. Marahang inihiga ng binata ang dalagita sa kama nito. Seryosong pinagmasdan ang mukha ng dalagitang laging gumugulo sa kanyang isipan. Umupo siya sa kama at dinama ng palad ang pisngi nito. Napakainosente ng mukha nito na kabaligtaran kapag ito ay gising. Napangiti siya pagkaalala sa mga kapilyahan nito. Para siyang napasong binawi ang kamay ng biglang dumilat ang dalagita. Blangko lang itong nakatitig sa kanya. Pagkuwa'y may ngiti sa labing pumikit at waring nasa isang magandang panaginip. Ipinasya niyang lumabas na at baka kung anong isipin ng Don. Dinatnan niya sa ibaba ang Don at asawa nitong tila nagtatalo. "Sinabi ko na kasi na ibalik mo na sa nanay niya yan at sakit lang ng ulo ang ibinibigay sayo ng anak mo iyan, Alfonso!" "Please Cornelia, dito lang sa bahay ko si Kristina at kaya kong disiplinahin ang anak ko." "Tingnan lang natin ang mga susunod na gagawin niyan na magpapasakit sa ulo mo. Anlakas ng loob na itakas ang kotse mo tpos ngayon natututo ng mag-inom. Tingnan natin sa mga susunod na araw." "Excuse me, Don Alfonso, Magpapaalam na ako." Tumayo ang Don at tila hapong iginiya ang binata palabas ng sala. "Hijo, pasensiya ka na at naabala ka pa tuloy niyan." "Walang anuman, Don Alfonso. Pahinga na din kayo." Wika ng binata at tuluyan ng sumakay sa sasakyan. "Papang, ayokong sumama sa party na yun." Matulis nag ngusong maktol ng dalagita sa ama. "Hija, mag-eenjoy ka dun at nandun ang ninong mo at mga amigo ko, di ba't tuwang tuwa ka dati pag nakikita mo sila?" "Papang, noon yun nung maliit pa ako mahilig pa 'ko sa chocolates." Nakasimangot pa ring wika ng dalagita. Natawa ang Don sa tinuran ng dalagita, mabilis na nga palang lumipas ang panahon at dalaga na ang dati'y musmos na paboritong regaluhan ng kung anu ano ng kanyang mga amigo. "Hija, please. Sandali lang tayo dun. Saka wala ang Tita Cornelia mo kaya ikaw ang aking magandang escort." Pabirong pamimilit ng ama. "Okay, what to do?" Retro ang napiling gayak ng dalagita at siya na rin lang na party ng mga oldies ang pupuntahan nila. Hapit na red dress na hanggang tuhod ang napiling isuot ng dalagita. Medyo kinapalan nya lang ang lagay sa mascara ngunit light lang ang color ng lipstick. One sided ang hati ng buhok at hinayaan niya lang na nakalugay iyon. Awtomatikong napatingin ang lahat ng bumungad ang mag-ama sa pagtitipong iyon. "Kumpadre, 'yan na ba ang inaanak ko? Aba'y dalagang dalaga na!" Papuri ng kanyang ninong. "Yes, ninong! Marami ka ng utang sa akin mula ng magmigrate ka sa states." Hirit ng dalagita. "Hahaha at di ka pa rin pala nagbabago, holdaper pa rin ang inaanak ko." Pabirong wika ng kanyang ninong. Natawa lang ang dalagita sa tinuran ng kanyang ninong. Gumala ang mga mata niya at naghanap kung may kaedad man lang ba siyang makakwentuhan sa gabing iyon. Para siyang nakakita ng multo ng mamataan niya si SPO4 Canlas na palapit sa kanila. Dali dali siyang nagpaalam sa magkumpadre na hahanap ng kakilala sa kabilang panig. Mabilis siyang nakaalis bago pa man nakalapit ang pulis ba iyon. Kamamadali niyang makalayo ay di niya napansin na nabangga siyang isang tao. Saktong tumama ang noo niya sa baba nito. Mukha ni Ricardo ang nasilayan pagtingala ng dalagita. "Watch out, young lady." Seryosong wika ng binata. Mabilis na kumawala ang dalagita at pairap na kinompose ang sarili. "Baka naman maglasing ka na naman, pinagod mo ako last time, binuhat kita hanggang room mo." "Nooo, konti lang." Wika ng dalagita sabay wagayway ng hintuturo sa mukha ng binata. "Alam ba ng papang mo na iinom ka na naman?" "Hindi, pero alam nya mabobored ako dito sa party ng mga oldies so may excuse ako." Matulis ang ngusong sagot ng dalagita. "Bakit ang sungit mo ngayon, meron ka ba?" Masamang tingin lang ang sagot ng dalagita. "Excuse me!" Sabay talikod sa binata palayo. "Suplada ka pala, ang ganda mo pa naman hindi ka mukhang nene." Wika ng binata habang sinusundan nito ng lakad ang nagwalk out na dalagita. Tin Tin belles!!! Tawag pansin iyon ng pinsan niyang si Timothy na mukhang kanina pa naroon. Awtomatikong napangiti ang dalagita pagkakita sa pinsan, na kabaligtaran naman ng impresyon ni Ricardo. Saglit na umalis ang kanyang pinsan upang kumuha ng maiinom sa bar. Kunut na kunot ang noo ng binatang nakatingin sa dalagita, na siyang ikinasiya ng huli. Sinadyang ininis ang binata, nag pout lips ang dalagita na parang Angelina jolie at parang nakakalokong sinalubong ng tingin ang binata. Ngunit iba ang epekto niyon sa binata, imbes na mainis ay may kung anong naramdaman na nagpabago sa mood nito. Hey, hey! Wika ng pabalik ng si Timothy na hawak sa kamay ang tatlong baso ng wine. Sabay na kinuha ng dalawa ang alak sa kamay ni Timothy. Cheers!!! Anang pinsan niya. "Saglit lang mga boys, cr lang ako, ha?" Sabay tayo ng dalagita. Mapula na ang pisngi nito sa pangatlong baso ng wine na isinilbi dito, medyo namumungay na rin ang mga mata. Medyo liyo na ang dalagita kaya dumaan muna ito sa nadaanang veranda upang magpahangin. Tinunton niya ang hardin palabas upang sundan ang halimuyak ng mga bulaklak niyon. Naupo siya sa bench at pikit ang matang nilanghap ang samyo ng mga bulaklak. Napakapayapa sa pakiramdam na tila lahat ng alalahanin ay nawala sa oras na iyon. "Kristina." Malamig ang boses na pumutol sa pagmumuni muni ng dalagita. Umupo sa tabi niya si Ricardo. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka na bumalik." Sita nito. "Hay, nakoo naman. Nahihilo na ako sa loob." Sabay sandal ng ulo nito sa binata at niyakap ang kanang braso nito. Napahugot ng malalim na hininga ang binata sa ginawang iyon ng dalagita. Ang braso niyang yakap nito ay nakadikit sa mismong dibdib ng dalagita. Iginalaw niya ang braso pabaklas sa yakap nito na siyang ikinadilat ng dalagita. "Halika na sa loob." "Okay!" Sabay tayo ng dalagita at mabilis na lumakad pabalik sa pagtitipon habang naiwan ang binatang nasundan na lang sya ng tingin. Napabuntunghininga na lang ang binata at ipinatong ang dalawang siko sa magkahiwalay na tuhod at sapo ang mukhang pinipigilan ang emosyong nais lumabas doon. Nais niyang yakapin at bihagin ang dalagita sa kanyang mga bisig sa buong magdamag na iyon. Pakinggan niya ang malambing nitong tinig na siyang nagpapalambot sa emosyon niya sa tuwing kausap ito. Ngunit masyado pa itong bata, ngunit may kasunduan siya sa tatay nito, ngunit.. Ngunit. "Ahhhhh..!!" nalamukos na lang niya ang mukha sa kabiguang iyon. "Pang, I wanna go home, nahihilo na ako." "Hija, maaga pa nagkakatuwaan pa kami ng mga ninong mo." "Don't worry, Uncle. Ako na maghahatid kay Kristina." Sabat ni Timothy sa mag-ama. Pumayag naman ang kanyang ama at magkasama ngang lumisan ang magpinsan sa pagtitipong iyon. "My Tin Tin belles, here we are!" "Tim, dito ka na matulog." Alok ng dalagita. "No, my cuz... Haha i have to go." "Ah, hindee! Dito ka matutulog... Period!" Sabay hila sa binata papasok sa kabahayan. Walang nagawa ang binata kundi sumunod sa pinsan paakyat sa hagdan patungo sa guest room. "There! Sleep.. Feel at home. U still have your clothes in the drawer." Sabay turo sa drawer sa gawing kaliwa. "Okay cuz. You may go now as I have to rest. Bye." Sabay pasok sa banyo ng binata. Bumalik sa kwarto niya ang dalagitang nahihiwagaan sa kilos ng kaniyang pinsan. Parang itinataboy yata siya nito? Nagshower lang ang dalagita at nagpalit ng ternong pyjama at nahiga na. Ngunit nawala na ang hilo at antok niya kanina pagkatapos mag shower. Bumangon ang dalagita at kinuha ang potato chips na nasa drawer at tumungo sa guest room upang yayain kumain ang binata. "Tim...! Nakangiting bungad ng dalagita pagbukas niya ng pinto. At parang itinulos na kandila pagkakita sa pinsan. Hinsi siya tanga para hindi matukoy kung ano ang nadatnang ginagawa nito. Ang makintab na silver na papel at maliit na stick na hawak nito at ang pinong tila pulbos na iyon ay alam niya ang ibig sabihin. Pareho lang ang naging reaksyon ng dalawa sa tagpong iyon. "Pasok ka." Tila nanggaling sa hukay ang boses ng binata. Napakalamig at walang buhay ang katagang binitawan nito. Pinilit humakbang ng dalagita papasok sa kwartong iyon. Tila may mga bakal na pabigat ang paa niya at halos di maihakbang palapit dito. Hindi ito ang pinsan niya. Iba sa Timothy na masayahin. Ang kaharap niya ngayon ay isang estranghero, seryoso, matigas at tila isang ligaw na nawala sa kawalan. Mapait na ngumisi ang binata, kaiba sa kanina lang ay puno ng buhay na ksama niya. "Hindi mo inakala di ba?" Mapait na wika nito. Ni walang maisagot ang dalagita. "Gusto mo ng kwentuhan, di ba?" Sabay hablot sa mga dala niyang pagkain. Binuksan isa-isa ang mga chips at ibinuhos sa kama. Napakagat labi na lang ang dalagita. "Anong kwento ang gusto mo?" Mapait pa ring wika ng pinsan niya. "Okay.. Little Timothy send by his father to the States to study. Sounds good isn't it?" "Alam mo ba kung ilang part-time yaya ang nag- alaga sa akin? 53 to be exact. Indian, mexican, american, filipino.. Cant remember.." Sige sa pagpulot at pagsubo sa chips na nakakalat sa kama. "My father sent me there as per the request of his new beloved wife. To start a new family without the trace of me and my mother." Garalgal na ang boses nito. Naisip niyang pareho lang pala sila ng pinsan ng sitwasyon, medyo swerte lang siya at pilit siyang kinukupkop ng kanyang Papa sa kabila ng pagtutol dito ng asawa nito. "At si Mama.. Ni hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya sa tuwing dadalawin ko siya sa asylum." Tumutulo na ang mga luha nito. "Now tell me, huh? May nagawa ba akong mali to deserve this kind of pain?" Punong puno ng hinanakit na wika ng binata. Awang awa ang dalagita sa kawawang pinsan, wala siyang malamang isagot dito ng mga oras na iyon kundi ang pagtulo ng luha. "Oh, Tim.." Nahaplos niya ang mukha nitong puno ng kabiguan. Nahubad na ang maskara nitong nakikita niya sa araw araw. Ngayon niya natanto na ito ang pinsan niya, ang pinsan niyang iyakin noon na hindi rin pala nagbago sa paglipas ng panahon. Tok, tok, tok. Katok iyon ng kanyang madrasta sa pinto ng guest room na iyon. "Kristina.." Tawag nito. Dali daling kumilos ang dalagita at mabilis na pinulot at isinilid sa empty plastic ng chips ang mga 'ginamit' ni Timothy. Saktong naisilid na niya iyon ng bumukas ang pinto. "Oh, Tim! You're here." "Yes, Tita. Dito muna ako magpapaumaga. Galing kasi kmi sa party naiwan pa si Uncle. "Ah, yeah. Sayang di ako nakasama kadarating ko lang from the city. Then parang may narinig akong boses ng lalaki dito." "Hahaha don't worry Tita. I assure you, Kristina will never do that, ang magdala ng lalaki dito except me, right cuz?" "Isang pilit na ngiti ang naging sagot ng dalagita." "Ok, Tim pahinga ka na ako na magtatapon nitong mga plastic." Sabay tayo ng dalagita mula sa kama bitbit ang mga plastic. "Ok, goodnight. Magpapahinga na rin ako." Sabay na lumabas ng kwarto ang dalawang babae at dumiretso sa kani kanilang kwarto na walang nagsalita ni isa man sa kanila. Nakahinga ng maluwag ang dalagita pagpasok sa kwarto at ini- lock ang pinto nito. Hindi niya malaman ngayo kung saan ilalagay ang laman ng isang plastic doon. Makikita ng kanilang katulong kung basta nya na lang itatapon sa basurahan. Napagdesisyunan niyang itago iyon sa drawer sa likod ng kaniyang mga damit. Kinabukasan ay wala na ang binata sa mansion paggising ng dalagita. Ilang araw pa ang lumipas ay di na nagpakita pa ang kanyang pinsan kaya't laking tuwa niya ng makita itong sakay ng kabayo papunta sa gawing kamalig ng isang dapithapon na iyon. Kumuha siya ng isang kabayo sa cuadra at sinundan ang kanyang pinsan. Nagpaikot ikot na siya sa paligid g kamalig ngunit hindi pa niya nakita ang pinsan hanggang naisip na itali ang kabayo sa puno at pumasok sa loob ng kamalig. Mabining amoy ng parang nasusunog na kakaibang dahon ang sumalubong sa dalagita. Naalala niya ang kanyang kaklase na na kick out sa kanilang paaralan ng mahulihan na nagsisigarilyo ng kaparehong amoy ng naamoy niya ngayon. Napabuntung-hininga na lang ang dalagita. Aalis na sana siya ng marinig ang tula pagtatalo nito at ng kasama nitong lalaki. Sinilip niya kung sino iyon at di makapaniwalang ang anak iyon ng butihing pulis na ilang araw niyang iniiwasan simula ng makilala niya si Brando. "Ta' ina ka Timothy. Subukan mo lang akong isumbong at uubusin ko ang lahi mo. Nakinabang ka rin at nagpakaligaya sa mga supply ko sayo!" Nanlaki ang mata ng dalagita sa narinig. Sinuntok nito ang kanyang pinsan at nagpambuno ang dalawa, ang stick ng sigarilyo nitong may sindi ay tumilapon sa tuyong dayami na siyang dahilan upang mabilis na sumiklab ang apoy sa loob niyon. "Mabilis na dinampot ng dalagita ang isang kahoy sa bunton ng mga palay sa loob at lumapit sa dalawang lalaking nagpapambuno kahit ang apoy ay gumagapang na sa daan daang sako ng palay na kaaani lang nang nakaraang linggo. Inihampas niya ang hawak na kahoy sa anak ni Canlas na siyang dahilan upang maghiwalay ang dalawang nagpapambuno. Pinilit nitong bumangon kahit mahilo-hilo at tumakbo palabas ng kamalig. "Kristina!" "Timothy, dali tumakbo ka sa cuadra at humingi ka ng tulong sa mga trabahador upang maapula ang apoy. Buong ani ng palay ay dito naimbak!" Mabilis na tumakbo ang binatang takot na takot. Naiwan ang dalagitang pilit inaapula ang apoy gamit ang isang telang binasa niya mula sa drum ng tubig sa loob ng kamalig na iyon. Ngunit ito ay hindi nakasapat upang maapula ang lumalaki ng apoy kaya napilitan ang dalagita na lumabas na ng kamalig. Wala na ang kabayo niyang ginamit kanina na nakatali sa puno kaya ipinasya na lang hintayin ang tulong na hiningi ng umalis na si Timothy. Ngunit mahigit kalahati na ng kamalig ang nasusunog ay wala pa rin dumadating na tulong. Kusang naglabasan ang mga tao sa hacienda ng matanaw ang maitim na usok sa gawing kamalig. Ang unang dumating ay si Mang Tasyo na siyang namamahala sa kamalig na iyon, at nadatnan ang dalagitang umiiyak havang pinapanood ang paglamon ng apoy sa buong kamalig. Napahupa man ng dumating na bumbero ang apoy ay wala na ring silbi dahil ang buong kamalig ay tila isang nakapanlulumong tanawin para sa mga trabahador sa haciendang iyon. "Ilang beses na po akong nakapulot ng mga upos ng m*******a at tooter sa loob ng kamalig, Senyor." Paliwanag ni Mang Tasyo sa naluging Don. "Pagdating ko sa kamalig kanina, si Senyorita Kristina ang nakita kong naroon." Sabay tingin sa tahimik na dalagita. Nasa sala sa mansion na iyong ang kanyang papa at asawa nito, ang imbestigador, ilang tauhan sa hacienda at si SPO3 Canlas. "Senyorita Kristina. Ano ang iyong ginagawa sa kamalig kanina bandang ala singko y media?" Tanong ng imbestigador. Nakayuko lang ang dalagita. Marami din siyang mga tanong mula pa kanina na si Timothy lang ang makakasagot. Ngunit nasaan ang kanyang pinsan? Bakit siya tila hinahatulan sa hukuman ng mga taong ito? Hindi ba alam ng mga ito na mahapdi ang mga galos at sugat niya gawa ng pagsubok na apulahin ang apoy kanina? "Gumagamit ka ba ng bawal na gamot?" Nabigla man ang dalagita sa tanong na iyon ay nanatili siyang nakayuko. Alam na niya ang tinutumbok ng mga ito. Sinubok niyang angatin ang ulo upang humingi ng tulong sa kanyang Papa, alam niyang hindi siya nito pababayaan. Ngunit ito ang pinakagalit niyang nakita sa salas na iyon. "Kung pahihintulutan ninyo po, Senyor. Maaari ko po bang makita ang loob ng kwarto ni Kristina?" "Canlas, maari mong makita ang loob ng kwarto ngunit kasama ako." Magkasabay na umakyat ang Don at ang butihing pulis habang sinusundan ng tanaw ng mga naiwan sa ibaba. Napaupo sa kama ang Don pagkakita sa loob ng plastic na nakatago sa damitan ng dalagita. "Hindi biro ang magiging kaso ng anak ninyo, Senyor." Seryosong wika ni Canlas na nanatiling nakatayo hawak ang plastic. "Isang malaking kahihiyan ito sa aking pamilya. Kaya't may hihilingin ako sayong malaking pabor. Isang beses lang akong hihiling sa iyo Canlas." Seryosong wika nito. Napabuntong hininga ang pulis sa tinurang iyon ng butihing Don na anak ng taong nagpaaral sa kanya. Alam niyang labag sa mata ng diyos at mata ng tao ang gagawin niya ngunit isang pabor para sa Don ay isang bagay na di niya maaring ipagkait dito. "Mula sa gabing ito ay hindi ko na siya ituturing na anak. Isang taon na dugo at pawis ng mga trabahador na sa isang iglap ay mawawala ng dahil sa isang walang puso kong... Hah!" "Don Alfonso! Okay lang ba kayo?" Tinulungan nitong himasin ang dibdib ng Don na nagsisikip. Pumikit ang Don at pilit kinalma ang sarili. "Okay lang, hindi ako pwedeng atakihin sa oras na ito, Canlas." Nakaalis na ang mga trabahador mula sa mansion at nakauwi na rin si SPO4 Canlas at mga imbestigador ngunit si Kristina ay nanatiling nakaupo sa salas na iyon. Kumakalam na rin ang sikmura niya sa gutom. Sa wakas ay nakita niya ang ama na pumapanaog sa hagdan. Kasunod nito ang kanyang madrasta. Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Ito ang oras ng hatol mula sa kanyang ama. "Pinalagpas ko lahat ng kalokohan mo at iyon ang pagkakamali ko dahil nagtiwala ako bilang ama mo. Pero ano ang isinukli mo, ha?" Dumadagundong sa buong mansion ang boses ng Don. "Papang, wala po akong kasalanan. Wala akong ginagawang masama." Wika ng lumuluhang dalagita. "Anong wala?! Anong wala, ha? Isang taon na dugo't pawis ng mga trabahador ang ipinuhunan sa sinunog mo ng dahil lang sa kalokohan mo.!" "Papang, please." Hikbi ng dalagita." "Dapat sana'y hindi na kita kinuha sa Mama mo o dapat sana hindi na lang kita naging anak. Isa kang malaking pagkakamali sa buhay ko." Hingal na ang Don sa pagsasalita. Para iyong patalim na tumarak sa puso ng dalagita. "Lumayas ka sa bahay na ito bago pa kita mapatay!" "Papang, nooo!" Hagulhol ng dalagita. Hinawakan ng Don sa braso ang anak at pakaladlad na iginiya palabas ng mansion diretso sa gate. "Mula sa araw na ito ay hindi na kita anak at kalimutan mo nang may ama ka dito. Dun ka nababagay sa ina mong walang kwenta." "Anak? Anong ginagawa mo dito? Anong nangyari?" Tanong iyon ng nabigla niyang ina. Lumuwas siya ng maynila na suot pa rin ang damit ng nakaraang gabi. "Pinalayas ako ni Papang." Iyon lang ang nawika ng dalagita at dumiretso na sa loob ng kabahayan. Hindi na din nag-usisa ang Ina sa nakitang kondisyon ng anak. Puro galos ito at tila pagod na pagod at gutom na gutom. Saglit na lumabas ang ina at pagbalik ay may dala ng supot na may lamang ulam at sumandok ng kanin mula sa kaldero. Agad na sinunggaban ng dalagita ang pagkain pagkabigay dito. Hindi na nag-usisa ang ina ukol sa nangyari sa pagitan ng mag-ama. Ang mahalaga ay naibalik na sa kanya ang kanyang anak. Ngunit naroon ang pag-aalala na hindi matustusan ang pangangailangan nito lalo't kolehiyo na ito sa pasukan. Balitang magsasara na ang pinapasukan niyang pabrika. Swerte lang siya at napamanahan ng maliit na bahay ng mga magulang kaya't hindi na nangungupahan ng bahay. Nakaenrol ang dalagita sa pampumblikong paaralan kung saan mura ang tuition na pinag ipunan pa ng kaniyang ina mula sa sweldo nito. Walang reklamo mula sa dalagita kahit napipilitang maglakad papuntang labasan na nakikipagpatintero sa malubak na daan papuntang labasan. Nagtitiyaga sa pagkaing baon na inihahanda ng kaniyang ina tuwing umaga upang makaiwas sa mahal ng bilihin ng lutong pagkain sa eskwelahan. Kakaiba iyon mula sa nakagisnan sa mansion na pinagsisilbihan ng mga katulong at sagana sa alinmang bagay. Ngunit balewala iyon sa dalagita, ibinaon na niya sa limot ang lahat ng tungkol sa kaniyang ama. "Sting, Sting!" Tawag iyon ng kapitbahay niya isang hapon pauwi siya galing sa skwela. "Baket? Ano problema mo?" Palaban na wika ng dalagita. Dati na niya itong binigwasan minsang harangin siya nito sa labasan dalawang taon na ang nakararaan. "Yung Mama mo isinugod sa ospital kanina." Sagot ng lalaki sa dalagita. Matagal na niyang kursunada ang dalagita mula ng masilayan niya ito 2 taon na ang nakakaraan. Maputi ito at artistahin ang malaanghel na mukha. Pero sapak ang inabot niya dito at di umubra ang istilo niya sa mga babae. Kung ano ang sexy at ganda nito, ala Manny Pacquiao ang kamao nito. Mula noon, matanaw pa lang niyang parating ito ay gumigilid na siya. "Doc, ano po bang lagay ng Mama ko?" Puno ng pag-aalalang tanong ng dalagita sa doktor ng pampublikong hospital na iyon na malapit lamang sa kanilang tinitirhan. "Lung cancer ang sakit ng mother mo ngunit stage one pa lang. Mahabang proseso ng gamutan ang kailangan..." Hindi na maintindihan ng dalagita ang iba pang sinabi ng doktor. Wala naman siyang alam ukol sa mga medical verse na binanggit nito. Ang alam lang niya ay kailangan niya ng malaking halaga upang matustusan ang pangangailangan nito at iyon ang malaki niyang problema ngayon. Bale ilang araw na lang at tapos na ang semester sa ikalawang taon niya sa kolehiyo at hindi na niya balak pang ipagpatuloy pa ang pag-aaral. Dati na niyang binanggit sa ina na nais na niyang huminto sa pag-aaral ngunit mahigpit nitong tinutulan iyon. "Kristina? Anong ginagawa mo dito?" Kumunot bigla ang noo ng nagbukas ng pinto pagkakita sa dalagita. Tuloy tuloy lang na pumasok at umupo sa kahoy na sofa ang dalagita. "Kelangan ko ng tulong mo, Brando." "Pwede mo naman akong tawagan na lang. Sinabi ko na sa'yo na hindi pwedeng basta na lang pumunta dito, hindi nababagay ang isang tulad mo sa lugar na ito. "May sakit si Mama, Brando. Cancer at kelangan ko ng malaking halaga pantustos sa gamutan niya." Seryosong wika ng dalagita at hindi pinansin ang panenermon ng kaibigan. Walang malaang sabihin ang binata sa narinig mula sa kaharap. Dalawang taon na ang nakararaan mula ng makatanggap siya ng tawag mula dito at malaman ang ginawang pagpapalayas ng ama nito sa hacienda. Isa itong prinsesa sa paningin niya na hindi nababagay sa lugar na kinasadlakan nito. Ngunit tanggap ng dalagita kung anuman ang naging kapalaran nito. Mahigpit niyang bilin dito ang hindi pagpunta sa kanyang tirahan dahil sa uri ng kanyang trabaho na maaring ikapahamak nito. "Wala akong ibang alam na trabahong madaling makatustos kay Mama kundi ang sumama sa'yo." Buo ang loob na wika nito. Mahigpit na napailing-iling ang binata. Hindi niya kailanman ipapahamak ang kanyang natatanging kaibigan. Para sa kanya isa pa rin itong prinsesa mula sa malawak na hacienda na pinagsisilbihan ng daan daang trabahador. "Kristina, hindi para sa iyo ang lugar na ito. Mababaon ka sa kasalanan at hindi na makakawala pa." "Wala akong choice, Brando. Kahit kaluluwa ko ibebenta ko para sa Mama ko. Kalimutan mo na ang prinsesang nakilala mo. Isa siyang alaalang binaon ko na sa limot. "Mula ngayon, magkauri na tayo. Kung ano ka, ganun ako." At kinuha ng dalagita ang gunting mula sa tokador nito at ginupit nito ang bawat bungkos ng buhok na mahawakan. Ni hindi nakahuma ang binata sa ginawa ng kaharap. Ang mahaba at makintab na buhok nito ay isa isang tumapon sa sahig. Ano pa nga ba ang magagawa niya sa desperado nang kaibigan. Hindi niya ito mapipigilan lalo't sangkot ang natatangi na nitong pamilya, ang ina nito. "Kelangan kitang turuan mula ngayon. Maaga ka bukas para sa self defense training mo." Seryosong wika ng binata na tila walang namagitang argumento sa pagitan nila. Lumiwanag ang mukha ng dalagita sa narinig at niyakap ang kaibigan. "Pangako, Brando. Hinding hindi ka magsisi." "Ha ha! Asintado ka naman pala." Puri nito. "Oo, madalas akong sumama sa kapatid ni Papa na mamaril ng ibon sa kabundukan sa kabilang bayan ng San Bartolome." "Okay, pero kelangan mo pa rin i-perfect ang bawat kalabit sa gatilyo. Kung ano ang target mo, full focus para mapuntirya mo. "Brando, kelangan ko ng mabayaran ang bill sa ospital." Natahimik ang binata sa narinig. Alam niya ang ipinahihiwatig ng kaibigan. Kailangan na nitong 'magtrabaho'. "Don Alfonso, totoo ang balita na pagbabalik ni Kristina. Kita ng dalawang mata ko nung isang araw na mismong pagdating niya." Kumpirma dito ni Ricardo. Isang buntung-hininga ang pinakawalan ng Don sa tinuran ng binata. Pagkalipas ng limang taon na pagtikis sa anak ay naroon pa rin ang galit at hinanakit sa ginawa nito. Ngunit minsan ay naitatanong sa sarili kung ano na ba ang naging buhay ng kaniyang anak sa kamay ng ina nito. Naibibigay ba nito ang pangangailangan nito bilang isang Salvador? Siya na rin ang sumagot sa katanungang iyon. "Saan siya nakatuloy dito ngayon?" Tanong ng Don. "No idea." Simula nang umalis ito ng bayang iyon ay ni hindi man lang nagkaroon ng kaugnayan si Kristina sa mga kaibigan o mga kaklase man lang nito. "Pangalan ng dadalawin?" Tanong ng pulis kay Kristina sa city jail sa bayang iyon. "Angelito Apostol." Tugon nito habang inililibot ang tingin sa paligid. Awtomatikong pumako ang tingin ng mga pulis na naroon sa dalaga. Mula ng makulong ang binanggit niyang pangalan ay wala ni isa mang kamag-anak o kaibigan ang dumalaw dito. "Miss, kelangan ng ID sa mga bisita at bawal ang cellphone sa loob. At kelangan ka din kapkapan bago makapasok sa loob." Brief nito sa dalaga sabay pasada sa kurbada ng katawan nito. Hindi na lang niya pinansin ang malisyosong tingin nito at kinuha ang id sa kaniyang dalang bag at ibinigay iyon sa pulis. "Kristina Salvador." Binasa nito ng buo ang pangalan niya sabay tingin sa dalaga. "May problema ba?" May pagkainip nang tanong ng dalaga. "Ah, eh wala. Mag log-in ka na lang dito sa logbook.” Walang kibo ang pulis habang nagsusulat ang dalaga sa logbook at hindi inalis ang tingin nito dito hanggang makapasok na ito sa visiting area. "Ako si Kristina, ang iyong tagapagligtas." Bungad ng dalaga sa lalaking preso na tila kinikilala kung sino man ang nakaisip na dalawin siya. "Kaibigan ako ni Brando." Wika ng dalaga. Mahalagang makuha niya ang loob ng lalaking ito dahil dito nakasalalay ang misyon niya. Medyo na at ease naman ang lalaki pagkarinig sa pangalang Brando. Kung kaibigan nito ang dalagang kaharap ay alam na niya kung anong uri ito. Napangisi ang lalaki at nagtanong. "Ano ang maipaglilingkod ko sa magandang binibini?" Lumapad ang ngiti sa labi ng dalagita. Mukhang hindi siya mahihirapan sa mga unang hakbang niya. "Aasikasuhin ko ang pyansa mo. Nakakasa na lahat so araw na lang ang bibilangin mo at malaya ka na." Ekspertong pangungumbinsi nito sa lalaki. "Haha! Brando style. Magkakasundo tayo, bata." Madaling napalagay ang loob ng lalaki sa huli dahil sa pangalan ni Brando na dati na niyang nakatrabaho na may isang salita. "Canlas, kumusta na ang butihing pulis ng San Bartolome?" Magiliw na bati ng Don ng matanaw si Canlas sa pagtitipong iyon. "Mabuti, Senyor." Sagot nito. "Kumusta, SPO4? Nakangiting bati din dito ni Ricardo. Mabuti, mabuti. Madalang na tayong magkita kita sa mga ganitong pagtitipon. "Eh, alam mo naman na kapag tumatanda na ay sa hacienda na lamang pumipirme." Nakangiting tugon ng Don. "Kumusta si Kristina?" Pang-iibaba ng pulis na ikina seryoso ng dalawang kaharap. Hiniling ng Don dati na huwag ng pag-usapan at wag banggitin man lang ang pangalang iyon. "Nung isang araw ko lang nalaman na nakabalik na pala siya dito." Patuloy ni Canlas na hindi pansin ang pagkaseryoso ng mga kaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD