Niyayang umupo ni Ricardo sa malaking mesa ang grupo. Napagitnaan ito ni Don Alfonso at General Macario. Katabi namn ni Macario si Kristina at ninong nito na kausap naman ni Don Alfonso.
"Hey, Kristina. Kumusta pala si Brando?" Tanong ni Macario na nagpaangat sa ulo ni Ricardo.
"Nasa field." Mahina at halos pabulong na sagot ng dalaga.
Napangisi ang heneral sa naging sagot ng dalaga. Ang field na tinutukoy nito ay may laman. Alam niyang kanina pa napipikon ang dalaga sa kanya.
"I'll go get some drinks." Anang dalaga at tumayo na ito ngunit dumiretso palabas ng pagtitipong iyon.
Isinandal ng dalaga ang likod sa pader sa labas ng pagtitipong iyon. Ngayon niya nararamdamn ang pagod sa tensyon mula pa kagabi na wala siyang tulog, sa mga tensyon pagkatapos ng kasal at sa tensyon sa loob.
"Kristina." Marahang tawag sa kanyang pangalan.
Nanatili lang nakasandal ang dalaga at ni hindi dumilat.
Alam niyang boses iyon ni Ricardo.
"I know you're tired now and need to sleep." Sinamantala nito ang pagkakataong titigan ang nakapikit na dalaga. Ilang taon siyang naghintay sa pagbabalik ng dalaga sa bayang iyon. Ang mga larawan nito sa photo album ng kanyang pamangkin ang tanging pumawi sa bawat gabing pangungulila dito.
Ibang Kristina man ang bumalik ay ni hindi nagbago ang nararamdaman niya para dito. Ang dating pilya at masayahing dalagita ay naging isang misteryosa alam niyang sa kabila ng magandang mukha nito ay maraming sikretong natatakot siyang malaman.
Ang mailap na mga mata nito ay tila laging nanunuri sa paligid nito. Ngunit sa kabila nito, alam niya nagkukubli ang Kristina na nakilala niya mahigit pitong taon na ang nakararaan.
Dumilat ang dalaga mula sa pagkakapikit at awtomatikong sumalubong ang mata nito sa mukha ng seryosong binatang nakatunghay sa malungkot na mukha ng dalaga.
Umiwas ito ng tingin at blangko ang tingin na pumako sa mga alon sa baybaying dagat. Naisip niyang ang mga alon na iyon ay tila siya na pilit mang bumalik sa pampang ay paulit-ulit na hinihila ng karagatan kung saan siya nararapat. Katulad niya, bumalik man siya sa pinagmulan ay hindi na kagaya ng dati dahil binago ba siya ng karagatang kinasadlakan o mismo ang lugar na pinagmulan ang mismong sa kaniya'y bumago?
"You can use one of the rooms inside." Wika ng binata na pumutol sa iniisip ng dalaga.
"No, thank you Ricardo. Hindi din naman ako magtatagal. May aasikasuhin pa kami bago bumalik ng maynila."
"With whom? Ng mga goons na kaibigan mo?" May talim na ang boses nito.
Napataas ang kilay ng dalaga mula sa narinig dito.
"Goons man sila sa paningin mo, they are my friends who will never ever leave me no matter what. And don't judge someone by their appearance or status, at the end you will be surprised who will be at your side when you're in big trouble." Pasaring ng dalaga.
I’m not judging them. And I’m just curious how you and General Macario met. Knowing his reputation? I don't know."
"I can't say anything about him. He's a public servant and we have same circle of friends."
"Guys, thank you for coming." Nakangiting wika ng bagong kasal sa mga nagpapaalam ng mga bisita.
"Kristina, pwede ka na sumabay sa amin." Alok ni General Macario sa dalaga.
Napangisi na lang ang dalaga sa Heneral.
"On my way here, I saw some men who' s not suppose to be in the middle of a farm waiting for no one. So it's a wise move not to come close with you."
Natahimik ang Heneral sa narinig. Kinumpirma lang ng dalaga ang report ng kanyang lookout na mayroon ngang kahinahinalang maaring siya ang target.
"I suggest na paunahin mo lahat ng bisita para walang madamay anu't anuman ang mangyari mamaya." Wika ng dalaga sabay talikod papunta kay Ricardo.
"Ricardo, nakaalis na ba ang Papa at sina ninong?"
"Yes, actually kaaalis lang nila."
Nakahinga ng maluwag ang dalaga sa narinig.
"How about you? Hindi ka pa ba aalis? Paalis na ang bride and groom."
"Paalis na rin ako. Where's your car? Sabay na tayo."
"Mauna ka na, cr lang muna ako." Sabay talikod ng dalaga at hindi na hinintay ang sagot ng huli.
Pagpasok niya sa bulwagan ay mga waiter na lang na unti unting nililigpit ang mga mesa at kapansin pansin ang tensyon sa mga bodyguards ni General Macario.
"Kristina, i thougt you left already.” Tanong ng heneral.
"I'll be with you. You'll be with me... in my car."
Mabilis na tumutol ang mga bodyguards nito.
"It’s ok, guys. I'll be safe with her. . Ok get ready!!!
Tahimik at walang kibo ang heneral na nakaupo sa back seat habang nagmamaneho ang dalaga at sa tabi nito ay ang kanyang loyal na bodyguard na tahimik din. Ang tensyon ay lalong umiinit lalo't palapit na sila sa malawak na farm kung saan nag-aabang ang mga kalaban.
Nasa bandang hulihan sila at nauuna ang mga sasakyan ng mga bodyguards nito.
Malalakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa kalagitnaan ng bukiring iyon. Dead on the spot ang nasa unahang sasakyan. Gumanti naman ng putok ang mga bodyguards at gumapang palabas ng sasakyan upang makaganti sa mga nakapwestong mga armadong kalalakihan.
Habang nagpapalitan ng putok ang mga nasa unahan ay nagdial sa phone ang bodyguard na katabi ng dalaga. Humihingi ito ng reinforcement dahil isa isa nang nalalagas ang mga tauhan nito.
"General, we have no choice but to get out of this car." Wika ng bodyguard nito na sinang-ayunan naman ng dalaga.
Inabutan nito ang dalaga ng kwarenta'y singko habang hawak nito ang isang machine gun.
"Go!" Wika nito at mabilis silang bumaba sa sasakyan at nakipagpalitan na ng putok. Sa kabilang panig ng kalsada sa gawing mataas sila pumuwesto.
Pinagitnaan ng dalawa ang Heneral at sabay na inaasinta ang mga kalaban habang sila ay nakakubli sa madamong bahagi ng kabukiran.
Hindi nakuntento ang dalaga at kinuha ang machine gun sa katabi at maliksing tumayo at tumabing sa isang puno sabay paputok sa mga kalaban sa gawing ibaba. Sa pwestong iyon ay lubhang delikado ngunit iyon lamang ang paraan upang mabilis na maubos ang kalaban.
Bumalik lang sa pwesto ang dalaga nang siya na ang inaasinta ng mga kalaban.
Isinauli nito ang machine gun at muling kinuha ang .45 sa katabi.
"Ok ka lang ba, General?" Patag ang boses na wika nito sa heneral habang abala sa pagkakarga ng bala.
"I always feel safe in the hands of Brando's friends. It is an honor to be served by you, Kristina." Nakangiti pang sagot ng Heneral.
"As I said earlier, we will need your help in the next few days. We cannot afford to lose you now." Wika nito sabay pwesto at muling nakipagpalitan ng putok sa mga paubos ng kalaban ng walang anu-ano'y biglang napasigaw ito sa sakit sabay hawak sa balikat na tinamaan ng bala. Ngunit hindi ito huminto bagkus nagpursige na ubusin ang ilan na lang natitirang kalaban. Ilang sandali pa at narinig na nila ang pagdating ng mga pulis dahil sa wang-wang ng mga ito.
Saka lang huminto sa pagputok ang dalaga at bodyguard ng nagsidatingan na ang mga pulis at inaresto ang tatlo na lang na buhay at ang iba ay isa-isa nang binuhat ang mga nasawi at sa dami nito ay patung-patong na lang na inilagay sa malaking sasakyan.
Lumabas na sa pinagkukublihan ang tatlo at mabilis na isinakay ang dalaga sa ambulansya at sumama na rito ang Heneral.
"Don Alfonso!! Si General Macario, inambush!!" Tarantang balita ng driver nito habang sila ng kanyang kumpadre at ni Ricardo ay kasalukuyang nag-uusap ukol sa nalalapit na anihan sa hacienda.
Walang nakahuma sa tatlo at labis ang pag-aalala ng retiradong heneral sa kasama, kani-kanina lang ay kasama nila ito sa kasiyahan.
"Napuruhan ba?" Tanong nito sa taranta pa ring driver.
"Hindi po, wala nga pong tama." Sagot ng huli.
Napangiti ito sa narinig at pakantyaw na sinermonan ang driver.
"Mang Berto, itigil mo ang pagkakape at nagiging nerbyoso ka na, hahaha!"
"Pero kasama po nila si senyorita Kristina, siya po ang tinamaan at nasa hospital po sila ngayon. Andaming patay na mga bodyguard ni General Macario at mga nakalaban nito!"
Nabitawan ng Don ang hawak na tasa ng kape sa narinig.
Walang salita at sabay-sabay na nagsitayuan ang tatlo papunta sa garage at nakisakay na ang dalawa sa sasakyan ni Ricardo papunta sa hospital.
Pagkaparada pa lang ng sasakyan ay mabilis ng pumanaog ang tatlo at humahangos na pumasok sa ospital.
"Ricardo, what are you doing here?" Bati ni Leandro, ang kaibigang doktor nito.
"May babaeng pasyente ba na may tama ng bala na in-admit dito?" Diretsong tanong ni Ricardo.
"Well, yes. I received an emergency call in regards of the ambush at maraming pasyente ang naadmit. Ako ang in-charge to remove the bullet in her body.
"Then do it fast! Where is she?"
"This way." Mabilis itong lumakad kasunod ang tatlo.
"Doctor, sa dami nila, we don’t have enough space in operating room." Wika ng nurse.
Inabutan nila ang dalaga na nakaupo sa hospital bed katabi si General Macario. Duguan ang balikat ng dalaga ngunit kalmado lang ito. Mabilis na inasistehan ng nurse ang doctor sa pagprepara sa pagtanggal ng bala.
"I am sorry, gentlemen. No one is allowed here, please go outside." Taboy ng nurse sa mga ito.
Napapikit ang namumutla nang dalaga at para na siyang mawawalan ng ulirat sa kirot na nararamdaman ngunit nanatili siyang kalmado lang. Sa pagpikit ay naisip na mas masakit pa rin pala ang sakit ng kalooban kumpara sa kirot ng sugat sa katawan. Makirot man at halos mawalan ng ulirat dulot niyon ay ni hindi niya inisip na sumuko. Ilang laban na ba ang sinuong niya sa buong buhay niya?
Mas masakit nung oras na binenta niya ang bahay ng ina upang ipambayad sa hospital bills nito at kinailangang lisanin ang bahay. Nasa mindanao si Brando ng oras na iyon para sa isang misyon kaya wala siyang ibang makapitan. Tatlong araw silang natulog na mag-ina sa kalye dahil ang pera nila ay inilaan lang niya sa gamot nito.
"Brando.." Tanging nasambit na lang ni Kristina ng sa wakas ay nakauwi si Brando. Ilang araw siyang pabalik balik sa bahay nito ngunit sarado iyon. Habag na habag ang kaibigan sa kinahinatnan ng mag-ina.
Tapos na ang operasyon, naalis na ang bala sa balikat ng dalaga at kasalukuyan itong tulog sa hospital bed nang pumasok sina Don Alfonso, Ricardo at ang retiradong heneral.
Naroon pa rin si General Macario at sa labas ay ang bodyguard nito.
"Base on the police report, nasa sasakyan ka ni Kristina nang mangyari ang ambush. Bakit nadamay si Kristina dito?" Matalim na wika ng Don sa Heneral.
"I’m sorry, Don Alfonso. We are friends and we know each other. She invited me to show her place and sumama ako sa kanya."
Napahugot na lang ng malalim na hininga ang Don ngunit hindi kumbinsido si Ricardo sa sinabi nito. Alam niyang may mga kaibigan ang dalaga na mukhang di pahuhuli ng buhay. At maaring konektado ito sa heneral. Ayon pa sa report ay positibo din ito sa paraffin test katunayan na nakipagpalitan ito ng putok ng baril.
Siya man ay napabuntonghininga na rin. Napatitig na rin sa dalaga na panatag na natutulog sa kabila ng sugat na tinamo nito.
Ayon sa kaibigan niyang doktor na si Leandro, gising ito habang inaalis ang bala sa balikat nito. Bagamat may anaesthesia ay tahimik lang nitong pinapanood ang doktor habang inooperahan ito.
"She's a fearless fighter." Ayon sa kanyang kaibigan.
"Gising na ang prinsesa!" Masayang wika ng Heneral ng makita nito ang unti-unting pagmulat ng mata ng dalaga nang umagang iyon.
"Hah, kumusta? Bakit andito ka pa?" Wika nito at tinangkang bumangon ngunit napangiwi sa sakit.
"Dahan dahan, bata. Mahina ka pa.
"At gising na ang bruha." Wika ni Brando na bumungad sa pintuan.
Nasorpresa ang dalaga pagkakita sa kaibigan.
"Brando! What are you doing here?" Masayang wika ng dalaga sa kaibigan. Madalang man silang magkita nito gawa ng magkakaiba nilang misyon ay hindi nawawala ang komunikasyon nila.
"Macario phoned me, he said you're dying." Nakangiting wika nito sa dalaga.
"Hah, dying? Anlayo naman sa bituka nito. Hahaha! Ouch.." Muli itong napangiwi sa sakit.
"Huwag ka munang magkikilos. Pwede ka na lumabas bukas. Im on vacation now at tapos na ang 'trabaho' ko so pwede na tayo maghapi hapi."
"Anong hapi hapi?" Tanong ng bumubungad na Don kasunod nito si Ricardo. Napako ang mga tingin nito kay Brando.
"Don Alfonso, siya pala si Brando kaibigan ni Kristina."
Biglang pumormal ang mukha ng binata ng malaman kung sino ang panauhin ng dalaga. Ni wala siyang amor sa ama ng kaibigan na dahilan ng ilang taong pasakit nito.
Tumango lang ito at bumaling sa dalaga.
"Binilhan kita sa labas ng paborito mo." Anito at isinalin sa mangkok ang lugaw na may lumalangoy na laman ng karne at laman loob.
Kumutsara at isinubo sa walang kibong dalaga.
Tahimik lang ang lahat habang panay ang subo ni Brando ng pagkain sa dalaga.
"Nasaan pala sina Mike?" Tanong nito.
Hindi sumagot ang dalaga at mabilis nitong kinuha ang phone sa side table at nakita ang ilang miscall dito. Naging abala itong sa pagpindot at tila nagtetext at nilapag uli sa side table nang masend na nito ang message.
"Hindi pa nila alam kung nasaan ako." Maikling sagot nito sabay sulyap sa dalawang panauhin na wala pa ring kibo.
"For the meantime, sa hacienda muna tutuloy si Kristina." Wika ni Ricardo.
"Salamat pero may ibang plano na kami. Besides, naghihintay na ang mama niya sa kanya." Matabang na sagot ni Brando.
"Hindi pa magaling ang sugat niya at hindi pa maaring ibyahe."
"Young man, she is my daughter, I have the right to decide if she will stay or not."
"I suggest na magpahinga sya far from all of you. She will fully recover that way." Patag pa rin ang boses ng kaibigan ng dalaga.
"Who are you to decide for her? You are just a friend." Napipikon ng wika ng Don.
"Yeah, I’m a good friend na kumupkop sa anak ninyo when she have no choice but to sleep in the street nung mga time na gipit na gipit na siya." Sagot nito na pilit kumalma at iniiwasang tumaas ang boses.
"Stop it!" Anang dalaga na naihampas ang isang kamay sa unan sa pinipigil sa galit sa sagutang namamagitan sa mga panauhin.
Nawalan ng kibo ang mga bisita sa binanggit ni Brando. Kahit si Macario ay walang ideya sa nakaraan ng dalaga.
"I am sorry, gentlemen. Pero kailangan ko ng magpahinga." Wika ng dalaga at humiga na.
Tahimik na tumayo ang ama at kasama nito at bagsak ang mga balikat na lumabas ng silid.
"Ano ba ang nagawa ko sa anak ko, Ricardo?"
"Hindi ninyo dapat pinalayas ang anak ninyo kahit nagkamali man siya dati. Mapusok man siya bunga ng kabataan pero dapat dinisiplina lang siya."
Napabuntunghininga ang Don sa tinuran ng binata.
"Hindi biro ang limang taong pakikipagsapalaran ng isang dalagita sa lunsod. Hindi na ako magtataka kung malaman kong isa siya sa mga tauhan ng berdugong heneral na iyon."
Napadiretso sa upuan ang Don sa narinig.
"Hindi ko mapahihintulutan ang bagay na iyan, Ricardo."
"Hindi ninyo makokontrol ang bagay na iyan dahil mula ng umalis siya ng bayang ito ay inalis nyo na rin ang karapatan bilang ama sa kanya."
"Mabuti ang timing at nandito kayong dalawa." Wika ng dalaga kay Brando at Macario.
"Nasa akin na ang listahan ng mga galamay ni Black widow at kilala ko na din kung sino siya."
Mabilis na lumapit ang heneral sa dalaga sa narinig mula dito.
"So let's discuss it right away." Wika nito.
Napangisi na lang si Brando, naisip na kakaiba talaga si Macario. Gumagana ang dugong berdugo oras na makaamoy ng malansang 'isda'.
Tumango tango ang heneral sa mga narinig mula sa dalaga. Tiwala siyang makakamit ang tagumpay sa misyong ito sa pagsasanib ng pwersa ng dalawang kaharap. Si Brando na walang paltos magtrabaho at gayundin ang kaibigan nito na si Kristina na alam niyang nagtagumpay sa bawat misyon nito.
"Don Alfonso, nasa sala po si SPO4 Canlas. Gusto daw po kayong makausap." Wika ng tagasilbi sa Don nang umagang iyon.
"Ano ang maipaglilingkod ko sa butihing pulis ng San Bartolome?" Magiliw na bati ng Don sa panauhin bagama't puzzled siya sa kung anumang sadya nito.
"Magandang umaga, Don Alfonso." Bati nito sabay tayo mula sa kinauupuan nito.
Sumenyas ang Don na umupo na ang bisita at diretsahang tinanong ang bisita.
"May problema ba tayo, Artemio?" Seryosong tanong ng Don.
"Nais ko lang ipaalam na kasalukuyang iniimbestigahan ang nagyaring ambush kahapon at kasama si Kristina sa mga kukuwestiyunin."
Napahugot ng malalim na hininga ang Don.
"Ngunit nadamay lamang siya."
"Positibo siya sa paraffin test, and as far as I know.. She don’t have license to carry or use a gun."
"Pasensiya na pero hindi pa po kayo pwedeng lumabas ng San Bartolome dahil iniimbestigahan pa ang nangyari." Iyon ang wika ng pulis na nasa check point palabas ng San Bartolome kina Kristina habang paluwas ito ng maynila.
"Kung maari ay iniimbitahan namin kayo sa police station para sa ilang katanungan."
"May warrant of arrest ba kayo?" Tanong ni Brando na siyang nasa manibela.
"Wala naman ngunit ito ay imbitasyon lamang." Maginoo pa ring wika ng pulis. Sinabihan na siya ni SPO4 Canlas na maging maluwag at malumanay sa mga ito lalo na kay Kristina na alam nilang anak ni Don Alfonso.
Walang nagawa si Brando kundi imaniobra ang sasakyan at iginiya pabalik ng San Bartolome. Kasunod na rin nito ang mobile ng pulis upang igiya sila sa police station.
"Ms. Kristina, positibo po kayo sa pagpapaputok ng baril sa nangyaring ambush. Ano pa ang mga nalalaman nyo ukol dito?"
"Its just that General Macario and I accidentally met at the wedding reception. He was ambushed and I have no choice but to use a gun when those criminals are trying to kill us. I dont want to die without defending myself so I fired a gun of his bodyguard."
Ilang katanungan pa ang ibinigay ng imbestigador at ilang sandali pa'y natapos din ang interogasyon.
Paglabas ni Kristina sa silid na iyon ay nadatnan niyang naroon ang kanyang papa at si Ricardo, katabi naman nito at kausap si Canlas at si Brando. Pumako ang tingin ng lahat sa dalaga.
Lumapit ang huli sa kaibigan at walang kibong inakay ito palabas ng istasyon.
"Gents, thanks. Mauuna na kami."
"It's lunchtime. Can we invite you two to join us?" Yaya ni Ricardo habang panakaw na tumingin sa pagkakahawak ni Brando sa braso ng dalaga.
"Of course, malamang gutom na gutom na ang mga alaga ni Kristina, haha!" Sagot ni Brando na ipinagtaka ni Kristina dahil sa mabilis na pagpayag nito. Gayunma'y naisip na gutom na rin lang talaga siya ay hindi na tumutol.
Ipinagtaka ni Ricardo na binuksan ni Kristina ang passenger seat ng kanyang sasakyan at mabilis na umupo doon. Si Don Alfonso ay sa bandang likuran na lamang pumuwesto. Si Brando ay sumunod na lang sa sasakyan ng mga ito kasunod si Canlas.
"I just want one favor from you, guys." Umpisa ng dalaga.
"Which favor?" Kunut-noong tanong ng naguguluhang binata, gayundin ang Don.
"I need to get out of this place by today. Just one word from you to Canlas and Canlas to police and they will spare me." Wika ng dalaga habang nakatagilid paharap sa nagmamanehong si Ricardo.
"How do you think I can do that?" Tanong ng binata sabay tingin sa dalaga ngunit bahagyang nailang sa nakatitig na dalaga. Iniwas nito ang tingin pabalik sa pagmamaneho.
Her lips secretly twisted by his reaction. In her experience with men, they are all the same. No wonder why in ancient history, legend men are easily betrayed by women. Samson betrayed by Delilah, Helen of Troy...
She stopped remembering those stories and focused on her motive.
"Connections made our life easy, Ricardo. You can easily move mountain if you use it." Wika pa rin ng dalaga at inilapit ang mukha dito upang lubos na ipaintindi sa binata ang sinabi.
"You talk dirty." Wika ng binata sabay nakaw ng sulyap sa mga mapulang labi ng dalaga.
"Cause I am dirty." Sagot naman nito sabay hawak sa braso ng binata.
"Ahhhurm.." Ani Don Alfonso sa bandang likuran.
Napasulyap dito ang dalaga at balewalang umayos ng upo ngunit naroon pa rin sa labi ang misteryosang ngiti na hindi nakaligtas sa panakaw na sulyap ni Ricardo.
"Damn man, she's f****ng gorgeous." Bulong nito sa sarili.
Ipinarada nito ang sasakyan sa parking na katabi ng restaurant. Mabilis na binuksan ng dalaga ang pinto at bumaba upang makaiwas sa pag-alalay ni Ricardo. Gayunman, iginiya siya nito at hinawakan ang kanyang likurang beywang habang papasok sila sa pintuan. Walang kibong nakasunod lang ang mga kasama sa dalawa papasok sa restaurant na iyon.
Naihain na ang mga pagkain na inorder nila at inumpisahan nang kumain ng mga ito.
"So since when your friendship started?" Tanong ni Ricardo sa magkaibigan na tila walang balak makipag-usap sa mga kaharap, nakapokus lang sa pagkain ang atensyon.
Nagkatinginan ang dalawa at wala sa loob na napatingin ang dalaga kay SPO4 Canlas. Then memories flashed back... Made her smile at napailing-iling na lang.
"Almost six years." Si Brando na ang sumagot sa tanong nito.
"Almost six years..." Inulit ni Ricardo and sinabi ni Brando at napakunot ang noo.
"As far as I know, Kristina left San Bartolome five years ago." Sinang-ayunan naman ito ng mga kaharap.
"Magkaibigan na kami kahit hindi pa siya pinapalayas dito." Wika ni Brando na hindi tumitingin sa mga kaharap at pakunwaring naging abala sa paghiwa sa pagkain.
Brando's statement made her uneasy. Kaharap nila si SPO4 Canlas at nakita niya ang kuryusidad sa mga mata nito.
Sinipa niya ang paa ng kaibigan sa ilalim ng mesa, hudyat upang tumigil ito sa pagkukuwento.
"So you two met here in San Bartolome almost six years ago?" Patuloy na tanong ni Ricardo na tila imbestigador. Mataman namang nakikinig ang mga kasama nito.
"Well, matagal na iyon. Hey, why are we focusing on the past. Let's talk about future." Wika ng dalaga.
"And what is your plan for your future?" Tanong naman ng pulis.
"A lot." Maigsing sagot ng dalaga which made Brando's lips twisted, bagay na di nakaligtas sa kanina pa nanunuring mga mata ni Ricardo sa dalawa.
He admit to himself that he got envy by Brando's closeness to Kristina. He noticed their attachment to each other, understand each other even without words from them.
Then he felt Kristina's foot invading his foot under the table. He stopped eating and looked at her, pero walang ekspresyon sa mukha nito at patuloy lang sa pagkain.
"What the hell is she doing?" Tanong nito sa sarili. Then he remember their conversation on their way here. She's asking him a favor by the way.
"SPO4, Kristina has things to be done early morning tomorrow. You can allow her to go back to Manila, right?
Hindi agad nakasagot ang butihing pulis sa tanong ni Ricardo.
"Artemio, please allow them. They can give us her contact details so you can call them whenever you needed." Segunda naman ni Don Alfonso.
Napabuntunghininga na lang si Canlas. Wala siyang choice kundi pagbigyan ang dalawang pinakamaimpluwensyang tao sa bayang iyon. Napatingin siya kay Kristina, ito ang simbolo ng pagbabayad utang na loob niya sa Don.
"Okay, lady. Just give us your address and contact details, company etc.
"I can give my details except my company. I don’t work for any company." Anang dalaga at inumpisahang isulat ang mga detalyeng hinihingi ng kaharap.
"You started working since nag stop ka nung second year college, right?" Tanong pa rin ng tila imbestigador na si Ricardo.
"Yes. Mostly part of an underground economy."Salubong ang kilay na sagot ng dalaga. His question is getting too far.
"Like what?" Patuloy na tanong nito.
"Nag work siya sa talyer ng kaibigan namin. She's into cars kaya madali siyang natuto how to fix them." Agaw sagot ni Brando.
Napangiti ang tatlo sa narinig, naalala ang mga dating kapilyahan ng dalaga nung laging itinatakas nito ang mga sasakyan ng Don.
"You mean, natustusan mo ang mama mo just working in a small talyer." He feel disgusted at the same time for a man's job that Kristina did.
"No, she earned lots of money in illegal car racing. Nabawi niya rin yung binenta niyang house ng mama niya." Patuloy na sagot ni Brando.
Napahumindig ang mga kaharap sa tinurang iyon ni Brando.
"So your job is illegal." Wika naman ng pulis.
"Working in a talyer is not illegal..?" Tila inosenteng sagot ng dalaga. Avoiding herself to burst laughing dahil sa mga impresyon ng mga mukha nito.
Naisip niyang lalong mabibigla ito sa iba pa niyang pinasok na trabaho just to cover up as agent. She even work in a bar as a dancer for few nights para matiktikan ang ilang drug lords na supplier sa iba't-ibang bars sa kamaynilaan.
Napailing-iling na lang ang pulis sa isinagot ng dalaga. Gayundin ang reaksyon ni Ricardo at Don Alfonso.
"Anyway, I gave my details. So pwede na kami lumuwas pa-maynila?
"Oo, tatawagan ko lang sa headquarters and titimbrehan na lang sa check point para makaluwas na kayo.
"Thank you so much, gentlemen..!" Anang dalaga.
"Why don't you go back and just stay here in San Bartolome?" Tanong iyon ni Ricardo sa dalaga nang mapag isa sila nito habang nakatingin sila pareho sa magandang tanawin sa ibaba sa bandang likod ng restaurant. Tanaw mula sa kinatatayuan nila ang burol sa gawing kanan at ang dalampasigan naman sa paanan nito.
"This place is not for me, Ricardo. I realize that fact few years back." Wika ng dalaga habang tinatangay ng mabining hangin ang buhok nito.
"But your roots is here. Nandito ang Papa mo, your friends and family."
"Even at the start. I doubt if this place is for me. But I stayed. Then what happen five years ago made me realize that there's no place for me here."
Nasa mga mata ng binata ang pagtutol sa tinurang iyon ng dalaga ngunit walang siyang maikatwiran sa sinabi nito.
"Betchay, ayan na ang bossing mo." Sabay nguso ng tindera sa carinderia kay Betchay, ang katulong na kinuha niya upang makasama ng Mama niya. Kasalukuyan itong bumibili ng lutong pagkain sa kainan.
Napalingon naman si Betchay sa kabababa pa lang sa kotse na si Kristina. Naisip na saang lupalop na naman kaya nanggaling ito at ilang araw na namang nawala. Masaya siya tuwing darating ito dahil maraming perang dala galing sa pagba-buy and sell daw ng mga sasakyan. Tiyak matutuwa ang Mama nito at ilang araw nang nakatanghod lagi sa tarangkahan, naghihintay sa pagbabalik ng nag-iisang anak.
Tinawid niya ang maputik na daan gawa ng pag-ulan ng nakaraang gabi. Lumapit siya sa sasakyan at nakita ang nasa manibela. Napangiti siya sa nabungaran. Ang gwapong si Brando, mabait din ito at galante rin tulad ni Kristina. May mga panahong habang wala si Kristina ay ito ang tumitingin sa kanila at tila laging nagbabantay, minsan ay sa kanila pa ito natutulog kahit halos di magkasya sa sofa sa sala dahil sa tangkad nito.
"Kumusta na, Betchay?" Maluwang ang ngiti ni Kristina sabay tingin sa nakabalot na pagkaing hawak nito.
"Ok lang, Sting. Miss na miss ka na ng Mama mo. Ilang araw ka na namang nawala." Diretsang sagot nito.
Hindi na sumagot ang dalaga at binuhat na ang dalang bag at kumaway ng pamamaalam sa kaibigang si Brando.
"Okay naman ang Mama mo, Sting. Halos paubos na ang mga gamot niya and at usual kelangan niya magpa-check up." Wika na nito at alam niyang report lagi tungkol sa kalusugan ng ina ang tanong nito tuwing darating.
Natahimik ang dalaga sa narinig. Kailangan niya na naman palang dumilihensiya. Hindi biro ang regular maintenance ng gamot nito at regular na pagpapacheck up.
Abala ang kaniyang ina sa maliit na halamanan nito pagbungad niya sa tarangkahan. Hindi siya napansin nito. Niyakap niya ito mula sa likod at hinalikan ang pisngi. Nagulat ito ngunit agad na napangiti. Kahit hindi siya tumingin, alam niyang ang malambing na anak iyon. Humarap ito at gumanti ng mahigpit na yakap sa anak habang tumutulo ang luha.
"Kristina, anak ko."
"Kumusta naman ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa?" Masiglang tanong nito sa ina habang buong pagmamahal na pinupunasan ang luha nito sa pisngi.
"Mabuti naman anak. Ikaw ay huwag nag-aalala sa akin. Eh, ikaw ba'y kumain na? Mukhang ang layo ng binyahe mo." Masigla na ring wika nito.
"Betchay, madali ka at ihain mo na ang tanghalian natin."
"Yes, mudir." Pangiting wika ng kasambahay. Sanay na siya sa mga dramatic scene ng mag-ina ngunit masaya siya tuwing magkasama ang mga ito. Medyo palaisipan lang sa kanya minsan kung ano ang totoong trabaho nitong si Kristina. Ayaw nitong ipalinis ang maliit na kwarto nito ngunit minsan ay sinubok niyang ayusin ang mga gamit nito. Sa bulsa ng jacket nito na naka-hanger sa tokador ay may nakita siyang isang baril. Maliit iyon pero mabigat, humigit kumulang sa tatlong kilo. Mula noon ay ni hindi na siya pumasok man lang sa silid nito.
Pero ni hindi nawala ang paggalang niya dito, isa itong ulirang anak at hindi na rin siya nito itinuring na iba. Pag malaki ang naging komisyon nito sa pagbenta ng sasakyan, automatic na kasama siya sa pagpunta sa SM o pagkain sa mga mamahaling restaurant. Minsan ay sila lang tatlo o kasama si Brando, minsan ay si Mike.
"Kumusta naman ang lakad mo, anak. Medyo matagal ka ring nawala." Tanong nito sa anak na nasa tinig ang paghihinampo.
"Si Brando naman kasi, Ma. Ayaw i-deal yung sasakyan sa isa naming buyer, masyado daw kaming lugi. So ang nangyari, malaki nga naibenta yung sasakyan eh hindi naman agad nakuha komisyon namin." Wika ng dalaga habang tila abala sa pagkain.
"Pero Sting, ang ganda mo ngayon. Hindi ka mukhang papel, maganda kung lagi ka napunta sa mga probinsya para naarawan ka lagi." Pang-iiba ni Betchay sa topic. Alam niyang ayaw pinag-uusapan ni Kristina ang tungkol sa trabaho nito.