JANNE’S POV Wala akong ibang nasabi sa kanila bukod sa isang salitang uwi na. Hindi naman ako magawang tanungin ni Angelo at Louie dahil masyado akong naging tahimik. Nang makauwi sa bahay ay umupo lang ako sa sofa at saka nagpangalong baba ako at napabuntong hininga. Binuksan ko ang TV kahit na hindi naman talaga ako nanonood ng TV. “Ang alam ko’y hindi ka nanonood ng TV, Janne.” Napalingon ako sa nagsalita at saka ako napatayo ng makita ko si Yanna. Matagal na rin ang huli naming kita noon at hindi ko alam kung kalian ‘yon. Sinenyasan nya ako na lumabas at sumama naman ako sa kanya. Hindi na ako nagtanong sa kung saan kami magpupuntang dalawa. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang hindi mapabuntong hininga at saka ako napahawak sa ulo ko at hindi ko alam kung paanong uu

