ANGELA’S POV Nang makauwi ako’y hindi mawala sa isip ko si Janne at ang sinabi ni Zanrael sa ‘kin. Sino nga kaya ang may pakana ng mga ito? Hindi naman p’wedeng ako dahil hindi ko naman ugaling kunin ang bagay na alam kong mahalaga lalo na sa Angels Dormitory. Malaman ko lang talaga sino ang kumuha ng trumpeta ko’y paparusahan ko sya at ipapain kay Sedit. Napabuntong hininga nalang ako at saka ako napatingin sa labas ng bintana. Hindi ko nakita ngayong araw si Callifer at hindi ko alam kung anong ginagawa nya sa mga oras na ‘to. Pero kung ano man ang ginagawa nya ay sana ayos lang din sya. Sa nakalipas na mga araw ay napansin kong marami na ring nangyayare. “Angela.” Napalingon ako sa likuran ko at saka nangunot ang noo ng wala naman ibang tao bukod sa ‘kin. Wala ngayon sila m

