ANGELO’S POV Habang naglalakad ako papunta sa Academy ay nakita ko si Janne na naglalakad at tila nalulumbay na hindi ko maintindihan. Mula sa kinatatayuan ko ay hindi ko mapigilan na tignan sya at hindi ko alam kung lalapitan ko ba sya o titignan ko na lang sya mula ditto sa kinalalagyan ko. Masyado akong nag-eenjoy sa pagtingin sa kanya at hindi ko namalayan na nakatingin na pala sya sa ‘kin. Nangunot ang noo nya sa ‘kin at saka ko sya napagdisisyunan na lapitan. Nang makalapit ako at saka ko tinap ang ulo nya at nangunot ang noo nya sa ‘kin. “May saltik ka ba?” tanong nya at saka ako tumawa. “Siguro mero’n?” sagot ko naman at saka nya ako pinalo pero mahina lang. “Ano ang ginagawa mo? Sa’n ka pupunta?” tanong nya at saka ako ngumiti ng kakaiba. “Papunta ako

