ANGEL’S POV Nagising ako na tila hinahapo ako ng aking hininga at saka ako tumingin sa paligid ko at napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam ano ang nangyare at tila ba totoo ang panaginip ko. Tinignan ko ang kamay ko saka ako napaluha sa hindi ko malamang dahilan. Tinignan ko ang labas at umaga na pala. “Ma’am, Angel?” tawag ni Yaya sa labas ng pinto ko. “P-po?” agad na sagot ko at saka ako tumayo na. “Tawag na po kayo ng Mommy nyo,” sabi nito at saka ako sumagot na susunod na lang. Napahilamos ako sa sarili ko at saka ako napapikit ng mariin. Hindi ko alam kung bakit gano’n ang nangyare at tila nagkaroon daw ako ng pakpak sa likod. Umiling na lang ako sa sarili ko at saka ako naligo na at nagbihis. Nang matapos ako ay saka ako lumabas at tinignan sila Mommy, Da

