CALLIFER’S POV Hindi ko alam kung bakit tila kinakabahan ako at hindi ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at parang gusto kong makita ngayon si Angela. Aalis na sana ako ng biglang magpakita si Death sa ‘kin. Ang lungkot ng mga mata nya at dama ko ang tila dismaya nya sa sarili nya. Hindi ko alam kung saan o bakit. “What are you doing here?” tanong ko sa kanya. “Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam na ganito ang kakahinatnan ng lahat. Masyado akong naging padalos-dalos sa mga pangyayare.” Hindi ko na tatanungoin kung ano iyon o kung ano man ang dahilan. Alam ko na dahil ako ang tumulong sa kanya na kunin si Janne at itago it okay Angela. Pero alam kong gagawa si Angela ng paraan upang iligtas ang kaibigan nya at alam

