ANGELA’S POV Hindi ko alam ano ang tumatakbo sa isip nila at inaasar nila ako ngayon. Masyado ngang malalim ang iniisip ko dahil sa mga nangyayare nitong nakaraan. Nang makahilamos na ako ng mukha ko ay saka ako bumalik sa Angels Dormitory. Sakto naman na nakabalik na kami doon ay nandoon ang mga importanteng mga anghel. Hindi ko alam ang mga pinag-uusapan nila at tingin ko ay may mahalagang sasabihin sila ngayon. “Hindi kami naimbitahan na may meeting pala?” sabi ni Kuya Jepoy at saka sya naunang maglakad at saka lumapit kay Sheen para sumagap ng tsaa. “Hindi namin alam kung anong mero’n pero ang sabi ay hindi na tayo babalik sa katawan ng mga taong ginagamit natin,” sabi naman nito at saka ako nangunot ng noo. Kung gano’n ay mananatili na kami ulit sa pagiging guardian

