Chapter 101 BEVERLY… ANG LAMIG-LAMIG naman, bukod sa ang lamig na ang dilim-dilim pa sa buo kong paligid. Hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari. Hindi ko na rin alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito. Basta ang alam ko matagal na akong nakakulong sa lugar na ito. Kahit na anong lakad ko wala akong makitang lalabasan ko. wala akong makitang liwanag. Napagod na lang akong maglakad, napagod na lang akong maghanap ng liwanag. Wala naman kasi akong makita talaga, puro lang kadiliman at malamig na paligid ang nararamdaman ko. “Patay na yata ako, ito na yata ang impyerno.” Paulit-ulit ko nang nasabi iyon. Hindi ko na nga mabilang kung ilang ulit ko na nga bang nasabi iyon. Marahas na napabuga ako ng hangin, saka paulit-ulit din na pinuno ng hangin ang baga ko. Wala naman akon

