Chapter 102 CALIXTRO… ANG SABI KO, kapag magaling na si Beverly aalis na ako. Magpapakalayo-layo na para hindi na sila madalay ulit sa gulo nang buhay ko. dahil kahit na ilang buwan na ang lumipas na walang Celine na nanggugulo sa amin. Alam kong naghihintay lang nang magandang tyempo ang babaeng iyon. At hindi na ako papayag na may mangyari na namang masama sa mag-iina ko. Lalo pa ngayon na magaling na si Beverly, wala nga lang maalala. Wala nga ba? “Cha-chase, c-come.” Masaya si Beverly nang tawagin niya si Chase. Ngayon ang araw na lalabas na siya nang tuluyan sa ospital na halos naging tahanan niya sa loob ng isang taon. Hindi pa nakakalakad si Beverly, she still need a therapy. Hindi lang sa paglalakad ang mga therapy na kailangan ni Beverly. Marami pang ibang, tulad na lang s

