Chapter 91 CALIXTRO… RUNNING AWAY is not easy, halos lahat ng bagay na hindi maganda nasubukan kong maranasan sa lansangan. Nand’yang makailang ulit akong naloko ng kapwa ko bata, na kinuha ang lahat ng bagay na mayroon ako. Ang kamuntikang mapasama sa isang sindikato na gumagamit ng mga bata, at marami pang iba. Mabuti na lang at nalagpasan ko ang lahat ng mga iyon, pero alam ko may nagbabantay sa akin, nandyan si Cameron na nakabantay sa akin. “Hoy! Matapang, trip ka raw noong babaeng ‘yon.” Kalabit sa akin ni Bong kasama kong batang kalye. Sinundan ko ang itinuturo niya sa akin, isang babaeng napakakapal ng make-up sa mukha ang nakita ko. hindi lang basta makapal ang make-up, napakaiksi rin ng suot niya na halos wala nang itago. Sa ilang taon kong nagpalaboy-laboy sa kalye alam ko n

