Chapter 92 CALIXTRO… NAGDILIM ANG paningin ko, lalaki lang ako mahina sa mga ganitong tukso. Hindi ko magawang iwaksi sa isipan ko ang ideya na siyang bumabalot ngayon sa utak ko. napakalambot pa naman nang katawan ni Grace na nakayakap sa akin. lalo na ang kaniyang mayayamang dibdib na tumatama sa braso at dibdib ko. Matangkad rin si Grace, hindi nalalayo ang tindig niya sa akin. hanggang baba ko ang taas niya kaya naman ramdam ko ang lambot ng katawan niya. “Grace,” mahina ngunit may babala na tawag ko sa pangalan niya. Mahirap na, dalawa lang kami ngayon dito sa munting dampa ko. Kung bakit naman kasi dito ko siya dinala, hindi pumasok sa isipan ko ang bagay na ‘to. Ang malas ko naman, kapag nagkataon gagawa ako ng isang bagay na pagsisisihan ko sa huli. “Gusto talaga kita Calixt

