Chapter 93 CALIXTRO… MATAPOS ANG pangyayari na ‘yon na hindi na nagpakita sa akin si Grace. Dapat sa aming dalawa ako ang hindi na magpakita sa kaniya. Pero ako itong nag-aabang kung kailan niya ako pupuntahan ulit, kung kailan kami magkikitang muli. Dahil sa totoo lang, hanggang ngayon nakukunsensya ako sa mga ginawa ko sa kaniya. Naiinis ako sa sarili ko, nagagalit, pero kahit na anong gawin ko hindi ko na mababawi pa ang nagawa ko. Hanggang isang araw, humahangos na lumapit sa akin si Bong habang nagbababa ako ng mga karton mula sa pinapasukan kong pamilihan ng mga damit sa bayan. “Matapang, magtago ka may mga pulis na naghahanap sa ‘yo. Ang sabi nang-rape ka raw ng anak ng isang teacher. Nagpakamatay kasi iyong babae, nag-iwan siya nang suicide note at sinasabi na ikaw raw ang gum

