Chapter 94 CALIXTRO… ANG BILIS ng takbo ng araw, nakadalawang buwan akong tulog. “f**k! Nasaan si Beverly? Ang anak namin? si Chase?” Nagpa-panic ako habang nagsasalita, they’re all in my mind right now. Parang ang sarap na ipag-uumpog ang ulo ko sa pader. Ang tanga ko, bakit naman natulog lang ako kung kailan na kailangan na kailangan ako ni Beverly. “Bakit hinayaan mo akong matulog lang?!” singhal ko kay Cameron. Pinaghihiklat ko ang mga nakatusok na kung ano-ano sa kamay ko maging ang mga nakadikit na kung ano sa katawan ko. “Kahit na anong gawin namin hindi ka talaga magising, Calixtro. Anong gusto mong gawin ko? tukuran ang mga mata mo nang dumilat na ang mga ‘yan?” singhal din sa akin ni Cameron. Tinignan ko siya nang masama, hindi niya ako pinigilan sa kung ano ang ginagawa

