Nanlalabo ang paningin ni Kyrielle dahil sa mga luhang patuloy na lumalabas sa kanyang mga mata. Sakay sila ng isang matulin na ambulansya habang mahigpit niyang hawak ang kamay ni Caleb at pilit itong kinakausap. "Please, lumaban ka! Please, Caleb," paulit-ulit na sambit niya habang umiiyak. Ilang sandali pa nang marating din nila ang pinakamalapit na Ospital sa lugar. Mabilis na inilabas ng ilang mga kalalakihan si Caleb at saka ito ipinasok sa loob ng emergency room. "What happened?" salubong na tanong ng isang nakaputing babae. "Nabaril po, Doc. Wala na kaming maramdaman na heartbeat," wika ng lalaki na isa sa mga rumesponde sa kanila ni Caleb. Sumikip ang dibdib niya dahil sa kanyang narinig na iyon. Habang nag-uusap ang Doktora at ang lalaki, ay mabibilis ang hakbang nila patung

