Kabanata 21

2403 Words

Ginising si Kyrielle ng pagkalam ng kanyang sikmura. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang kawalan. Nakaramdam ng matinding pangingimay ang kanyang mga kamay na nakatali. Napangiwi siya sa isipin na narito pa rin siya sa abandonadong gusali na ito. Hindi niya alam kung ilang oras na ang lumipas mula nang iwanan siya ni Murphy ng nakagapos. Nakatulog kasi siya pagkatapos ng ilang beses na pag-iyak. Ilang sandali pa nang makarinig siya ng kakaibang mga ingay at mga kaluskos. Kumabog ng mabilis at malakas ang kanyang dibdib. Ayaw niyang isipin na ang mga ingay na naririnig niya ngayon ay galing sa mga tao ni Boss P na sinasabi ni Murphy. Sa takot at kaba niya ay muli niyang pinilit na makawala mula sa kanyang pagkakagapos pero sa huli ay nanatili siyang bigo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD