Chapter 5.a

1075 Words
Zhairell Kheina X. Mirchovich's Pov   "Hindi ko gusto ang ipinaparating mo, Zhairell Kheina." seryosong sabi ni Tito Shun matapos kong sabihin na i-ckeck ang buong ospital.   Well, mabilis naman siyang makaramdam lalo na kapag ipinapahiwatig namin na may hindi magandang nangyayari sa paligid.   Napakamot ako ng ulo. "Kung ano man ang naiisip mo, posible po iyon kaya mas mabuti nang maging sigurado kaysa magkagulo dito."   Tumango sya. "Ako na ang bahala sa security team maging sa mga nakakita ng nangyari. Palalabasin nalang natin bestfriend quarell lang iyon. Kayo na ang bahala sa babaeng yan."   "Sige po. Salamat."   Umalis na sila kasama si Tito Shun hanggang sa maiwan akong mag-isa. Pinakiramdaman ko muna ang paligid hanggang sa makasiguradong wala na ngang tao sa paligid ay kinatok ko na sina Kuya.   Agad din itong bumukas at lumabas silang dalawa. Nakataklob pa sa ulo nung babae ang jacket ni Kuya para masigurong hindi sya makikilala ng mga posible naming makasalubong.   "May tama siya sa likod. Kailangan nyang magamot agad." ani Kuya at doon ko napansin ang dugo sa kamay niya.   "Dalhin nalang natin sya sa kwarto namin ni Aquary. Siguradong magiging ligtas siya doon."   Tumango si Kuya at pinagtulungan na namin siyang alalayan sa paglalakad.   _________   Nagamot na ni Tito Shun si Rachelle, iyong babaeng nang-hostage sa akin kanina, at naipaliwanag na din namin kina Mommy ang nangyari kaya mukhang kalmado na sila.   At base din sa reaksyon nila kanina, hindi na nila pakikialaman kung tutulungan ba namin ang babaeng ito o hindi.   Well, they also trust us pero syempre, kailangan pa din ng consent because they're still our parents.   "Sigurado bang ayos lang siya?" tanong ni Zarah na nasa kabilang kama lang. Tapos na din kasi siyang asikasuhin ni Tito Shun kaya hhintayin nalang namin ang tuluyang paghilom ng sugat niya. "Mukhang malalim din ang sugat nya sa likod eh."   "Sabi ni Tito Shun, wala namang tinamaang vital organs kaya magiging maayos lang siya." sabi ko. "At hindi pa lang siya nagigising dahil sa epekto ng gamot. Idagdag pa na almost two days itong walang tulog." Napansin ko din na para bang pagod ito at walang maayos na pahinga.   Mukhang hindi din talaga maganda ang pinagdadaanan ng babaeng ito sa mga nakalipas na araw. Ano kayang nangyari?   "Pero sino ba kasi ang babaeng iyan? Ang lakas ng loob niyang i-hostage ka, huh." Yeah, badtrip talaga siya dahil sa ginawa ng babaeng ito sa akin kanina.   Naiintindihan naman niyang kinailangan lang nitong gawin iyon pero hindi pa din niya maiwasang ma-badtrip. I'm so lucky to have her.   Lumipat ako sa tabi niya at ginulo ang buhok niya. "Huwag ka nang ma-badtrip dyan. Hindi naman niya ako sinaktan."   "Ay dapat lang noh. Dahil siguradong pinaglalamayan na siya kung ginawa niya iyon." At talagang sinamaan pa nya ng tingin ang natutulog na si Rachelle kaya natawa nalang ako. Baliw talaga ang babaeng ito.   "Kalma na." natatawa kong awat sa kanya. "We're still not sure who she is. First name palang ang nalaman namin sa kanya eh. Wala pa din kaming makuhang ibang information about her."   Masyado din naman kasing common ang name niya kaya hindi din talaga madaling hanapin ang information nito.   Well, not unless, tulungan kami ni Zhairy. Eh, ang kaso, tulog ang batang iyon at mamayang gabi pa lalabas ng kwarto. Hindi din naman namin sya pwedeng basta istorbohin. Magagalit yun at hindi maganda ang nagagawa nya kapag galit. Isa pa, restricted area ang kwarto nya.   "Mukhang hindi ordinaryong gulo ang pinasukan ng babaeng iyan eh." naiiling na sambit ni Zarah. "Hindi naman kasi mag-aaksaya ang mga taong iyon ng oras at effort na ipapatay siya kung hindi mahalaga ang hawak niyang impormasyon."   Kumunot ang noo ko. "Paano mo nasabing may hawak siyang impormasyon? Hind ba pwedeng may nagawa siyang masama kaya gusto siyang ipapatay or iyong family niya. Or it was an revenge."   Umiling-iling siya. "That's not what I see from her situation. First, she said na hindi niya ginustong idamay ka sa gulo niya. Kailangan niya lang makuha ang atensyon ng lahat para hindi siya mapatay ng mga humahabol sa kanya. Maraming witness kaya hindi talaga kikilos ang mga taong iyon lalo na't isang prestigious ospital pa ang FH." paliwanag niya. "Second, I think, she's not from a well-known family. She's just an average citizen kaya imposible talagang bigyan siya ng ganito kalaking atensyon ng mga taong yun just to kill her kung wala siyang hawak."   "Paano mo naman nasabing averange citizen lang siya?"   "Kung galing nga siya sa mayamang pamilya, magagawa niyang makapagtago sa mga taong iyon sa pinakamadaling paraan nang hindi kinakailangan gumawa ng mga desperate moves gaya ng ginawa niyang pag-hostage sayo." And it make sense na nagpaisip din sa akin.   Ano nga bang hawak ng babaeng ito?   Napalingon kami sa pintuan nang bumukas ito at pumasok sina Kuya Zhaiken at Crescent.   "She's that girl huh." Agad tumayo si Crescent sa gilid ng kamang hinihigaan ni Rachelle at pinagmasdan ito. At ganoon nalang ang pagtataka ko nang bigla syang sumeryoso. "Mukhang hindi simpleng gulo ang pinasukan ng babaeng ito." Umiling-iling siya tsaka naupo sa paanan ng kama.   "What do you mean, Moon?" tanong ni Kuya Zhaiken.   Hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatingin sa babae pero hindi din nagtagal ay bumuntong hininga ito tsaka tumayo. "Hindi ko gusto ang kahihinatnan ng pagtulong nyo." Seryoso nya kaming hinarap. "Delikado kaya kung ako sa inyo, huwag nyo nang ituloy ang plano nyo."   "She needs help, Moon. At may kakayahan tayo para tumulong kaya hindi pwedeng wala tayong gawin." ani Kuya.   "Pero sinasabi ko ngang delikado lalo na't hindi pipitsuging tao ang kakaharapin natin." giit nito. "Baka tayo pa ang mapahamak."   "Bakit kasi hindi mo ipaliwanag sa amin ang lahat ng alam mo." sabat ko. "Hindi iyong nanghuhula kami sa mga sinasabi mo."   Pinakatitigan niya kami pagkuwa'y umiling at walang sabing lumabas.   "Hindi nga talaga nalalayo si Moon sa parents niya." ani Zarah. "Ang hirap niyang basahin kaya wala tayong choice kundi hintayin na siya mismo ang magsabi ng mga tumatakbo sa isip niya."   "Hindi niya ugaling sabihin ang lahat ng tumatakbo sa isip niya but that doesn't mean na hindi niya tayo pinagkakatiwalaan." Bumuntong si Kuya. "She always acts that way kapag alam niyang ikapapahamak natin ang isang bagay na ayaw niyang sabihin."   "So, she's protecting us by not telling that?" tanong ko na tinanguan nya.   "Kaya siguradong wala din tayong matatanggap na tulong mula sa kanya kung impormasyon lang din naman ang pag-uusapan."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD