Chapter 5.b

1024 Words
Zhairell Kheina X. Mirchovich's Pov   "Ahm, guys?"   Napalingon kami sa bintana at nakita si Zhairy na ikinataas ng kilay ko.   "Seriously, Ry? Hindi talaga uso sayo ang paggamit ng pinto noh?"   Nagkibit balikat lang siya at tuluyan nang pumasok.   Yeah, mahilig talaga syang dumaan sa mga bintana kapag mag-isa lang sya. At isang himala nalang kapag nakita namin siyang sa pintuan dumaan.   Ganyan din si Crescent at ang kwento ni Daddy sa amin noon ay mannerism din daw iyon ni Mommy at Tito Midnight na mukhang na-adopt ng mga anak dahil patuloy pa din nila iyong ginagawa hanggang ngayon kapag tinatamad silang gumamit ng pinto.   "Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba, mamayang gabi ka pa lalabas ng kwarto mo?" tanong ni Kuya Zhaiken.   "Well, binulabog lang naman ako ng pinakamamahal nyong bestfriend dahil nga sa nangyari dito sa ospital." Ibinagsak niya ang sarili sa sofa at inihagis sa mesa ang isang folder. "Moon told me to investigate that woman at iyan ang lahat ng nalaman ko."   "Eh? Si Moon talaga ang nagsabi sayo?" tanong ko. Akala ko ba, hindi niya gustong makialam kami tapos siya pa pala ang hihingi ng tulong dito.   "Well, expected niyang kahit pigilan kayo ay siguradong itutuloy nyo ang plano kaya sinabihan na niya ako ahead of time." paliwanag niya. "Oh siya. Dito na ako makikitulog. Kung may kailangan pa kayo." Inilapag niya ang notebook sa mesa. "Pakisulat nalang dyan at babasahin ko paggising ko."   Kinuha ko ang folder at sinimulang basahin iyon tsaka ako bumaling kina Kuya Zhaiken at Zarah. "Malaking gulo nga ang haharapin natin." Iniabot ko ang folder sa kanila.   "Bakit hinahabol siya ng Royal Guards?" kunot noong tanong ni Zarah.   Ang Royal Guards ay grupong konektado sa malalaking mafia sa iba't-ibang mundo. Sila ang nagsisilbing daan nito sa lahat ng transakyon sa pagitan ng ibang grupo. Pero walang information sa miyembro nito dahil kailanman ay hindi nila ipinapakita ang mukha sa lahat.   Kaya anong kailangan ng Royal Guards kay Rachelle na isang simpleng estudyante lang ng Royal University?   "AhH" Pare-pareho kaming nagulat ng biglang bumangon si Zhairy.   "Langya ka talaga, Zhairy Jhem!" singhal ko at akma siyang sasabunutan pero agad niyang nahawakan ang mga kamay ko. Gumagaya ito kay Crescent na bigla nalang sumusulpot o nagsasalita nang hindi namin inaasahan eh.   "Chill, Rell." Hinila niya ako para mapaupo sa tabi niya tsaka nahiga sa mga hita ko. "Patulog na ako kaso, may nakalimutan akong ipaliwanag."   "Hindi talaga maganda ang naiistorbo ang tulog mo." naiiling na sabi ni Zarah. "Oh, sya. Ipaliwanag mo na."   "Rachelle is 3rd year student ng Royal University at alam nyong boarding school iyon kaya hindi pwede na basta lumalabas ang estudyante nila maliban kung emergency at may permission galing sa headmaster nito."   "Masyado iyong mababaw para pagtangkaan ang buhay niya." sabi ko.   "Actually, ang pagiging estudyante niya talaga ng RU ang dahilan kung bakit siya hinahabol ng Royal Guards." sambit nito na ikinakunot ng noo namin. "Royal Guards are also part of RU. Sila ang nag-iimplement ng batas dito at may alam si Rachelle sa mga nagaganap sa loob ng RU na hindi nila gustong makalabas kaya pilit nila itong hinahabol."   Iyon ang mga bagay na sinasabi ni Francess na hindi basta naipapahayag sa media. Ang mga pangyayaring nagaganap sa loob ng eskwelahang iyon na pilit itinatago sa mundo.   "Ano bang meron sa RU na pilit nilang pinagtatakpan?" tanong ni Kuya Zhaiken. "Hindi sila ganoon ka-open sa media pero marami pa ding mga royal bloods ang patuloy na nag-aaral doon."   "I don't have the exact information as of now. Hinihintay ko pa sa intel ko kaya hindi ko masasagot iyan." aniya. "Pero pwedeng mapabilis kung sasabihin na sa atin kung anong mayroon sa RU. Right, Ms. Rachelle?"   On that cue, sabay-sabay kaming napalingon kay Rachelle na ngayon ay nakaupo na sa kanyang kama at nakatingin din sa amin.   "You don't need to involve yourself here." she said. "Those guys will definitely kill you if I tell you everything I know. Tama na ang pagkakadawit niyo sa gulo ko."   "What she said is right." sabi ni Zhairy. "Royal Guards will start to kill us if she tells whatever the information she had."   "But we need to help her." sabi ko. "Hindi natin sya pwedeng hayaang makuha or mapatay ng mga taong iyon."   Hindi sumagot si Zhairy at pinakatitigan kami pagkuwa'y bumuntong hininga. "Fine. She will not tell us anything but we still help her."   "How?"   "Protection." Bumangon sya. "I already asked our parents' opinion about this and they agree with my plan."   "And what is your plan, Mr. Mysteriously Genius?" tanong ni Zarah.   "She will live at Hellion Residence as Kuya's Personal Assistant."   "What?"   "Wait. What about Aether?" I asked.   "Tita Freya thought that she already learned her lessons, well, thanks to him." He pointed Kuya Zhaiken. "So, they let her handle their company and that means, Kuya's PA position is vacant. She needs a job that close to us and that way, we can also protect her. That's the easiest scenario if both of you will agree on it."   "And if I don't agree with it?" Rachelle asked.   "Maybe, I will just lock you up in our mansion so that my dearly siblings will not worrying about the woman that just pop up nowhere and gives us some bullshit problem."   "Zhairy." warning signal from Kuya Zhaiken na hindi nito pinansin.   He just smirked at Rachelle then later on, his face turn serious. "You made us involved in your problem the moment you step in here so could you please do what we said nang hindi tayo magkaproblema?" Tumayo ito. "And to be honest, I don't really care about you. I am just doing what I can nang sa gayon ay hindi ko makitang nababaliw ang mga kapatid ko sa pag-iisip para tulungan ang isang tulad mo." At muli siyang sumampa sa bintana tsaka tuluyang umalis.   "You made the youngest worried." naiiling na sabi ni Zarah at bumaling kay Rachelle. "Just do what he said for us to stop this drama. You made them involved." Itinuro niya kami. "Take the resposibility." Bumating siya sa akin. "Wake me up when Tito Shun came."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD