Zhairell Kheina X. Mirchovich's Pov
At the end of the day, Rachelle had no choice but to agree on Zhairy's plan kaya nang masigurong maayos na ang lagay nila ni Zarah ay nagpa-discharge na kami sa ospital at dumeretso na sa Hellion Residence.
She's staying in our mansion. At kasalukuyan na siyang ini-interview ng mga magulang namin sa loob ng library.
"Ano bang pag-uusapan nila?" tanong ko kay Zhairy na busy sa paglalaro sa cellphone niya. "At bakit hindi tayo pwedeng makinig?"
"They're talking about serious matter that you don't need to know." he said while still focusing on his phone. "And don't even think on asking her 'cause you know how Mom hates curious cat. Just let them do what they want. Pinagbigyan na kayo ni Mom sa gusto nyong pagtulong sa babaeng iyon kahit alam niyang hindi nyo siya responsibilidad."
"We just want to help someone who's in need." I said.
Bumuntong hininga siya tsaka tumingin sa akin. "You're just trying to help but you need to know your limitation. This is the only thing that we can offer to her so don't ask her about anything. Just focus on protecting her instead of knowing what she knew, okay?"
Bumuntong hininga din ako tsaka tumango. "Okay."
"Aasahan ko iyan." Ginulo niya ang buhok ko tsaka tumayo. "Anyway, it's bar night so, tell Mom and Dad that I'll be home late." Tumakbo na siya palabas ng mansion na ikinailing ko nalang.
He's our youngest but he always acts like he's the older that protect us. Just like Crescent, he maybe calm and composed but he is mysterious even in his family' eyes.
"Hey."
Bumaling ako kay Mommy at Rachelle na kalalabas lang ng library.
"Show her the room besides your brother's office. That would be hers then go to Samara and ask for things that she may need." Mom said and I nod. "Then, prepare everything for her job. She will start tomorrow."
I nod again. "Okay, mom." Kumapit ako sa braso ni Rachelle. "Anyway, Mom. Tonight is Ry's bar night so he said that he'll be home late."
"That kid." naiiling na sabi ni Mommy. "He's my youngest pero siya pa ang madalas sa bar. Samantalang ang kuya mo, ayon, nagkukulong na naman sa kwarto niya."
"Bakit? Mas gusto mo bang nagba-bar din si Kuya?" I asked.
"Of course. Para naman ma-enjoy nya ang buhay niya. Hindi siya habang buhay magiging bata." Muli siyang umiling. "Sige na, aasikasuhin ko muna ang lola nyo at naglalambing." She went out of our house habang kami ni Rachelle ay umakyat na sa second floor kung nasaan ang magiging kwarto niya.
"So, this will be your room." Binuksan ko ang pintuan tsaka kami pumasok. "Iyong nasa harap nito, iyon ang kwarto ni Kuya Ken at iyong nasa eft side ang magiging office nyong dalawa."
Tumangu-tango siya habang inililibot ang tingin sa kwarto. "Hindi ba parang sobra naman yata ang ibinibigay nyo sa akin." Tumingin siya sa akin. "Pwede naman ako sa maid's quarters."
Sumimangot ako. "You're not a maid here, Rachelle. Assistant ka ni Kuya kaya tama lang na dito ka mag-stay noh." sabi ko. "And besides, we don't need more maids here. Hangga't maaari kasi, gusto ng parents namin na matuto kami ng mga gawaing bahay, lalo na ang pagluluto."
Napakamot siya ng ulo. "Nahihiya na kasi talaga ako. At kahit anong isip ko, hindi ko alam kung paano makakabawi sa lahat ng tulong nyo sa'kin."
"Just stay safe and live your life to the fullest. Iyon ang gusto naming mangyari kaya ka namin tinutulungan." Ginulo ko ang buhok niya. "So, just forget what happened in the past, okay."
Well, I don't really know why I wanted to help her even though I don't really know anything about her.
But who cares about that.
Hindi naman kasi kailangang laging may dahilan para tumulong.
Ngumiti sya tsaka tumango. "Thank you so much."
"You're welcome. Sige na, magpahinga ka muna. Pupunta pa ako sa mansion ng mga Moretz para makakuha ng mga gamit mo." Iniwan ko na siya tsaka ako tumungo papunta sa bahay nila Samara.
*********
Crescent Moon V. Hanley's Pov
"Masyado talagang mabait ang dalawang iyon." ismid ni Crolhaine matapos niyang malaman ang ginawang pagtulong nila Zhairell at Zhaiken sa babaeng iyon. "Ni hindi man lang inisip na posible silang mapahamak sa ganyang kabaitan nila."
Bahagya akong natawa. "Natural sa kanila iyon kaya hindi na dapat magtataka. Baka nakakalimutan mo iyong kinwento sa atin ni Lolo Orion tungkol kay Lola Dia. At hindi din naman mabubuo ang Chess kung hindi tinulungan ni Tita Zaire ang karamihan sa miyembro nito." sabi ko. "Likas na sa pamilya nila ang tumulong sa mga taong alam nilang kaya nilang tulungan."
"Eh bakit si Zhairy?" tanong niya. "Oo, matulungin din ang isang iyon pero hindi tulad ng dalawa niyang kapatid. At ayaw naman talaga niyang tulungan ang babaeng iyon."
"Can't you see it?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Zhairy is different from them dahil ang mahalaga lang para sa kanya ay ang kaligtasan at kasiyahan ng mga malalapit sa kanya. That's his priority at dahil hindi niya kilala si Rachelle, wala siyang pakialam dito. Iyon nga lang, dahil alam niyang mababaliw sa pag-aalala ang mga kapatid niya, gumawa pa din siya ng paraan para makatulong. Zhairy himself is only for those who he treasure."
Bumuntong hininga sya. "Hay nako, kung bakit ba kasi sa dami ng tutulungan nila, eh iyon pang may kaugnayan sa lugar na iyon."
"Baka nagsisimula nang manggago si tadhana." Tinungga ko ang alak na nasa basong hawak ko tsaka tumingin sa langit.
Tita Zaire always told us about that fvcking destiny.
Sinabi niya na madalas itong manggago kaya dapat ay lagi kaming handa sa lahat ng pwedeng mangyari sa bawat araw. At dapat din kaming maging maingat sa mga desisyong ginagawa namin.
At sa pagkakataong ito, mukhang may nagawa akong isang maling desisyon na nagsisimula na akong habulin.
"Sa tingin mo?" tanong niya na tinanguan ko. "Pa'no mo nasabi?"
Nagkibit balikat ako tsaka tumingin sa kanya. "I just have this feeling na nagsisimula nang kumilos ang tadhana. Kaya hindi na ako magtataka kung dumating ang araw na kakailanganin nating bumalik sa lugar na iyon nang dahil sa babaeng iyon."
"So, anong dapat gawin?" tanong niya. "Ang pigilan o hintaying dumating ang araw na iyon?"
"Hindi madaling pigilan ang tadhana at baka lalong lumala ang sitwasyon kaya mas makakabuting hintayin nalang natin ito at harapin." Bumuntong hininga ako. "Pero nagsisimula na akong makaramdam ng hindi maganda sa mga susunod na araw kaya ihanda mo ang sarili mo. Mukhang mapapasabak tayo sa gulo."
Ngumisi sya. "I'm always ready, Moon."
"Good because starting tonight, magsisimula na ang pagbabago sa buhay natin at siguradong madadamay din ang buong barkada." At kung sakali mang mangyari iyon, sisiguraduhin kong wala ni isa sa kanila ang mapapahamak.
Just like what I promise to Tita Zaire. I will protect everyone.