Chapter 6.a

1048 Words
Zaire Emerald X. Mirchovich's Pov   "Are you really sure about this, Z?" Zerhia asked after I told them about Rachelle. "They will still hunt and kill her kahit pa malaman nilang tayo ang pumoprotekta sa kanya at natatakot ako na baka saktan din nila ang mga anak natin dahil sa pakikialam natin."   "Hindi sila gagawa ng ikakapahamak ng sinuman sa mga anak ng Chess because they know what we can do. Especially, what I can do. Relax, okay? Walang magtatangkang manakit sa kanila nang dahil lang kay Rachelle." sabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa langit na puno ngayon ng bintuin. "Idadamay lang nila tayo o ang mga anak natin kung sinabi ni Rachelle ang mga nalalaman niya na pilit nilang itinatago. Napag-usapan na namin iyon kaya makakasiguro akong hindi masasaktan ang sinuman sa kanila dahil wala siyang sasabihin sa mga ito hangga't huling hininga niya."   "How sure you are?"   "I trust her and my instinct, Rin." This time, tumingin na ako sa kanya. "I trust her words and you know how I trust people. You also know how my instinct s work, right?"   Bumuntong hininga siya tsaka ginulo ang buhok ko. "Yeah, I know. I'm just scared. We fight so hard para mabigyan ng maayos at tahimik na buhay ang mga anak natin. Iyong buhay na hindi natin naranasan noon kaya ayokong mapahamak sila dahil lang sa pagtulong sa ibang tao."   "Don't worry too much. They will not experience the same thing that happened before. And if ever, since madalas talagang manggago si tadhana, then we will do everything we can to help them."   "That's right." Napalingon kami kay Mommy Diamond na nasa likuran na pala namin. "Huwag nyong gagayahin ang mga magulang nyo na pinabayaan lang kayong manatili sa magulong mundong iyon. If ever they experience the same hell, then do everything to help them escape." Naupo siya sa gitna namin ni Zerhia tsaka kami inakbayan. "Nasa mga kamay nyo din naman ang sagot kung mararanasan din nila ang mga paghihirap na dinanas nyo noon eh."   "Yeah, iyon lang naman ang magagawa namin." sabi ko. "Pero siguradong darating din ang time na kakailanganin nilang tumayo sa sarili nilang mga paa. Kakailanganin nilang harapin ang problemang darating sa buhay nila nang walang tulong mula sa atin."   "Tingin mo ba, malapit nang mangyari iyon?" tanong ni Mommy na ipinagkibit balikat ko.   "I don't know but one thing is for sure." Muli kong ibinaling ang tingin sa langit. "Nagsisimula nang maglaro si tadhana at kabilang tayo sa mga piyesa niya kaya simula sa gabing ito, kailangan nating paghandaan ang lahat ng posibleng mangyari."   Alam kong malaki ang magiging papel ni Rachelle sa buhay ng mga anak namin at sigurado din akong siya ngayon ang ginagamit ng tadhana sa kung ano man ang plano nito sa mga bata.   Kaya hangga't kaya, gagawin ko ang lahat para labanan ang tadhanang iyon dahil hindi ko isusugal ang kapakanan ng mga anak namin.   **********   Marhia Milly C. Fujiwara's Pov   "Walang hiya ka, Shun! Bumalik ka dito!" malakas na sigaw ni Mommy ang sumalubong sa akin pagpasok ng bahay namin kasunod ang nagmamadaling si Daddy na pababa ng hagdanan at bakas ang matinding takot.   "Marhia Milly!" sigaw niya nang makita ako at agad yumakap sa akin pagkuwa'y nagtago sa likod ko. "Iligtas mo ako. Papatayin na naman ako ng mommy mo."   Bahagya akong natawa at nailing. Hindi na bago sa akin ang eksenang ito dahil ganito sila lagi tuwing uuwi ako. "Ano na naman bang ginawa mo, Dad?"   "W-wala kaya akong ginagawa." aniya. "Basta pag-uwi ko dito, bigla nalang akong hinabol niyang nanay mo habang may hawak siyang itak."   "Sigurado ka bang wala kang ginawa?" paniniguro  ko. "Or nakalimutan man lang?"   "Wala akong ginagawa sa kanya o nakalimutan man lang na dapat niyang ikagalit." sabi nya. "Kababati nga lang namin kaninang umaga, 'di ba?" Bumuntong hininga siya. "Aayain ko nga sana siya kaninang mag-date para naman makabawi sa kanya. Isu-surprise ko kasi siya doon sa yateng binili ko noong isang buwan. Ire-regalo ko sa kanya dahil nga anniversary namin noong nakaraan. Hindi ko lang naibigay dahil bigla nalang niya akong pinalayas."   "Oh? Nasabi mo ba sa kanya?" tanong ko na inilingan nya.   "Ayaw niyang makinig. Huwag ko daw ipaparinig ang boses ko sa kanya kasi naiirita siya sa akin."   Bumuntong hininga ako.   Minsan, mahirap din talaga ang may magulang na may sapak sa utak tulad ni Mommy na bigla nalang hahabulin ng itak si Daddy kapag nainis siya dito at ni Daddy na dinaig pa yata ang bata sa kaduwagan.   Pero kahit ganito ang mga iyan, mahal nila ang isa't-isa. Well, hindi naman siguro sila magtatagal ng ganito katagal kung hindi nila mahal ang isa't-isa sa kabila ng mga pinaggagagawa nila.   "Shun Fujiwara!"   Napalingon kami kay Mommy na pababa na ng hagdanan.   "Tulungan mo ako, Milly." bulong ni Daddy at mahigpit na yumakap sa akin.   "Bumitaw ka dyan sa anak ko at humarap ka sa'kin!" sigaw ni Mommy at nang tuluyan siyang makababa ay akma niyang hihilahin si Daddy pero agad ko siyang pinigilan kaya kunot noo siyang tumingin sa akin. "Milly?"   "Mom, bakit hindi ka pa nagbibihis? May date daw kayo ni Daddy." sabi ko. "At may surprise daw siya."   "Date?" Mas kumunot ang noo nya. "Surprise?"   Tumango ako. "Bilis na, Mom. Kanina pa dapat kayo nakapunta doon."   "Eh?" Binitiwan nya ang itak na dala. "Bakit hindi nyo agad sinabi sa akin? Wait lang, mag-bibihis at mag-aayos lang ako." Hindi na namin nagawa pang makasagot dahil agad na siyang tumakbo paakyat.   Nakahinga ng maluwag si Daddy tsaka ibinagsak ang katawan sa sofa. "Baliw talaga iyang nanay mo. Kung pinagsalita lang agad ako kanina, sana nandoon na kami."   "Iyan nga ang minahal mo kay Mommy eh. Ang pang-a-under niya sayo." I tapped his shoulder. "Goodluck sa date nyo."   "Kayo ba ni Trick, walang date?" Natawa siya nang sumimangot ako dahil sa sinabi nya. "Joke lang, Baby Rhia. Sige na, akyat ka na sa itaas at magpahinga."   Humalik ako sa pisngi niya tsaka umakyat ng hagdanan. Saglit akong sumilip sa kwarto nila Mommy at nakita ko siyang nagmamadali sa pag-aayos. Well, bihira lang din talaga silang makapag-date dahil pareho silang busy sa kanya-kanyang ospital.   Hindi ko na siya kinausap pa at dumeretso nalang ako sa kwarto ko tsaka ibinagsak ang sariling katawan sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD