Chapter 6.b

1031 Words
Marhia Milly C. Fujiwara's Pov   Anyway, hindi ko pa pala naipakilala ang sarili ko. I am Marhia Milly M. Fujiwara, 19 years old at ang bunsong anak nila Shun at Maria Klarissa Hershey Fujiwara.   May dalawa akong nakatatandang kapatid. Si Dhairyl Klaire M. Saisen, ang elder half brother ko at si Klari Shu Fujiwara, ang elder sister ko. Bihira lang silang umuwi dito kaya ako ang madalas makasaksi sa kakulitan ng mga magulang  namin.   May sarili na din kasing pamilya si Kuya Dhairyl habang si Ate Klari naman ay nagte-training as a resident doctor sa ospital ni Mommy na nasa Marial City pero close naman kaming tatlo.   Napabangon ako nang maramdaman ang pagba-vibrate ng cellphone ko kaya agad ko na itong kinuha at sinagot lalo na nang makita ko ang pangalang naka-register sa screen nito. "Anong kailangan mo, Moon?" bungad ko na ikinatawa niya. Pang-inis talaga ang isang ito kahit kailan.   "Ganda ng bungad mo, huh. Nasa'n ka ba?"   "Nandito ako sa bahay." sabi ko. "Bakit? Mag-aaya kayong mag-inuman?"   "Nah. Kakatapos lang naming mag-inom ni Crolhaine at bagsak na ang gaga. Ayoko din namang magpakalasing dahil uuwi ako sa Hellion Residence." aniya. "Anyway, kaya ako tumawag dahil may gusto akong ipagawa."   Muli akong nahiga. "Okay. Tell me."   "Kailangan kong makausap sina Xem at Claver. May kontak ka naman sa kanila, right?"   "Is it about that girl?" I asked even if I already know the answer. Kilala ko naman iyang si Crescent, maging ang galaw ng bituka niya kaya kahit hindi niya sabihin sa akin ang eksaktong plano niya ay may ideya na ako. "May inaasahan ka bang mangyari na pinaghahandaan mo na."   "Still not sure but better be safe than sorry. Wala namang mawawala kung paghahandaan ko, right?" sabi pa niya. "Kaya kontakin mo iyong dalawa. Kailangan ko silang makausap as soon as possible."   "Okay." Madali lang namang kontakin ang dalawang iyon. "Anong sasabihin ko?"   "Sa dating lugar. At sabihin mo ding iayos ang lugar na iyon."   Muli akong napabangon dahil sa sinabi niya. "Wait! Don't tell me, babalik ka na doon? Alam mong nasa kasunduan nyo ni Xem na hindi ka pwedeng bumalik doon."   Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Kung ako lang ang masusunod, hindi na talaga ako babalik doon pero hindi ko hawak ang galaw ng tadhana kaya hangga't maaga pa, pinaghahandaan ko na dahil darating ang oras na kakailanganin kong bumalik lalo na't madalas iyang manggago. Ayokong maulit ang nangyari noon kaya mas nag-iingat ako ngayon."   "Hindi ko gusto ang ipinupunto mo, Moon." Napahawak ako sa dibdib ko dahil nagsisimula na akong makaramdam ng kaba.   "Hindi ko din naman gusto pero anong magagawa natin? Gumawa tayo ng maling desisyon at hindi natin iyon pwedeng takbuhan habang buhay dahil lalo lang hihirap ang sitwasyon, hindi lang para sa atin, maging sa mga nakapaligid sa atin." aniya. "So we need to face it before it's too late."   "Sayo ako nag-aalala. Sa ating lahat, ikaw ang higit na maaapektuhan oras na bumalik tayo sa lugar na iyon."   "Don't worry about me, Rhia. Tama na ang dalawang taong pag-iwas at pagtatago. Besides, hindi ko naman sasabihin ito kung hindi pa talaga ako handang bumalik sa lugar na iyon kaya sabihan mo nalang sila, okay?" She sounds fine but I know her more than anyone. She's just trying to be fine when in fact, deep inside her, she's crying and asking for help. Masyado lang syang magaling magtago kaya walang ideya ang buong barkada sa mga pinagdadaanan nya.   Or alam talaga nila pero pinili nalang nilang manahimik at hintaying si Moon mismo ang magsabi ng lahat sa kanila.   Napangiti nalang ako habang nakatingin sa screen ng cellphone ko kung saan naka-display ang text ni Kuya Zhaiken.   -----------------------------------------------------------------   From: Kuya Ken   Moon is acting strange again. Maybe it has something to do with the things that she can't tell me so talk to her. Hindi na naman makausap ng matino.   -----------------------------------------------------------------   I forgot, magkakaibigan nga pala kami kaya hindi na nakakapagtaka na alam nilang may pinagdadaanan si Crescent sa kabila ng pagiging jolly nito. Pinili nga lang nilang manahimik at maghintay na ito mismo ang magsabi.   "Hoy! Nakikinig ka ba?" Muli kong ibinalik sa tenga ang cellphone ko. "Marhia Milly!"   "I'm listening." sabi ko. "Anyway, sige na. Ako nang bahalang kumausap kina Xem at Claver. Umuwi ka na kasi siguradong hinihintay ka na ni Kuya Ken."   "Eh? At bakit naman nya ako hihintayin?"   "Because he's aware of what you really feel." sabi ko na ikinatigil niya. "Hindi mo siya magiging boy bestfriend kung hindi ka niya kilala. Kaya uwi na, huh." Tinapos ko na ang tawag bago pa siya makasagot.   Si Kuya Zhaiken lang naman kasi ang talagang nakakapagpakalma sa bruhang iyon pero ayaw nyang aminin dahil nakakabawas daw ng pagiging cool.   Kung sina Zhairy at Ciella ay nagpagkakamalang may romantic relationship, sina Kuya Zhaiken at Crescent naman ay pinagkakamalang magkapatid kahit pa magkabaliktad ang ugali nila.   Tinext ko na ang mga taong gustong ipakontak ni Crescent at ilang sandali lang ay muling nag-ring ang cellphone ko kung saan naka-register ang pangalan ng taong iyon.   "It's been a while, Tita Xem." bungad ko dito.   "The hell! Tigilan mo ang kakatawag sa'kin ng tita. Marhia! Hindi nakakatuwa!" sigaw nito na tinawanan ko lang. Tita ko talaga siya dahil half sister siya ni Mommy pero ilang taon lang naman ang tanda niya sa aming magkakaibigan kaya ayaw niyang tinatawag siyang tita. "Huwag mo akong tawanan, Marhia Milly! Aagawin ko sayo si Trick ng makita mo."   Napasimangot ako sa sinabi nya. "Walang damayan ng love life, Xem." Iyon ang lagi nyang panakot sa akin. Palibhasa, hindi imposible na maagaw nga nya sa akin si Trick. Ex-fiance nya kasi iyon nang minsang mapagtripan ng mga magulang nila ang arrange marraige.   "Fine, basta tigilan mo kakatawag sa'kin ng tita." aniya. "Anyway, bakit mo nga ba ako kinontak?"   "Gusto kayong makausap ni Moon. Maybe it has something to do about that girl."   "Okay. Sa dating lugar, right?"   "Yeah. And by the way, she also said to fix that place for her 'cause she's ready."   "Hmm. Looks like something big might happen. And destiny starts it's own game."   "Yeah. Kaya kailangan na din nating mag-ingat. Hindi masayang kalaro si tadhana."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD