Chapter 7

1066 Words
Zhaiken Rhald X. Mirchovich's Pov   "Ken."   Bumaling ako sa pintuan kung nasaan si Mommy na kakapasok lang sa kwarto ko.   "Gisingin mo na iyang si Moon para makapag-breakfast na." sabi nito. "Kanina pa din nababaliw ang tatay nyan sa ibaba."   Tumango ako. "Sige po. Susunod na kami sa ibaba." Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. "Good morning, Mom."   Ngumiti sya tsaka ginulo ang buhok ko. "Good morning din. Sige na, gisingin mo na iyan." Lumabas na siya kaya naman nilapitan ko na si Crescent na mahimbing pa ding natutulog sa kama ko.   "Wake up, sleepy head." I poked her cheeks. "Wake up bago pa tuluyang mabaliw ang daddy mo."   "Hmm." Daha-dahan niyang idinilat ang mata tsaka tumingin sa akin. "Morning."   Naupo ako sa gilid ng kama at tumingin sa kanya. "Bangon na."   "Ayaw ko pa." Niyakap niya ang unan tsaka pumikit "Masakit pa ang ulo ko eh."   "Lalong sasakit iyan kung hindi ka pa magpapakita kay Tito Midnight. Hindi ka na naman nagsabi sa kanila na dito ka matutulog."   Yeah, madalas talagang dito matulog ang babaeng ito. But don't get me wrong. Kahit magkatabi kaming matulog nito ay wala kaming ginawang kahalayan because in the first place, magpinsan kami.   Additional na siguro ang pagiging magbestfriend namin plus the fact that I also treat her as my younger sister kaya walang malisya sa amin kahit pa matulog kaming magkatabi.   Kahit naman si Zharell ay madalas ding makitulog sa tabi ko lalo na kapag hindi maganda ang pakiramdam nito.   Only child kasi itong si Crescent at dahil magkatapat lang ang bahay namin ay madalas siyang dito tumambay at makitulog.   "You know how my dad think kaya kung sinabi kong dito ako matutulog, baka naglupasay na naman iyon sa sahig sa sobrang kapraningan." Bumangon siya tsaka ginulo ang buhok. "Kung bakit ba kasi hindi nila ako binigyan ng kapatid. Eh 'di sana, hindi ganyan ka-over protective si Daddy sa'kin."   "Natural lang na maging protective sayo si Tito Midnight. Hindi dahil only child ka at babae pa, kundi dahil dyan sa katigasan ng ulo mo." Pinitik ko siya sa noo na ikinasimangot nya. "Bangon na."   "Tss. Oo na." Bumangon na siya at dumeretso sa cr.   May mga gamit na din naman siya dito. Mas madalas naman kasi siya dito sa'min kaysa sa bahay nila o sa condo nila ni Crolhaine. Para ngang mas magulang pa niya sina Mommy kaysa sa sarili niyang parents.   Ilang sandali lang ay lumabas na din siya tsaka kami bumaba papunta sa dining room kung nasaan ang pamilya ko at ang parents niya.   At tulad ng inaasahan, sinalubong agad siya ng yakap ni Tito Midnight habang ngumangawa na parang bata.   Napailing nalang ako tsaka lumapit kay Zhairell. "Morning, sis." Hinalikan ko siya sa ulo tsaka bumaling kina Zhairy, Daddy at Tita Eisenheart. "Morning." Bago ako naupo. "Where's Rachelle?"   "Nasa office mo sa itaas." sagot ni Zhairell. "Nahihiya daw siya kaya hindi na sumabay sa pagkain. Pinahatiran ko nalang para makakain na habang pinag-aaralan lahat ng kailangan niyang malaman as your new assistant."   "Nag-aadjust palang naman kaya hayaan nyo muna siya." sabi ni Mommy tsaka bumaling kay Tito Midnight. "Hoy! Tigilan mo na iyang anak mo at maupo na kayo dito."   "Zaire naman eh." nakaunguso itong lumapit sa amin at naupo sa tabi ni Tita Eisenheart. "Nag-iisang anak ko iyan at babae pa kaya natural lang na maging protective ako dyan. Idagdag mo pa ang katigasan ng ulo at sa madalas niyang pagsali sa gulo."   "Malamang. Sayo ba naman nagmana eh." naiiling na sambit ni Daddy na ikinasimangot nito. "I'm just telling the truth. Kung gaano katigas ang ulo mo, ganyan din iyang si Moon kaya hindi ka na dapat magtaka pa sa mga ginagawa nyan."   "Mas malala pa dyan ang ginagawa mo dati kaya hayaan mo siya." singit ni Tita Eisenheart. "Alam din naman niya ang ginagawa niya at kung hanggang saan ang limitation niya so trust her. Anak natin iyan noh."   "Yay! Buti pa si Mommy, naiintindihan ako." Yumakap si Moon sa ina tsaka tumingin sa ama. "Samantalang si Daddy, laging praning."   "Nakakapraning naman kasi talaga ang katigasan ng ulo mo." singhal nito.   "Ngayon mo namnamin ang nararamdaman namin noong ikaw ang gumagawa ng kalokohan." ani Mommy na ikinatawa namin.   "At talagang pinagtulungan pa ako ng mga ito." Inirapan nalang niya kami at nagsimulang kumain.   "Anyway." Nabaling ang atensyon namin nang magsalita si Zhairy at base sa ekspresyon ng mukha niya ay seryoso kung anuman ang sasabihin niya. "Hindi pa tapos ang problema ni Rachelle kahit pa malaman ng mga taong iyon na tayo ang pumoprotekta sa kanya. They will still do something to catch her or worst, kill her so if you really want to save her, always up your guard lalo na't ang Royal Guards ang posible nyong makaharap."   "He's right." sabat ni Mommy. "Pwede nila kayong atakihin everytime they had a chance at tingin ko, kahit kilala nila kayo ay hindi sila magdadalawang isip na saktan kayo kung magiging sagabal kayo sa kanila."   "So, it means that we should continue our training to make sure na hindi kami masasaktan at magagawa naming protektahan si Rachelle since that's want we want, right?" sabi ko. "That's one of our agreement when you said yes about this matter."   Tumango sila.   "We don't actually want you to involved yourself into something like this but I know, we can't also stop you from helping her." ani Tita Eisenheart. "Kaya hangga't maaari, iwasan nyong masaktan kung sakali mang makaharap nyo ang mga Royal Guards."   "At kung sakali mang makaharap nyo sila, don't ask any question. Hindi nyo na kailangang malaman kung ano ang dahilan nila at mas mabuting i-focus nyo nalang ang sarili nyo sa pagprotekta sa babaeng iyon." dagdag ni Tito Midnight.   "But--"   "Kheina." Hindi na naituloy ni Zhairell ang sasabihin dahil pinutol na sya ni Mommy. "Ibinigay namin ang gusto nyo kaya dapat lang naman sigurong ibalik nyo din ang favor, right?"   Bumuntong hininga si Zhairell tsaka tumango. "Okay po."   "Please understand us, kids." sabi ni Daddy. "Ayaw lang naming mapahamak kayo kaya ginagawa namin kung anong mas makakabuti para sa lahat."   "Don't worry, Dad. We understand." sabi ko. "Rell was just curious about that."   "I know. But too much curiosity is too dangerous so you better stop thinking of knowing that."   "Okay, Dad."   "Moon." Natigil kami at napatingin kay Mommy. Masyado syang seryoso ngayon na ikinataka namin. "I think we need to talk."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD