Zhaiken Rhald X. Mirchovich's Pov
"I think we need to talk." sambit ni Mommy kay Crescent.
"Po?"
Bumaling ako kay Crescent at napansin ko ang kabang bumabalot sa mga mata nya. Is it about the things that she can't tell me? Alam kaya ni Mommy ang tungkol doon?
"May ginawa bang kalokohan ang baby ko na umubos ng pasensya mo, Zaire?" takang tanong ni Tito Midnight.
"Nothing. I just heard something about a certain person that connected to her." Crescent gasp as she heard that. Sinong tinutukoy ni Mommy?
"Should we talk to Xenry, too?" Dad asked.
"No need. She's too busy right now kaya si Moon nalang ang tatanungin ko. After all, she knows every details about that person." Tumayo na si Mommy. "I gotta go. Kailangan ko pang puntahan sina Zerhia at Mommy. Moon, hintayin mo ako sa Hellion Tower."
"O-okay po."
Umalis na ito habang kami naman ay takang tumingin kay Crescent.
"If it's too much for you to talk, then we won't ask you about it." nakangiting sabi ni Tita Eisenheart tsaka ginulo ang buhok ng anak. "But Zaire is an exemption. You need to tell her everything, okay?"
"Your mom was right." dagdag ni Tito Midnight. "Mas magkakaproblema kasi tayo kung sa ibang paraan pa malalaman ng Tita mo. You know how she works, right."
"Yeah, I know." sagot nito tsaka yumakap sa ina. "Thanks for understanding. I will tell you about that once I can handle it."
"Take your time, my hime."
_________
After our breakfast, pinuntahan ko na si Rachelle sa office ko na nandito sa bahay at naabutan ko siyang busy sa pagbabasa ng mga reference book na iniwan ni Heila nang sa gayon ay maging aware siya sa mga dapat niyang gawin as my assistant.
"Ahm, S-sir."
"Drop the formality and just call me, Zhaiken." sabi ko sa kanya nang hindi na nag-abala pang tumingin.
"O-okay. Ahm, Zhaiken. I just want to ask something about this." aniya.
Inangat ko ang tingin at tumingin sa papel na hawak niya. "Ah, hindi pa pala naasikaso ni Aether ang lahat ng iyan." Iyon ang hospital expenses ng waitress sa C2'z Cafe na nabangga ko noong nakaraan.
"At ito pa." Inilapag niya sa harap ko ang cellphone kung saan isang text galing kay Ciela ang naroon.
Nagulo ko ang buhok ko nang mabasa ito. After what happened between Zhairy and Ciela, hindi na nakakapagtakang tumigil din si Zhairy sa pagpunta sa C2'z.
"Should I go there to settle--"
"No." Tumayo ako. "Just stay here. Darating ang mga reports from XGC. Organize that and put all the urgent report in my desk."
"Okay."
"Anyway." Bumaling ako sa kanya. "Marunong ka bang magmaneho?"
Tumango sya. "Yup. I also have a licence. Magpapamaneho ka ba?"
"Nabasa mo naman siguro ang mga notes na iniwan ni Heila, right?" tanong ko na tinanguan niya. "To be honest, I don't really need an assistant. Sadyang madalas lang akong sumpungin ng katamaran kaya nag-insist si Mom na mag-hire kaya asahan mong hindi magiging madali ang trabaho mo."
"Ahm, maliban sa pagtulong ko sa trabaho mo sa XGC, ano pa ba ang mga dapat kong gawin?"
Nagulo ko ang buhok ko tsaka bumuntong hininga. "Just ask Manang Luisa. She knows everything. Ja'ne." Lumabas na ako at dumeretso palabas ng bahay.
Nakita ko naman si Zhairy na nakatambay sa labas ng gate namin. Nakaupo siya sa gutter ng kalsada at nakatingin sa langit.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko tsaka naupo sa tabi niya.
"Hinihintay ko si Cloud Nine." aniya.
Cloud Nine Cohen, ang 10 years old naming pamangkin. Anak siya ni Kuya Dhairyl at masasabi kong kapareho niya ng ugali itong si Zhairy. Parehong kalmado at laging in control sa anumang sitwasyong kinasasangkutan.
Ang kaibahan nila, madalas lang itong nagkukulong sa bahay nila at hindi pa maiisipang lumabas hangga't hindi si Zhairy, si Mommy o si Moon ang nagpapalabas sa kanya. Mailap din siya sa iba kahit pa sa mga barkada namin at mahirap ding hulihin ang atensyon niya not unless, may sense ang topic.
Iyon nga lang, mahirap ding i-define kung ano nga bang topic ang may sense para sa kanya.
"Masyado kaming naging busy nila Mommy at Moon kaya hindi namin siya napalabas nitong nakaraan." sabi niya. "At alam mo namang nahawa na si Kuya Dhairyl sa pagiging oa ni Tito Shun kaya tinawagan na niya ako. Wala na din naman akong pinagkakaabalahan ngayon."
"So, hindi ka na talaga papasok sa C2'z?"
"Wala nang rason para pumasok ako doon kasi alam ko na naman kung bakit siya umiwas sa akin." Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Don't worry, may papalit din naman sa akin kaya hindi mo na kailangang magpunta doon. Medyo male-late lang iyon dahil galing pa silang Trost."
"Ah, sina C2, Leralyn at Lyria ba ang tinutukoy mo?" Barkada din namin ang tatlong iyon.
C2 Leuis, anak nila Tito Clifford na dating miyembro ng Black Monarch at Tita Charlene. Leralyn Turner, anak nila Tita Lenalee at ng asawa nitong si Tito Dane. At si Lyria Scott na anak nila Tita Yllyria at Tito Ryan.
"Yeah. They finished their summer class kaya magbabakasyon sila dito at dahil isa akong mabait na kaibigan, In-offer ko ang bahay natin para matuluyan nila."
"Kapalit noon ang pagta-trabaho nila sa C2'z." Hindi na ako nagtaka. Tulad nga ng sinabi ko, Zhairy is always in control in every situation that he's in.
"Ah, hindi mo na din pala kailangang pumunta sa ospital para dun sa waitress nila Ceilo." aniya na ikinakunot ng noo ko. "Nagkita kami ni Heila kanina at sinabihan niya akong si Klari na ang mag-aasikaso dahil sa ospital ding iyon ito naka-duty until next week. Bilhan mo nalang daw siya ng moon cake."
Napasimangot ako. "So, kailangan ko pang pumunta ng Japan para lang sa moon cake na iyon?"
Natawa sya. "If that's what you want. Pero dahil alam kong tamad kang lumabas ng bahay, tawagan mo nalang sina Kana at Sera. Sa makalawa na ang uwi nila."
Pinakatitigan ko siya pagkuwa'y bumuntong hininga. "Napapaisip ako minsan kung sino ba sa ating dalawa ang mas matanda."
"It doesn't matter kung sino ang mas matanda. Magkapatid tayo kaya dapat lang na magtulungan tayo. Maliit o malaking bagay man." aniya.
"You're really something." Tumayo na ako at nag-inat. "Anyway, thanks. Hindi ko na nga kailangang lumabas."
"Anytime."