Cloud Nine Cohen's Pov
"Are you really sure, Kuya Ry?" tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa babaeng nasa garden. "I'm sure; Lola Xenry will get mad at me."
"Don't worry about that old woman." Inakbayan niya ako tsaka ginulo ang buhok. "Wala naman siyang magagawa kapag ikaw na ang nakialam, right? And we are going to do this to lessen the casualties if ever we have an encounter with our enemy."
Tumangu-tango ako. "What about Moon and Tita Zaire?" This time, tumingin na ako sa kanya.
"They will not do anything as long as you're safe."
Muli akong tumango at ibinalik ang tingin sa babaeng iyon. "Pero hindi pa din sila titigil nang dahil lang sa presensya ko."
"I know that." aniya. "Kahit ano namang gawin natin ay hindi pa din sila titigil hangga't hindi nila nagagawa ang gusto nila. Kaya ko lang naman hinihingi ang pabor na ito ay para maiwasan nating makaharap ang mga taong hindi natin dapat labanan."
"Ibig sabihin, kung gagawin ko ang plano mo, ibibigay niya sa iba ang misyon at hindi na natin sila makakaharap?"
"Yup. Alam mo namang kailangan din nating itago sa iba ang pinagkakaabalahan nila, di ba?" sabi niya na sinang-ayunan ko.
Not that we don't trust the others. Iniiwas lang namin silang ma-involved sa mga delikadong ginagawa ng iba sa kasama namin. Kapag kasi nalaman nila iyon, hindi sila magdadalawang isip na tumulong at baka mag-cause pa iyon ng kapahamakan sa sinuman sa amin.
Medyo overacting pa naman ang iba sa barkada.
"So, papayag ka na ba?"
"Okay." Tumayo ako at naglakad palapit sa babaeng kanina ko pa tinitingnan.
Busy siya sa mga folder na nagkalat sa lamesa kaya hindi niya ako napansin pero agad din siyang nag-angat ng tingin nang maupo ako sa katapat ng inuupuan niya. "Ahm. I-ikaw iyong pamangkin nila Zhaiken, right?"
Tumango ako at pinakatitigan siya.
Halatang naiilang siya sa presensya ko dahil hindi niya malaman kung saan siya titingin. Bahagya ding nanginginig ang kamay niya at namumula ang mga pisngi.
"You can calm down." sabi ko na ikinatigil niya. "I'm just curious about you."
"Curious ka sa akin?" tanong nya na tinanguan ko.
"Anyway, I am Cloud Nine Saisen pero mas gusto kong gamitin ang Cohen. Not that I don't want my father's surname. I just want to preserve the Cohen Clan since wala nang magpapatuloy sa angkang iyon." Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya.
Ngumiti naman siya tsaka tinanggap ang kamay ko. "Nice to meet you, Cloud Cohen. I'm Rachelle Garcia."
Bumitaw din agad ako at ipinatong ang baba sa mesa habang nakatingin sa mukha niya. "I wonder how."
"Huh?"
"You're so plain. Nothing special and I believe that you're not Kuya Ken's type that's why I wonder how did you manage to get his attention." sabi ko. "Anong nakita niya sayo para tulungan ang isang tulad mo."
Well, my cousins and friends are all kind pero hindi naman kasi sila iyong tipong basta nalang tutulong ng tao lalo na kung wala silang alam kung bakit ito nangangailangan ng tulong.
But in this case, Kuya Zhaiken and Ate Zhairell decided to help and protect here even before they knew her situation.
Kaya iniisip ko kung anong mayroon sa kanya para makuha ang atensyon ng dalawa sa barkada namin na pinakamahirap i-please.
Akma siyang magsasalita ngunit hindi niya itinuloy ng itaas ko ang kanang kamay ko.
"You don't need to answer. Alam ko namang kahit ikaw ay wala ring alam kung bakit ka nga ba nya tinulungan." Ibinaba ko ang kamay ko. "Well, natural talaga ang pagiging matulungin nila ni Ate Rell pero iba ang sitwasyon mo dahil posible silang masaktan at mapahamak yet hindi pa rin sila nagdalawang isip na tulungan ka."
"Baka naaawa lang sila sa akin dahil nga wala na din akong matatakbuhan."
"We don't sacrifice ourselves nang dahil lang sa awa." Naupo ako ng maayos. "Kasi kung naaawa lang kami sayo, maraming contact si Lola Ruby sa FBI. Pwede naming i-turn over sa kanila ang kaso mo at sila ang po-protekta sayo. Kaya siguradong may ibang dahilan kung bakit."
"At kung anuman ang dahilang iyon--" Napatayo ako tsaka agad tumingin sa likuran ko at doon ko nakita si Crescent na nakangisi. "It's none of your business, right?"
Napaiwas ako ng tingin. Just like Lola Zaire, Crescent doesn't like curious cat.
"Nagta-trabaho si Rachelle kaya huwag mo siyang istorbohin." aniya. "Bumalik ka na kay Zhairy."
"Tulog." Itinuro ko si Kuya Zhairy na nakahiga sa damuhan hindi kalayuan dito sa garden.
Yeah, he's that weird na nakakatulog saan mang lugar niya gustuhin. Isa pa, this is Hellion Residence kaya kampante siyang walang masamang mangyayari kahit matulog pa siya sa gitna ng kalsada.
"Then, go with me. Pupunta tayo sa C2'z." Hinawakan niya ang likuran ng kwelyo ko kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
This old lady always gets what she wants kaya nga isa din siya sa mga taong nakakapagpalabas sa akin sa bahay kahit ayoko. Nakakatakot siyang magalit and she has a lot of way to get everything she wants.
At ako na ang nagsasabi sa inyo, hindi nyo magugustuhan ang mga paraang iyon.
"Moon." Kasalukuyan na kaming nakasakay ng kotse at syempre, siya ang driver habang ako ay nakahiga sa back seat.
"Hmm?"
"Kailan tayo babalik doon?" tanong ko. "That place may not be for someone like me but I want there. Maliban sa Hellion Residence, doon ko lang pwedeng gawin ang mga bagay na gusto ko."
"I don't know when but you know what." Itinigil niya muna ang sasakyan tsaka nakangiting tumingin sa akin. "Pakiramdam ko, malapit na."
Napabangon ako. "Talaga?"
Tumangu-tango sya at muli nang pinaandar ang sasakyan.
"Pero magiging okay ka ba kung babalik tayo doon?"
"I'm not sure. Pwedeng oo or pwede ding hindi." aniya. "Hindi naman kasi natin malalaman kung hindi ko muling itatapak ang mga paa ko sa lugar na iyon. But you don't have to worry. Ready na akong bumalik doon kaya hintayin nalang natin ang perfect timing, okay?"
Napangiti ako sa sinabi nya at mabilis na tumango. "Okay."