Zhairell Kheina X. Mirchovich's Pov
Almost 2 weeks na sa amin si Rachelle and so far so good, maayos naman ang lahat ng nangyayari. Mukhang nakaka-adjust na din siya as Kuya's assistant at tingin ko ay magkasunod silang dalawa.
May mga times na lumalabas na din siya ng Hellion Residence at ang mas madalas niyang kasama ay si Cloud na hindi ko malaman kung anong nakain dahil himalang hindi nagkukulong sa kwarto niya.
Parang si Zhairy din kasi ang batang iyon. Mahirap basahin kung ano ang posibleng tumatakbo sa utak at para din si Kuya Zhaiken na mas gustong nagkukulong sa loob ng kwarto.
At nakakapagtakang close na din sila ni Rachelle. Eh mailap nga din sa amin iyan. Kina Mommy, Zhairy at Crescent lang siya madalas makipag-usap tapos itong si Rachelle na dalawang linggo palang sa amin ay nakuha agad ang loob niya.
Well, hindi na pala ako dapat magtaka pa. Mabait kasi si Rachelle. She always says what's in her mind. Maalaga at maasikaso din. And she's fun to be with. Though, medyo nahihiya pa din siya sa ibang barkada.
And as of Mairon. Ayon, bumalik na siya sa restaurant ni Daddy kaya binalik na din sa akin ang Hell Clothing.
Hindi pa din kami nakakapag-usap ng maayos dahil ayoko na din namang ungkatin pa ang nakaraan. Tapos na iyon at ayoko nang may panibagong gulong mangyari. Mas mabuti nang maging magkaibigan nalang kami.
At habang sina Zhairy at Ciela naman ay hindi pa din nag-uusap hanggang ngayon.
Ilang beses na namin silang kinausap pero parehong matigas ang ulo. Lalo na si Zhairy na mukhang dinamdam talaga ang ginawa ni Ciela.
"Hoy."
Napalingon ako kay Francess na siyang kasama ko ngayon. Dito kami nakatambay sa C2'z at hinihintay namin sina Samara at Zarah.
"Wala ka pa din bang napipiling school na lilipatan?" tanong niya na ikinabuntong hininga ko.
"Wala pa din. Nag-inquire na ako sa ilang school sa Cena at Marial pero walang nakakuha ng interes ko." sabi ko. "At ang masama pa, they all know me kaya hindi na nakakapagtakang puro special treatment ang matatanggap ko kapag dun ako nag-aral."
Sa Hanley Academy kasi, itinuturing din kaming normal na estudyante lang. Wala silang pakialam kahit anak pa kami ng pinakamayayamang angkan sa buong mundo.
Pantay ang pakikitungo nila sa amin na mas gusto namin, though sumobra lang sila dahil nagawang pagtangkaan ng ilan ang buhay namin ni Zarah.
"Well, mahihirapan ka talagang makahanap ng school na tulad ng Hanley. Karamihan kasi, pera at impluwensya na ang usapan kaya talagang gagawin ng mga school na iyon ang lahat para mapalapit sa pamilya mo kung sakali man." aniya.
"I only have 3 weeks para makahanap ng school. Kapag wala pa din within that time, siguradong malalaman na nila Mommy ang plano ko."
"At suguradong mapaparusahan ka dahil nagpa-plano ka ng hindi sinasabi sa kanila." aniya na ikinanlumo ko.
"Kung bakit ba naman kasi ang daming b***h sa Hanley." Ipinatong ko ang pisngi sa mesa at tumingin sa labas since transparent glass naman ng dingding nitong cafe. Pero agad din akong napaupo ng maayos nang natanaw sina Kuya Zhaiken at Rachelle na papunta din dito. Kasama din nila sina Samara at Zarah.
"Akala ko ba, inatake na naman ng katamaran si Kuya Ken at walang planong lumabas?" tanong ni Francess na nakatingin din kina Kuya.
"Iyon ang sabi niya kanina nang ayain ko syang gumala." sabi ko.
"Close na talaga sila noh." ani Francess.
Hawak kasi ni Kuya Zhaiken sa braso si Rachelle habang patawid sila ng kalsada.
"Paanong hindi? Simula nang maging assistant ni Kuya iyang si Rachelle, eh parang biglang sinipag. Araw-araw nagta-trabaho samantalang noong si Heila ang assistant niya eh, twice a week lang kung asikasuhin ang mga reports na sine-send sa kanya."
Well, tulad nga ng sinabi ko kanina, hindi na nakakapagtaka kung mapalapit agad si Rachelle sa'min pero ang ipinagtataka naming lahat ay ang paunti-unting pagbabago kay Kuya Zhaiken.
Maliban sa madalas siyang magtrabaho hindi tulad noon, eh madalas ko din siyang makitang nakangiti sa kawalan o kaya ay nakatitig kay Rachelle.
Napansin na din iyon nila Mommy at Zhairy pero hindi nalang namin inungkat. Personal life pa din iyon ni Kuya Zhaiken at choice niya kung ishe-share niya sa amin.
"Hindi kaya na-love at first sight talaga siya kay Rachelle noong muntik itong masagasaan kaya ganito nalang siya kadesididong tulungan at protektahan?" sabi niya na ikinalingon ko sa kanya. "Hindi imposible iyon noh. Maganda si Rachelle kahit sabihing plain at simple lang siya manamit. At mas lalo pa siyang gaganda kung ime-make over ng konti."
"Hindi ganda ng mukha ang tinitingnan ni Kuya pagdating sa babae." ismid ko. "Naalala mo ba iyong schoolmate nating si Lyca? Iyon ang first love niya, di ba? Hindi iyon maganda at baduy pang pumorma pero dahil mabait at totoong makitungo sa kanya ay hindi siya nagdalawang isip ligawan iyon."
"Yeah. But she end up rejecting him dahil nag-migrate na sila sa US." sabi pa niya. "But still, na kay Rachelle din ang mga traits na gusto niya sa babae kaya hindi imposible noh."
Tumangu-tango ako bilang pagsang-ayon. Walang halong pagpapanggap ang bawat kilos ni Rachelle sa harap man namin o hindi. Lahat ng ipinapakita nya ay totoo at gusto nya. "Well, wala namang magiging problema kung sakaling magustuhan nila ang isa't-isa."
"Kanina pa kayo?" tanong ni Zarah na nakalapit na pala sa amin. Naupo sya sa tabi ko habang si Samara ay sa tabi ni Francess.
Sina Kuya Zhaiken at Rachelle ay dumeretso sa counter kung nasaan sina Cielo at Ciela.
"Yeah. At kanina pa nga din lutang iyang si Kheina." naiiling na sabi ni Francess na hindi ko nalang pinansin. "Bakit nga ba kayo natagalan?"
"Dumaan pa kaming Hell Clothing. Naghahanap kasi si Kuya Ken ng simple cocktail dress para kay Rachelle. May pupuntahan yata silang business meeting." paliwanag ni Samara. "Pero naloloka ako sa kay Kuya Ken."
"Eh? Bakit naman?"
"Dinaig niya ang boyfriend kung makapaghigpit sa susuotin ni Rachelle." aniya. "Ang gustong damit para dito ay iyong hindi kita ang buong katawan. Iyong kahit leeg, dapat daw hindi makikita dahil karamihan ng a-attend sa meeting ay puro lalaki. Eh sayang ang ganda nito kung itatago lang kaya ayon, nakipagtalo pa ako."
"But in the end, wala siyang panama sa isang possesive na lalaki kaya ayon, napilitan siyang maghalungkat sa storage room." natatawang sambit ni Zarah. "Oa na si Kuya Ken."
"Hay nako, oa iyan dahil siguradong in love." ani Francess. "Sina Moon nga at Kheina, hindi niya pinakikialaman ang pananamit tapos bigla siyang magkakaganyan kay Rachelle. Confirm na talaga ang hinala ko."
"Halata na nga naman." sabi ko habang nakatingin sa dalawang iyon na nagkukulitan sa counter. "And it may be good news dahil sa mga magandang pagbabago kay Kuya."
Okay lang naman kung magkaroon sila ng relasyon kaso, malaking adjustment din ang kailangan naming gawin lalo na si Crescent.
But I think, we can work on that. Kung para naman kasi sa kasiyahan ni Kuya, hindi kami magdadalawang isip gawin ang nararapat.