Chapter 8.a

1179 Words
Rachelle Garcia's Pov   Who would have thought na kahit kabilang sila sa mayayaman at maimpluwensyang pamilya ay nagawa nilang tanggapin ang isang tulad kong halos walang-wala sa buhay at may gulo pang posibleng dala sa kanila.   Lalo na ang pamilya Mirchovich na hindi ako pinababayaan sa lahat ng pangangailangan ko.   In fact, sobra-sobra na nga ang nagagawa nila para sa akin at hindi ko alam kung paano makakabawi sa mga iyon. Lalo na kay Zhaiken.   Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa C2'z Cafe para bumili ng favorite cake ni Cloud at dahil mukhang matatagalan pa iyon ay naisipan na din naming kumain muna.   "Ang dungis mong kumain." ani Zhaiken pagkuwa'y pinunasan niya ang gilid ng labi ko. "Nahahawa ka kay Cloud, huh."   "Sorry naman. Kung ikaw ba ang laging kasama ng batang iyon." Cloud is such a nice boy pero may part sa kanya na nananatiling misteryoso at may part din sa kanya kung saan lumalabas ang pagiging makulit. At sa tuwing kakain kami ng cake ay lagi kaming madungis dahil sa kakulitan niya.   "Nah. Hindi ko kaya ang ingay ng batang iyon." Natawa nalang ako sa reaksyon niya.   Zhaiken is kind of aloof person kaya madalas ay nagkukulomg lang siya sa kanyang kwarto pero may mga times din naman na nakikipag-socialize sya sa iba.   Iyon ang una kong napansin sa kanya noong unang linggo ko as his assistant.   Pero nakakapanibago nitong nakaraang linggo dahil mas madalas ko siyang kasama at nagta-trabaho.   Kahit nga ang mga kasama namin sa bahay ay nagtataka din pero hindi nalang nila pinupuna dahil para sa kanila, isang magandang pagbabago iyon para dito.   "Anyway, kailangan ko ba talagang sumama sa meeting mamaya?" tanong ko. "You know, wala akong alam sa mga ganoong event. Nakakailang."   "Wala ka namang gagawin doon kundi manatili sa tabi ko. Akong bahalang makipag-usap sa kanila."   "Oh? Wala pala akong gagawin eh. Bakit kailangan ko pang sumama?" muli kong tanong.   "Kailangan ko ng kasama." aniya na ikinasimangot ko.   "Alam mo, malapit ko nang isipin na ayaw mong nawawala ako sa tabi mo." biro ko. Kumportable na din kasi akong kasama ang lalaking ito kaya nagagawa ko na siyang biruin.   Pero syempre, minsan lang. May pagkapikon kasi sya eh.   "Malamang." sabi niya. "Assistant kita kaya dapat lang na nasa tabi kita lagi."   "Reason mo, bulok." Pinitik ko siya sa tenga kaya nakatanggap ako ng masamang tingin mula sa kanya pero tinawanan ko lang iyon. Hindi talaga lumilipas ang araw na hindi ko siya mapipikon. Kaya masarap talaga siyang asarin eh.   "Hey, hey, hey."   "Oh s**t!" Pareho pa kaming napamura ni Zhaiken dahil sa gulat at pareho din naming binigyan ng masamang tingin si Crescent na ngayon ay tinatawanan lang kami.   "Seriously! Parang kabute ka talaga na bigla nalang sumusulpot." sabi ko. "Nakakagulat ka lagi eh." Iyon ang isang bagay na hindi ko makasanayan sa loob ng dalawang linggo kong pananatili sa bahay ng mga Mirchovich.   Madalas din kasi doong mag-stay si Crescent at talaga namang nakakagulat siya dahil walang nakakapansin sa pagdating niya tapos biglaan pa siya kung makisali sa usapan. At lahat kami, napapaigtad talaga sa gulat.   "Sabi ko naman kasi sa inyo, isipin nyo lang lagi na nasa tabi nyo ako para hindi na kayo nagugulat sa bigla kong pagsulpot." naiiling niyang sabi tsaka kinuha ang plato ni Zhaiken at kinain ang laman nito.   "Hindi effective iyon, Crescent." sabi ko. "Hindi kasi namin ramdam ang presence mo."   "Then, it's your fault. Mahihina kasi ang pakiramdam nyo."   "Sa inyo lang naman ni Tito Midnight ang hindi namin ramdam eh." ismid ni Zhaiken.   "Anyway, may nabalitaan ako, huh." Tinaasan niya kami ng kilay. "Actually, chismis palang iyon. Alam nyo naman, madalas talaga akong makasagap."   "Chismosa ka kasi."   "Hindi ah." deny niya. "Nagkataon lang na nasa likod nila ako at masyadong malakas ang mga boses nila kaya narinig ko. Eh interesting ang topic kaya tinandaan ko."   "At ano naman iyang nasagap mo?" tanong ni Zhaiken.   "In love ka na daw." sabi niya dito na ikinalaki ng mga mata namin. "In love ka na daw kay--" Hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin dahil tinakpan ni Zhaiken ang bibig nito.   "Eh?" Nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa.   Si Zhaiken kasi, masama ang tingin kay Crescent na tinaasan naman ng kilay ang kaibigan.   "Stop talking non sense, Moon." ani Zhaiken tsaka binitiwan si Crescent.   "Kung non sense iyon, bakit ayaw mong sabihin ko?" tanong nito tsaka mabilis na nagtago sa likod ko. Niyakap niya ako pagkuwa'y ipinatong ang baba sa balikat ko. "Dapat ngayon palang kumikilos ka na kasi baka maunahan ka pa ng iba. Alam mo namang gago si tadhana."   "Sino ba'ng pinag-uusapan nyo?" tanong ko.   "I-- Oh s**t!"   Nagulat ako ng bigla siyang humiwalay sa akin at malakas akong itinulak papunta kay Zhaiken dahilan para mapayakap ako dito.   At dahil hindi naman nito inaasahan ang nangyari ay nawalan ito ng balanse kaya natumba kaming pareho. Nakahiga siya sa sahig habang ako naman ay nasa ibabaw niya at mahigpit niyang yakap.   I didn't know what happen pero nakarinig nalang kami ng sunod-sunod na pagkabasag ng salamin at sigawan sa paligid.   Sinubukan kong iangat ang ulo ko para tingnan ang paligid ngunit agad itong hinawakan ni Zhaiken kaya napasubsob ako sa dibdib niya.   "Don't move." aniya.   "Pero--"   "Ikaw ang target kaya kung hindi ka nila makikita, walang ibang masasaktan sa mga narito."   Nanigas ang buong katawan ko dahil sa sinabi nya. Ibig bang sabihin nito, magsisimula na uli silang habulin ako?   Tama nga ang sinabi nila. Hindi porket nasa pangangalaga ako ng mga Mirchovich ay titigil na sila. Gagawa at gagawa pa din sila ng paraan para makuha ako o mapatay.   Pero hindi pa pwede. Hindi pa ako pwedeng mamatay o bumalik man lang sa impyernong lugar na iyon hangga't hindi ko nababalikan ang kapatid ko.   "Don't worry, Rachelle." Natigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang maramdaman ang marahang paghaplos ni Zhaiken sa buhok ko. "We will protect you. I will protect you no matter what happen."   Bahagya kong inangat ang ulo ko, sapat para makita ko ang mukha niya. "Why? Why are you doing this? Posible kang mapahamak at masaktan dahil sa akin. Baka nga hindi lang ikaw. Madadamay din ang mga kaibigan mo o ang pamilya mo. Kaya bakit? Bakit ganito nalang ang pagprotekta mo sa'kin?"   Bumuntong hininga sya. "Maybe, because I like you."   Nanlaki ang mga mata ko. "W-what?"   "I like you, Rachelle."   Gusto niya ako? Pero paano nangyari iyon gayong dalawang linggo pa lang kaming magkakilala?   "Hey."   May humawak sa magkabilang braso ko at marahan akong itinayo at nakita kong sina Xerem at Zero iyon.   "Mamaya na kayo magkaliwanagan dyan sa feelings nyo." ani Crescent. "Kailangang maibalik sa Hellion Residence iyang si Rachelle."   "Ha? Pero--"   "Just do what I said." madiin nitong sabi at doon ko napansin ang mahabang hiwa sa kanang braso nya. "Parating na ang North Squad at alam mo naman sigurong mahirap silang kalabanin, right?"   Tumango ako pero agad ding napakunot noo. P-paano niya nalaman ang tungkol sa North Squad ng Royal Guards na siyang humahabol sa akin?   "I'll tell you later." Just who the hell is she?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD