Chapter 8.b

1023 Words
Crescent Moon S. Hanley's Pov   Nang makaalis sina Xerem at Zero kasama si Rachelle, pinasunod ko na din sina Zhairell kaya naiwan kami dito nila Cielo at Zhaiken.   Kasalukuyan nang binebendahan ni Cielo ang sugat ko sa braso. Masyado ko kasing minaliit ang mga kalaban ko kanina kaya heto, hindi ko naiwasang masaktan. Si Zhaiken naman ay nagmamasid sa paligid.   Magulo na ang paligid. Nagtumbahan ang mga mesa at upuan dahil sa pagkakagulo ng mga customers. Basag ang mga salamin maging ang ilang display na bote dito sa counter. Ipagpasalamat nalang namin na walang ibang nasaktan maliban sa akin.   "Mukhang kakailanganin kong isara ang cafe." ani Cielo habang pinagmamasdan ang paligid. "Matatagalan pa bago maiayos ang lahat eh."   "Sorry for the trouble, Trein." ani Zhaiken. "Masyado akong naging kampante sa pag-aakalang hindi sila manggugulo muna."   "Hindi ikaw ang sumira sa mga iyan kaya hindi mo kailangang mag-sorry." anito.   "Sa akin? Wala kang planong mag-sorry at nagpasalamat?" taas kilay kong tanong. "Aba, iniligtas ko lang naman ang babaeng gusto mo. Tapos nasakta--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil bigla nya akong pinitik sa noo. "Masakit iyon ah!"   "Yeah, thank you for saving her, Moon. Pero hindi ako natutuwa sa nangyari sayo." singhal niya. "Hindi ka na dapat nakipaglaban nang harapan sa mga iyon lalo na't wala sa kundisyon ang katawan mo. Alam mong ayokong nasasaktan ka."   Nag-iwas ako ng tingin at ngumuso. Aba'y hindi ko naman kasi inaasahan na hindi pipitsuging tauhan ang ipapadala ng mga iyon para habulin si Rachelle. "Sorry naman. Naging kampante kasi ako."   "O baka nanghina ka dahil dyan sa lagnat mo?" sabi Cielo.   Muli akong nag-iwas ng tingin   Yeah, nilalagnat nga ako at kahapon pa ito pero hindi ko sinasabi sa kanila. Nanghihina kasi ang katawan ko kapag ganitong may lagnat ako kaya madalas, ikinukulong nila ako sa kwarto para makapagpahinga.   Eh hindi naman ako tulad ni Zhaiken na kayang manatili sa kwarto ng walang ginagawa kaya pinilit kong kumilos ng normal sa harap nila para hindi nila mapansin.   Aba, ikababaliw ko kapag maghapon lang akong nasa kwarto noh.   Kaso, napansin pa din pala. Tsk.   "Ako na ang tatapos sa mga iyon." sabi ni Cielo tsaka hinablot ang isang sniper gun na nakuha ko sa kalaban kanina. "Tatlong sasakyan ang parating at mukhang diretso silang susugod dito." Itinayo niya ang isang mesa at ipinatong doon ang sniper gun. "Tawagan nyo na sina Tita Zaire para maasikaso ang mga nangyari dito."   Hindi naman kasi namin ito pwedeng i-report sa mga pulis dahil siguradong magkakagulo ang mga media dito.   And knowing that kind of person, they will really investigate everything related to this incident and we cannot let that happen.   Maliban sa masyadong malakas ang kalaban namin na posibleng ikapahamak lang nila ay baka magkagulo pa sa syudad na ito.   Agad namang kumilos si Zhaiken habang ako ay pinanood ang pagdating ng tatlong sasakyan pero hindi pa man ito nakakarating sa intersection na malapit dito sa cafe ay sunod-sunod itong sumabog.   "Eh?" Agad akong lumabas tsaka iginala ang tingin sa paligid at sa 'di kalayuan ay nakita ko si Crolhaine, kasama ang mga men in black ni Tito Cross na mukhang silang dahilan ng pagsabog ng mga sasakyang iyon.   May hawak lang naman kasing rocket launcher ang babaeng iyon.   Kumaway pa sa akin si Crolhaine bago sinenyasan ang mga kasama at sumakay na sila sa van na malapit sa kanila.   Iyon siguro ang sinasabi niya sa akin noong nakaraan na pre-caution niya kung sakaling may hindi magandang mangyari.   "Hindi man lang ako tinirhan." naiiling na sambit ni Cielo. Sinimulan na niyang kalasin ang sniper gun tsaka sinilid sa isang bag. "Mauna na kayo sa Hellion. Parating na naman sina Tito Phoenix kaya ako na ang bahala dito."   "Sigurado ka? Baka may back up pa sila." sabi ko.   "Kung meron man, siguradong aatras na din sila matapos ang nangyari sa mga kasama nila. At isa pa, wala na dito ang target nila." ani Zhaiken tsaka ako biglang binuhat.   "Hoy! Braso ko ang may sugat kaya makakapaglakad ako ng maayos."   "Shut up, Moon." singhal niya. "Nanginginig na nga ang mga tuhod mo kaya tigilan mo yang pagpapanggap mo."   Napasimangot nalang ako.   Mukhang nababawasan ang galing ko sa pag-arte, huh.   Lahat nalang kasi napapansin nila ngayong araw kaya hindi na nga nakakapagtaka kung pag-uwi sa Hellion, eh talagang ikukulong nila ako sa kwarto hanggang sa gumaling ako.   Sigh.   Kung kailan kailangang kumilos, tsaka pa ako nagkasakit. Ibang klase din talagang kumilos ang pesteng tadhanang ito. Tsk.   **********   North Squad Leader's Pov   Makailang mura ako nang makabalik kami sa base namin.   Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang protektahan  ng mga taong iyon ang isang babaeng wala namang kinalaman sa kanila.   Ni hindi nga nila kilala ang buong pagkatao ng babaeng iyon at kung anong ginawa niya para makaalis sa lugar kung saan siya nanggaling.   Marahas kong ibinato ang hawak kong cellphone at ikinuyom ang aking mga kamao.   Hindi maaari ito. Hindi maaaring ang isang tulad lang niya ang sisira sa reputasyong pinanghahawakan namin.   Hindi ako makakapayag na maging banta pa siya kaya kailangan niyang mamatay bago pa makabalik si Jin.   Bumaling ako sa mga tauhan ko. "Ihanda nyo ang lahat ng kakailanganin natin."   "Anong plano, boss?" tanong ng isa.   "Hindi maaaring lumipas ang gabing ito nang hindi namamatay ang babaeng iyon." madiin kong sabi. "Kaya ihanda nyo ang lahat ng armas. Susugod tayo."   Nanlaki ang kanilang mga mata nang marinig ang aking sinabi.   "Pero boss." Tumayo ang isa pa sa tauhan ko. "Off limits ang lugar na iyon. Maliban sa tayo ang posibleng mapahamak dahil hindi basta-basta ang teritoryong papasukin natin, baka makasama pa ito kay Jin."   "Oo nga naman, boss." sabi pa ng isa. "Hindi ba't isa sa mahigpit na bilin ni Jin ay huwag nating babanggain ang mga nakatira sa lugar na iyon?"   Masamang tingin ang ibinaling ko sa kanila. "Sa tingin nyo ba ay may pakialam ako sa kanila? Wala!" Ikinasa ko ang aking baril at agad iyong itinutok sa kanila. "Ang mas mahalaga ngayon ay madispatsa ang babaeng iyon."   Hindi na ito dapat pang makarating kay Jin dahil kaya itong solusyunan ng Royal Guards. Kaya itong solusyunan ng North Squad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD