Chapter 9

1132 Words
Zhaiken Rhald X. Mirchovich's Pov   Tulad ng inaasahan, pag-uwi palang namin ay ikinulong agad ni Mommy at Tito Midnight si Crescent sa kwarto ko. Kapag kasi talaga may lagnat ang isang iyon, humihina ang resistensya niya na nagiging dahilan kung bakit lalo siyang nagiging prone sa iba pang sakit kaya ikinukulong namin siya para masigurong hindi na lalala ang sakit niya.   At dahil pasaway din ang babaeng iyon, pinabantayan namin siya kay Crolhaine para masigurong hindi ito tatakas. Sa'ming magbabarkada, ito lang ang may kayang maramdaman ang presensya ni Crescent.   Habang si Rachelle naman ay pinagpahinga muna namin.   "Isasara muna ang C2'z Cafe." bungad sa amin ni Ceila pagdating niya.   Dahil nga sa nangyari kanina, naisipan ng barkada na tumambay dito sa bahay namin. Dito kami sa garden nakapwesto dahil marami-rami din kami.   "Ang sabi ni Mommy, hindi na napigilan ang paglabas ng nangyari sa public kaya binawalan din muna kaming pumunta doon." dagdag nito. "Sila nalang daw ni Daddy ang bahalang mag-asikaso nito."   "Hindi pala talaga madali ang sitwasyon ni Rachelle noh." ani Samara. "Kahit saang lugar siya pumunta, posibleng kumilos ang mga kalaban kahit pa may ibang madamay."   "Ang Hellion Residence lang ang hindi nila mapapasok kaya hangga't hindi siya lumalabas dito, mananatili siyang ligtas." sabi ni Rhailey. "Pero alam nating lahat na hindi natin siya pwedeng itago lang dito habang buhay."   "Why not? Kumpleto sa facilities ang buong Hellion Residence. Wala na siyang aalalahanin pa." sabat ni Seiren.   "Hindi siya pwedeng magtagal dito." ani Zhairy na ikinalingon naming lahat sa kanya. "May pamilya pa siya na naghihintay sa pagbabalik niya."   "What? Akala ko mag-isa nalang sya sa buhay." sabi ni Trick.   Umiling ako. "May kapatid pa siya. At siguradong madadamay ito kung babalik siya sa ganitong sitwasyon. Wala silang kakayahang protektahan ang sarili nila at wala din silang pang-hire ng mga taong po-protekta sa kanila."   "Sigurado ding may nakabantay na sa kapatid niyang iyon dahil inaasahan nilang babalik si Rachelle dito sooner or later." sabat ni Lux. "Kaya kung talagang gusto nyong mabuhay iyang si Rachelle at walang napapahamak sa atin, huwag nyo nang hayaang lumabas sya dito."   Pero tulad nga ng sinabi ni Zhairy, hindi din pwedeng magtagal si Rachelle dito gayong may kapatid itong naghihintay sa pagbabalik niya. At sa mga nangyari kanina, siguradong iniisip na din nitong puntahan ng kapatid.   At iyon ang kailangan kong paghandaan. Wala akong planong hayaang mapahamak ang babaeng gusto ko.   Yeah, I like Rachelle. I don't exactly know how, when and why. I just did kahit halos dalawang linggo ko palang naman siyang kilala at nakakasama.   But, hindi naman basehan ang tagal ng pinagsamahan namin para lang magustuhan ko sya, right?   That's why no matter what happen, I will make sure that she's safe. May tulong man ng barkada at ng mga magulang namin o wala.   "Guys, we need to think the most effective ways para masigurong ligtas ang babaeng iyon." sabi ni Zhairy. "Gusto ni Kuya iyon at sapat na iyong dahilan para ibigay natin ang 100% support natin, right?"   "Yeah." sang-ayon ng lahat na ikinakunot ng noo ko. What the hell are they talking about?   Inakbayan ako ni Shaelan. "Alam mo, dude. May usapan kasi ang barkada na hindi mo alam dahil hindi ka naman madalas lumabas ng kwarto mo."   "Anong usapan?"   "If one of us is seriously fall in love with someone, the whole gang will do everything to protect and help that someone with all we can because protecting him/her means protecting our friend's happiness." paliwanag ni Xerem. "At dahil ikaw ang unang na-in love sa isang taong hindi kabilang sa barkada, asahan mong kasama mo kami sa pgprotekta kay Rachelle."   "But of course, may kapalit iyon." sabat ni Cloud na tinanguan ng lahat.   Bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Kapag ang batang ito ang nagsasalita, pakiramdam ko pahihirapan ako. "A-anong kapalit?"   Pinakatitigan niya ako pagkuwa'y ngumisi na lalo kong ikinakaba. Sa ngisi niyang iyon, siguradong hindi nga iyon magiging madali. "We just want to know how Zhaiken Rhald Mirchovich confess his feelings."   "What?"   "You heard him, Kuya." natatawang sabi ni Zhairy. "Masyado ka ding malihim at hindi showy sa nararamdaman mo kaya gusto naming makita kung paano ka nga ba mag-confess."   "Oo nga." sang-ayon ni Zhairell. "Noong nag-confess at nanligaw ka kay Lyca, hindi namin nakita kasi lagi mo siyang sinosolo. Kapag kaharap mo naman kami, hindi ka din nagpapaka-sweet sa kanya."   Napaiwas ako ng tingin.   Hindi nga ako showy sa nararamdaman ko. Mas gusto ko kasi na kung magpapaka-sweet man ako sa babaeng gusto ko ay iyong kaming dalawa lang. Not that I don't want them to see. Wala lang talaga sa personality ko at nahihiya akong makita nila ang side kong iyon lalo na't malalakas mang-alaska ang mga ito.   "You don't have any choice, Ken." ani Marhia. "Go upstair and confess your fellings to her."   "At nasa paligid lang kami habang pinapanood ka." Hinila ako ni Aether patayo tsaka itinulak. "Sige na! Walang torpe sa mga anak ng Chess."   Napailing nalang ako at pumasok na nga sa loob ng bahay. Mukhang wala nga akong choice. And besides, simpleng bagay lang naman ito kumpara sa mga kaya nilang gawin para protektahan ang babaeng gusto ko.   Akma na akong kakatok sa pintuan ng kwarto ni Rachelle nang bigla itong bumukas. "H-hey."   "Oh? May ipapagawa ka ba?" bungad niya. "Papunta palang ako sa office mo para tingnan kung may mga dumating bang e-mails."   "Pinagpapahinga kita, di ba?"   Napakamot siya ng ulo. "Hindi kasi ako mapakali kaya naisipan kong magtrabaho nalang para maiwasan ko ang pag-oover thinking."   "Did what happen earlier scares you?" I worriedly asked. When I got home, I never had a chance to ask her about how she feel because I was too focused on Crescent who's wounded that time.   She shook her head. "I am used to it. Hindi iyon ang unang beses na pinaulanan nila ako ng bala. Ahm, actually..." Kinagat nila ang pang-ibabang labi niya at nag-iwas ng tingin sa akin. "Nag-aalala ako kay Crescent. Nasaktan siya sa pagliligtas sa akin at hindi ako mapakali hangga't hindi siya gumagaling. Plus, I still have so many questions for her but I know that I can't ask her now because she needs to rest first."   "Rachelle, that brat is perfectly fine. Just a few days rest, she may get out of my room." sabi ko. "And don't feel guilty about what happened. It's not your fault."   "But--"   "No buts, Ms. Garcia." I cut her off. " Hindi ikaw ang bumaril sa kanya and it was her choice to save you. Just thank her for what she did, okay?"   "Will that be enough?"   "Of course not." Sabay kaming napalingon sa katapat na kwarto kung saan nakabukas ang pintuan at doon nakatayo si Crescent. "A simple thank you for this painful wound is not enough."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD