Zhaiken Rhald X. Mirchovich's Pov
"A simple thank you for this painful wound is not enough." sambit ni Crescent nang bumukas ang kwarto kung nasaan siya.
"Moon." Pinandilatan ko siya ng mata. Wala talagang sinasanto ang kagulangan ng isang ito. Alam naman niya ang sitwasyon ni Rachelle eh. Tsk.
Bumaling siya sa akin at ipinakita ang kamao. "Huwag mo akong pandilatan dyan at baka dukutin ko iyang mata mo. Just shut the f**k up because this will be our little talk."
Hindi na ako nagsalita. I know when to shut my mouth and now is that time.
Muli niyang ibinaling ng tingin kay Rachelle. "Now, just like what I said, your simple thank you won't be enough so you need to do something for me."
"Okay. I will do anything." Rachelle immediately answer and it makes me nervous.
Crescent is a brat. A cheeky and annoying brat at times.
Tumango si Crescent. "Good. You will be staying inside this room with me hanggang sa gumaling na ako at payagan nilang makalabas."
"What?" I looked at her surprisingly. Anong plano ng babaeng ito?
She look at me and smirk. "Well, ikaw lang naman ang nagsabi kina Daddy na ikulong ako dito so para may kasama ako sa parusang ito, idadamay kita." Hinawakan niya ang kamay ni Rachelle at hinatak ito papasok sa kwarto. "She's mine until Dad let me get out of this room so you can't have a chance to talk her. Ciao."
I was about to get Rachelle from her but Crolhaine blocked my way.
"Sorry, Ken. That's the only way para manatili siya dyan sa loob or else, pare-pareho tayong mamomroblema kapag tumakas iyan." aniya tsaka muling pumasok sa loob at isinara agad ang pintuan bago pa ako makahabol.
"Ay. Kill joy na naman si Moon." ani Zhairy na nakalapit na pala sa akin tsaka ako inakbayan. "Hindi ka man lang binigyan ng pagkakataon para makapag-confess ng maayos."
"Tss." Inis kong ginulo ang buhok ko tsaka bumuntong hininga. "That brat. Kapag talaga hindi nasusunod ng gusto, nandadamay siya."
"At ikaw ang madalas nyang idamay." natatawang sabi ni Zhairell. "Well, just like what Ara said. Iyon lang ang way para manatili siya sa loob kaya hayaan na natin. Tsaka ka nalang uli humanap ng pagkakataon para magkaliwanagan kayo ng feelings."
Muli akong bumuntong hininga. "As if I have a choice."
"Tara na nga sa labas." Hinila na nila ako palabas at wala akong nagawa kundi tanawin nalang ang pintuan ng kwarto ko kung nasaan sina Rachelle.
**********
Someone's Pov
"They're protecting her." sabi nya habang nakatitig sa hawak na baril. "And they killed 20 of my men."
"Because you underestimate them." asik ko. "You made your own move without us knowing anything about it. They were also trained how to protect everything they want to protect kaya natural lang na hindi uubra sa kanila ang mga ganyang kilos!" Ibinagsak ko ang sariling katawan sa swivel chair tsaka hinilot ang sentido.
I'm sure, that woman didn't tell them anything and that makes this situation hard for us. We can't kill them because we don't have enough reason to do so.
"Siguradong magwawala si Jin kapag hindi pa din natin naayos ito bago siya makabalik. That woman is really pain in the ass."
"Anyway, I already got her real identity." Pumasok ang isa pa sa mga kasamahan namin at inilapag sa mesa ko ang folder na kanina ko pa hinihintay. "Naimbestigahan ko na din ang buong pagkatao niya kaya baka makakuha ka na ng lead kung paano mapapaamo ang isang iyon."
Sinimulan kong basahin ang laman ng folder pero wala akong makitang makakatulong para mapabalik ang babaeng iyon.
Tsk. Ordinaryong tao lang ang babaeng iyon pero malakas ang epekto niya sa mga taong iyon to the point na pinoprotektahan nila ito laban sa amin.
"Who's this girl?" Iniharap ko sa kanila ang litrato ng isa pang babae na kasama sa laman nitong folder. "Is she related to her?"
"She's her sister. Pinamamanmanan ko na iyan sa mga tao ko pero mukhang hindi pa din siya nagpapakita diyan." aniya na tinanguan ko.
Pamilyar ang mukha ng isang ito kaya pinakatitigan ko ang litrato nito hanggang maalala ko ang isang folder na ipinasa sa akin kaninang umaga.
Agad kong kinuha iyon at binuklat tsaka inilabas ang isa pang litrato na narito. Itinabi ko ito sa naunang hawak ko at napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang mga ito.
"Mukhang alam ko na kung paano mapapalabas ang babaeng iyon sa pinagtataguan niya." sabi ko tsaka inilapag sa mesa ang mga pictures para makita ng mga kasama ko. "At siguradong siya pa mismo ang babalik dito kapag nalaman niya ang tungkol dito."
"So, ano na ang magiging plano?"
"Sunduin na ang mga new students. We will having early opening ceremony for this school year."
**********
Crescent Moon V. Hanley's Pov
"Moon." Bumaling ako kay Crolhaine tsaka niya iniharap sa akin ang screen ng cellphone niya. "Gusto ka niyang makausap."
"May problema ba?"
"Siya nalang ang magsasabi sayo." Iniabot niya sa akin ang phone at saglit na tumingin kay Rachelle na natutulog na sa kama. "It is something to do about her."
Kinuha ko ang cellphone tsaka pumasok sa loob ng cr. Mas mabuting mag-ingat. "Anong balita?" tanong ko sa nasa kabilang linya.
"You need to contain this information, Moon. Dahil kapag nalaman ito ni Rachelle ay siguradong hindi siya magdadalawang isip na bumalik sa amin,"
"Is it about her sister?"
"Yeah." aniya. "Just like she did, nag-enroll din dito ang kapatid niya. Alam na iyon ng Royal Guards at planong gamitin ang babaeng iyon para kusang loob na bumalik si Rachelle dito. East's Guard are on their way to fetch the girl."
If they get the girl and Rachelle knew it, doon na magsisimula ang problema namin.
"Kapag bumalik na siya dyan, siguradong papatayin na siya ng mga ito dahil sa gulong ginawa niya. Buhayin man siya ng Royal Guards, hindi naman siya makakaligtas sa mga royal bloods na nakakaalam na ng pagkatao nya." At talaga nga namang hindi magpapatalo ang mga iyon. Gagawa talaga sila ng paraan para sa lahat ng gusto nila. Tsk.
Danm that man for creating that kind of policy inside that place.
"Iyon na nga ang mangyayari sa kanya kaya kung talagang gusto nyong protektahan ang babaeng iyan, huwag nyo siyang hahayaang lumabas." sabi pa nito. "Dahil kapag may nangyaring masama sa kanya o bumalik siya dito, sigurado ding iyon na ang oras na kakailangan mong bumalik dito."
Mapait akong ngumiti. "So, tama pala talaga ang kutob ko. Ang babaeng iyon ang magiging dahilan kung bakit ako babalik dyan."
"That's why you need to be more careful when she's around. Alam nating lahat na may maaapektuhan na kung mamamatay iyan."
Bumuntong hininga ako nang maalala ang sitwasyon ngayon.