Crescent Moon S. Hanley's Pov
Who would have thought that she will catch Zaiken's attention. Yeah, she's nice and simple, some qualities na gusto ng lalaking iyon sa isang babae pero halos dalawang linggo palang silang magkakilala. And now, he's ready to protect her whatever happens.
At dahil gusto ni Zhaiken ang babaeng iyon, hindi din magdadalawang-isip ang buong barkada para tumulong sa pagprotekta dito.
"You need to ready yourself, Moon." muli syang sabi. "I just had this feeling that in no time, you will be force to go back here."
"Same here. Kaya ihanda mo na din ang lugar na iyan para sa pagbabalik ko. If that will happen, sisiguraduhin kong sa taong ito matatapos ang lahat." Pinatay ko na ang tawag tsaka lumabas ng cr at kumunot ang noo ko nang makitang wala na sa kama si Rachelle. "Where she is?" tanong ko kay Crolhaine.
"Pupunta lang daw siya sa kusina para uminom ng tubig. Bigla daw kasi siyang kinabahan."
Tumangu-tango ako at naupo sa kama. "May rason naman talaga para kabahan siya."
"What she said?" Naupo siiya sa tabi ko.
"They got her sister at kung malalaman ito ni Rachelle, mawawalan ng saysay ang pagpotekta natin sa kanya dahil siguradong siya na mismo ang babalik doon."
"And that only means, she will be dead in no time."
"Maybe yes. Maybe no. Depende sa magiging desisyon ng lalaking iyon." Muli akong bumuntong hininga tsaka ibinagsak ang sarili sa kama. "Kung bakit ba kasi hindi nalang niya ginamit ang red wall. Eh di sana, hindi siya hinahabol ng mga iyon."
"Red wall is safe from Royal Guards pero alam mo namang madalas magmanman doon ang ilang royal blood dahill doon nila nalalaman kung sino ang mga target nilang nagpapanggap lang." sagot niya. "Curse the one who create that damn rules."
Napabangon ako nang ma-realize ang isang bagay.
Posible naman naming gawin iyon since gusto ni Zhaiken si Rachelle and I think, it's vice versa. Maybe that way, hindi na siya hahabulin pa ng Royal Guards and no one will treathen her life.
Bumaling ako kay Crolhaine. "Puntahan mo sila Zhaiken at Rachelle. Nakaisip na ako ng permanent way para matapos ang problema natin kay Rachelle."
Kumunot ang noo niya. "At ano naman iyan."
"Just get them. I will explain later." Tinulak ko na siya kaya wala na siyang nagawa kundi lumabas ng kwarto.
Tumayo naman ako at nag-inat tsaka naglakad papunta sa balcony.
Ang magiging problema nalang namin ngayon ay ang kapatid ni Rachelle. Siguradong hindi din ito papayag na hayaan lang itong manatili sa loob ng impyernong lugar na iyon para sa mga tulad nila. Alam niya ang posibleng mangyari sa kapatid niya kaya talagang gagawa siya ng paraan para makuha ito doon.
"Moon." Napalingon ako sa pintuan at nakita kong nandoon si Lax, anak nila Tito Nixon (Fourth ng Chess player's underling) at Tita Lava (Winter ng 4Season). "Tara sa garden. Nandoon silang lahat."
"Palalabasin nila ako dito?" tanong ko na agad niyang tinanguan. "Cool."
"Importante ang sasabihin mo kaya pumayag na sila." Iniabot niya sa akin ang jacket niya na agad ko namang sinuot. "Isa pa, kumpleto ang barkada kaya hindi kami kakasya kung pupunta pa dito."
"Then, let's go." Nauna pa akong maglakad palabas sa kanya at naabutan ko nga sa garden ang buong barkada. "Yo! Kamusta naman ang buhay?"
"Patawa si Moon." naiiling na sambit ni Railey. "Wala pang isang oras nang ikulong ka sa kwarto."
"Oh? Pakiramdam ko kasi inabot na ako ng isang linggo doon." Naupo ako sa tabi ni Zhaiken. "Si Rachelle?"
"Pinuntahan pa ni Crolhaine." sagot ni Cloud. "So, ano ba itong naiisip mong permanent solution?"
"Marraige." sabi ko na ikinakunot ng noo nila. "Royal Guards keep trying to kill her because she's a black blood so if ever she marry someone who's royal blood then they will stop pursuing."
"She will become royal blood after the marraige." ani Cloud. "That way, mawawalan na sila ng rason para habulin siya."
"Exactly."
"Wait." sabat ni Zhairell. "I don't get it. What do you mean by black blood?"
Nagkatinginan kami nila Zhairy at Cloud. Hindi ko alam kung dapat ko na nga ba itong sabihin pero mukhang wala na din naman kaming choice lalo na kung ipu-pursue ko ang planong ito.
"Just tell them, Moon." ani Zhairy. "There's no harm kung sa atin manggagaling."
Tumango ako. "Fine. I will tell you everything."
"Moon!"
Napalingon kami kay Crolhaine na kararating lang dito sa garden at bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
"Nawawala si Rachelle."
"Ano?" Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Paanong nawawala?"
"Hinalughog ko na ang buong bahay pero hindi ko pa din siya makita." Aniya. "At nakita ko ito sa kwarto niya." Iniabot niya sa akin ang isang cellphone na agad ko namang kinuha at binuksan. "Nakarating na sa kanya ang sitwasyon ng kapatid niya."
Damn it! Hindi ko akalaing ganito na kabilis kumilos ang north squad ng Royal Guards.
"Hindi pa siya nakakalabas ng Hellion. As of now, kalalagpas palang niya sa bahay nila Tito Seiya." Lumingon ako kay Zhairy na hawak ang cellphone kung saan nakakabit ang cctv sa buong residence. "At kung aalis tayo ngayon, posible pa natin siyang maabutan bago makalabas ng Hellion."
"Then, what are we waiting for?" Nauna nang tumakbo papunta sa garahe si Zhaiken.
Nagtinginan muna kami ng buong barkada at walang pagdadalawang isip na tumango tsaka tumakbo sa kanya-kanyang bahay para kunin ang mga kotse. Kailangan naming masundan agad si Rachelle at mapigilang makalabas ng residence dahil siguradong oras na itapak niya ang mga paa niya sa labas nito ay hindi na magdadalawang isip ang royal guards na patayin siya agad.
"Sana lang ang East squad ang nakabantay sa labas nitong Hellion." ani Cloud na siyang kasama ko dito sa kotse. "Dahil kung sila ang unang makakakita kay Rachelle, makakasiguro tayong bubuhayin nila ito at dadalhin sa RU. Pero kung ang North Squad ang nasa labas, magsimula na tayong kabahan. Alam nating dalawa kung gaano kahalang ang kaluluwa ng mga nasa squad na iyon." Bumaling siya sa akin. "Sinabi ba niya sayo kung sino ang nagbabantay sa labas?"
Umiling ako. "Pero nabanggit niya na ang West at East squad ang nagpapalitan sa pagmamanman. Pero alam mong hindi din madalas sumunod sa utos niya ang North squad at gagawin nito ang tingin niyang makakapagbigay sa kanila ng higit na pagkilala mula kay Jin."
Bumuntong hininga sya. "They can't kill her. Hindi nila pwedeng patayin ang babaeng iyon dahil siguradong masasaktan at malulungkot si Kuya Ken."
"Yeah. That's why we need to stop them." Madiin kong hinawakan ang manibela. "Hindi ako makakapayag na iparanas nila kay Ken ang hirap na dinanas ko noon sa mga kamay nila. Hindi na ako papayag." Binilisan ko ang takbo ng kotse hanggang sa magawa kong makapantay kay Zhaiken.
I won't let them.