Chapter 10

1066 Words
Zhaiken Rhald X. Mirchovich's Pov   Damn it! Hindi ba talaga siya nag-iisip? Ikamamatay niya ang biglaang pagkilos eh.   "Kuya, calm down." ani Zhairell na siyang nakaupo sa passenger seat nitong kotse ko. "Baka tayo pa ang mapahamak kung hindi ka kakalma at magmamaneho ng matino."   "She's right, Kuya." sabi ni Zhairy na nasa back seat naman. "At kapag tayo pa ang napahamak, talagang hindi na natin maaabutan si Rachelle."   Doon ko napansin na masyado na palang mabilis ang pagmamaneho ko at hindi na steady ang daang tinatahak ng kotse. Sa paligid naman namin ay ang kotse ng barkada na animo'y inaalalayan kami kaya agad kong ikinalma ang sarili ko at bahagyang binagalan ang takbo ng kotse.   They're right. Baka nga kami pa ang mapahamak sa ginagawa ko at ako pa ang maging dahilan kapag hindi namin naabutan at nailigtas si Rachelle.   "We will make it in time." sabi pa ni Zhairy. "Wala siyang dalang sasakyan kaya magagawa natin siyang maabutan bago siya makalabas."   "Pero malayo-layo na din ang narating niya." sabi ko.   Masyadong malawak ang Hellion Residence at kung ang tatahakin ay ang mga main road, aabutin pa ng 10-15 minutes bago marating ang main entrance nito    Pero kung ang mga shortcut naman ang gagamiting daan, aabot lang ng 9-10 minutes at ang mga shortcut na iyon ay hindi kayang daanan ng mga kotse dahil makitid ang kalsada nito. At iyon siguro ang ginamit ni Rachelle.   "We're still have time, Kuya." ani Zhairell. "Nasa control room na si Cloud and he locked the main gate so that Rachelle couldn't leave Hellion."   Muli akong huminga ng malalim. At itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.   Hindi ko naman kasi maintindihan si Rachelle.   Oo, mahalaga sa kanya ang kapatid niya pero hindi ba nya naisip na kung mamatay sya ay hindi nya magagawang mabawi ang kapatid nyang iyon?   Tsk. Kung kailan may naisip na kaming paraan para tuluyang mawala ang banta sa buhay niya tsaka pa siya magkakaganito. Aish!   Nang marating namin ang main gate ay nakita ko agad si Rachelle na umiiyak habang pilit binubuksan iyon. Agad akong lumabas ng kotse at tumakbo palapit sa kanya. "Rachelle."   Lumingon siya sa akin at agad lumapit. "Ken, please. Buksan nyo ang gate. Kailangan kong lumabas. Mapapahamak ang kapatid ko kapag hindi ko sya napuntahan agad."   "Calm down, Rachelle." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Calm down first and tell me everything para matulungan kita."   Umiling sya. "Hindi pwede. Kapag sinabi ko, pati ikaw, papatayin nila. That's the rules for us being black blood."   "Pero ikaw ang mamamatay kapag tumapak ka sa labas ng gate na iyan. At kapag nangyari iyon, lalong hindi mo maililigtas ang kapatid mo."   Natigilan siya pagkuwa'y humagulgol na ng iyak. "I-it's my fault. A-ako ang nakaisip ng ideya para pumasok doon sa pag-aasam na magkaroon ng maayos na buhay pero hindi ko akalaing ilalagay lang nito ang buhay ko sa panganib. Tapos-- tapos ngayon, nadamay pa ang kapatid ko."   "Stop crying, you stupid." Pareho kaming napalingon kay Zhairy na nakalapit na pala sa amin. "Walang magagawa ang pag-iyak mo para iligtas ang kapatid mo."   "T-then, what am I supposed to do? Hi-hindi ko pwedeng pabayaang mapunta sa lugar na iyon ang kapatid ko." ani Rachelle.   "I know. Pero sa ngayon, kailangan muna nating gumawa ng paraan para hindi na nila pagtangkaan ang buhay mo kahit pa lumabas ka dito." sabi nito tsaka bumaling sa akin.   Tumango naman ako at bumaling kay Rachelle. "Tulad ng sinabi ni Moon, pinagtatangkaan nila ang buhay mo dahil isa kang black blood kaya iyon ang dapat nating baguhin. Kailangan mong maging royal blood."   Kumunot ang noo nya. "P-paano mangyayari iyon? Alam kong pinaimbestigahan nyo na ang buong pagkatao ko kaya siguradong alam nyong galing lang ako sa mahirap na pamilya. Hindi kabilang sa kahit na anong mayamang angkan kaya paano ako magiging ro--"   "Marry me."   Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko. "W-what?"   "You have to marry me, Rachelle. That way, magiging royal blood ka at mawawalan sila ng dahilan para patayin ka." sabi ko. "At doon ka mas magkakaroon ng pagkakataon para mailigtas ang kapatid mo."   "Pa-papakasalan kita? Are you insane?" Umiling-iling siya. "Malaki na ang naitulong nyo sa akin at sobra-sobra na ito kung aabot pa tayo sa ganoong sitwasyon. Marraige is too sacred para gamitin lang natin sa problemang ko."   "Hindi lang naman ito tungkol sa kaligtasan mo, Rachelle." sabat ni Zhairy. "Gusto ka ni Kuya at alam kong kahit na sandaling panahon palang kayong magkasama, sigurado sya sa nararamdaman niya kaya advantage din niya ang kasal na ito. At dahil nga gusto ka niya, handa siyang gawin ang lahat para lang masiguro ang kaligtasan mo.   "Please, Rachelle." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "This is the only way. Hindi ko kakayanin kapag napahamak ka."   Pinakatitigan niya ako. Wari'y pinag-iisipan kung dapat nga ba niyang tanggapin ang alok ko.   At pinagdadasal ko na sana ay pumayag sya because just like what I said, this is the only way para tigilan na siya ng mga nagtatangka sa buhay nya. This is the only way para maging ligtas siya.   And after this, tsaka namin pag-iisipan kung paano naman ililigtas ang kapatid niya dahil alam kong hindi din siya makakapayag na mapabayaan ito sa lugar na sinasabi niya.   Bumuntong hininga siya tsaka pinunasan ang mukha. "Okay." Diretso syang tumingin sa akin. "Pa--"   "Oh s**t!"   Hindi ko alam kung anong nangyari kaya nagulat nalang ako nang bigla kaming itulak ni Zhairy kasabay nito ang ilang putok ng baril. Malakas ang pagkakatulak sa amin kaya agad kong niyakap si Rachelle bago pa kami matumba. Ako ang nakahiga sa lupa at nasa ibabaw ko naman si Rachelle.   "Itago mo siya, Kuya." sigaw ni Zhairy.   Agad tumayo si Rachelle at inalalayan akong makatayo dahil hindi din biro ang bagsak ko kanina at nang akma na sana kaming tatakbo palayo sa gate ay nagsimulang tumigil ang mundo ko nang makita ang pagbagsak ni Rachelle sa mismong harap ko.   "R-Rachelle." Lumuhod ako at doon ko nakita ang pagdudugo sa likod at hita nya. "s**t!" Inalalayan ko syang makabangon at isinandal sa braso ko. "Rachelle."   "K-ken."   Lumingon ako kina Zhairy at nakita kong nakikipagbarilan sya sa sinumang nasa itaas ng mataas na pader ng Hellion Residence. Kasama na nya sina Crescent at Crolhaine habang palapit naman sa amin sina Zhairell at Marhia. Muli kong ibinalik ang tingin kay Rachelle. "Stay still. Parating na sila Rhia para gamutin ka."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD