Chapter 10.a

1146 Words
Zhaiken Rhald X. Mirchovich's Pov   Damn it! Bakit ba naging ganito ang sitwasyon?   Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito. Naghahalo-halo ang emosyon sa dibdib ko at pakiramdam ko ay sasabog nalang ito bigla.   Kinakabahan ako dahil base sa tama ng bala sa katawan ni Rachelle ay masasabi kong malala ito.   Nag-aalala ako dahil nakita ko ding nagdudugo ang braso ni Zhairy at patuloy pa din silang nakikipagbarilan. Nagagalit ako sa mga nanakit sa taong gusto ko at natatakot ako.   Natatakot akong mawala sa akin si Rachelle dahil sa kapabayaan ko.   "Ken, itagilid mo si Rachelle." sambit agad ni Marhia nang makalapit sa amin. Agad ko itong sinunod pagkuwa'y sinimulang i-check ang sugat ni Rachelle. "Malalim ang sugat kaya kailangan siyang madala sa ospital para operahan." Hinawakn niya ang kamay ko at inilagay doon ang puting tela tsaka inilapat sa sugat nito. "Lagyan mo ng pressure para tumigil ang pagdudugo." Sinimulan naman niyang balutan ng puting tela ang sugat sa binti nito.   "Rhia. Ang sabi ni Ate Klari, sa clinic nalang daw dalhin si Rachelle at siya na ang gagawa ng procedure." sabi ni Zhairell na mukhang kausap ni Klari sa cellphone. "Baka hindi kayanin kapag itinakbo pa sa labas."   "Sige." Bumaling sa akin si Marhia. "Buhatin mo na siya. Kailangan nating magmadali."   Tumango ako at binuhat si Rachelle habang nakaalalay naman si Marhia para pigilan ang pagdudugo ng sugat nito. Tumakbo kami papunta sa kotse ko at sa back seat kami naupo.   "Lagyan mo ng pressure sa magkabilang sugat." utos muli ni Marhia nang magsimulang umandar ang sinasakyan namin na agad ko namang ginawa.   "K-ken."   "Ssshh. Huwag ka nang magsalita dahil makakasama iyan sayo." Kapag kasi nagsasalita siya o kahit kaunting pagkilos ay lalong lumalakas ang paglabas ng dugo mula sa mga sugat niya.   Umiling sya at bakas na ang matinding paghihinga. Patuloy din ang pag-agos ng luha niya. "H-hindi na ako aabot."   "Shut up." madiin kong sabi. "Hindi ka pwedeng mamatay, Rachelle. Pumayag kang magpakasal sa'kin, 'di ba? Pumayag ka, 'di ba? Kaya kailangan mong lumaban. Kailangan mong mabuhay. Tapos-- tapos ililigtas pa natin ang kapatid mo, 'di ba?"   Ngumiti siya. "D-dahil hindi legal ang paraang ginawa ko para makaalis sa lugar na iyon, hindi na nakakapagtakang pilit akong hinahabol ng mga taong iyon. Nilabag ko ang rules nila kaya gusto nila akong patayin."   "Stop talking, please."   Muli siyang umiling. "I need to tell you this. Please, just listen to me. A-ayokong pagsisihan ang lahat ng ito sa kabilang buhay."   "Hindi ka mamamatay." Nagsisimula na din akong maiyak dahil sa ikinikilos niya. Para bang siya na mismo ang nagsasabi na hindi na talaga siya magtatagal. "Please, Rachelle. Hindi ka pwedeng mamatay."   "K-ken, m-matagal na sana akong namatay pero dahil sa tulong nyo, tumagal pa ang buhay ko ng dalawang linggo." Hinawakan niya ang kamay ko habang ang isa ay sa pisngi ko. "At ang dalawang linggong iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ko." Umiling siya. "Hindi pala. Sa dalawang linggong iyon lang ako naging masaya sa buong buhay ko at dahil iyon sayo."   "Rachelle." Patuloy pa din ang pag-agos ng dugo mula sa sugat niya at hindi ko na iyon magawa pang pigilan pa dahil patuloy siya sa pagsasalita kaya nagsisimula na akong matakot sa mangyayari sa kanya. Ayaw niyang magpapigil kaya wala akong magawa kundi ang umiyak at makinig sa mga sinasabi niya.   "Z-Zhaiken Rhald Xermin-Mirchovich. I--I like you. I like you so much at ayoko pang mamatay dahil gusto pa kitang makasama per-- pero h-hindi ko na ka-kaya. A-ang sakit!" Humigpit ang hawak niya sa kamay kong nasa bandang dibdib niya na siyang pumipigil sa pagdudugo ng sugat niya dito. "G-gusto ko pang ma-mabuhay. A-ayokong palampasin a-ang pagkakataong makasal sayo. Ka-kailangan ko pang mailigtas ang kapatid ko. pero-- pero ang katawan ko na mismo ang sumusuko."   "Hindi ka mamamatay kaya huwag ka nang magsalita."   "G-gusto kita, Zhaiken." Diretso siyang tumingin sa mga mata ko at ngumiti. "But please, forgive me. H-hindi ko ginustong madamay kayo sa problema ko. Sorry dahil dumating ako sa buhay nyo. Sorry kung ilang beses kayong napahamak dahil sa akin."   Umiling ako. "Wala kang kasalanan. Ginusto naming tulungan ka."   "Ka-kaya kung mamamatay ako, hindi na kayo mapapahamak."   Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.   "A-ayoko pang mamatay pero iyon na ang dapat. N-nakuha na nila ang kapatid ko. Malala ang tama ng bala sa akin at nasisiguro kong titigilan na din nila kayo kapag nawala na ako."   "P-paano mo nasasabi iyan? A-akala ko ba, gusto mo ako? Bakit ikaw pa mismo ang susuko sa buhay mo?"   "Iyon ang dapat." Akma pa sana akong sasagot pero agad siyang bumangon at hinalikan ako sa labi pagkuwa'y humawak siya sa magkabilang balikat ko bilang suporta tsaka bahagyang lumayo sa akin. "T-thank you for letting me feel those happiness. Thank you for everything." At dahan-dahan siyang pumikit kasabay ng pagbitaw nya sa akin.   **********   Zhairell Kheina X. Mirchovich's Pov   Namatay si Rachelle due to blood loss and severe damage on her left lung na tinamaan ng tumagos na bala sa katawan niya. Kaya naman kanina pa nagkukulong si Kuya Zhaiken sa loob ng kwarto niya at nagwawala habang ang ibang barkada ay nasa clinic pa din.   Hindi lang kasi si Zhairy ang nasugatan sa nangyaring laban kanina. Maging sina Crescent. Lax at Cielo. Hindi naman ganoon kalala ang lagay nila kaya wala nang dapat ipag-alala. Ang kailangan namin alalahanin ngayon ay si Kuya Zhaiken.   Malaki ang epekto nito sa kanya kaya hindi namin alam ang gagawin.   "Kheina." Napalingon ako kay Mommy na siyang tumawag sa akin. "Okay ka lang ba?"   Tumango ako. "Pero si Kuya."   "He likes Rachelle and in the first place, siya ang may gustong protektahan ito kaya malaki talaga ang epekto ng pagkamatay nito sa kanya." Bumuntong hininga siya tsaka ginulo ang buhok ko. "Doon ka muna sa sala."   "Okay po." Sandali pa akong tumingin sa pintuan ng kwarto ni Kuya tsaka sinunod ang utos ni Mommy at pagbaba ko sa sala ay naabutan kong nandoon na din ang buong barkada at si Daddy.   "Rell." Nilapitan ako ni Zhairy. "Nasaan si Kuya?"   "Nasa kwarto pa din niya. Si Mommy na ang kakausap sa kanya kaya maghintay nalang tayo."   Tumango sya at yumuko kaya ginulo ko ang buhok nya dahil pakiramdam ko, alam ko na kung anong iniisip nya sa mga oras na ito. "Ate."   Ngumiti ako at niyakap siya. "Zhairy Jhem. It's not your fault, okay? Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo sa pagkamatay ni Rachelle dahil ginawa mo ang lahat para tulungan at iligtas sya."   Lumaki si Zhairy na nagagawan ng solusyon ang lahat ng problemang dumarating sa amin. Lumaki siyang nakakatulong sa buong pamilya at barkada. Lumaki siyang hindi pumapalpak sa mga ginagawa kaya alam kong malaki din ang epekto nito sa kanya dahil ito ang kauna-unahang beses na hindi niya nagawang solusyunan ang problemang kinakaharap namin.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD