Zhairell Kheina X. Mirchovich's Pov
Bumuntong hininga ako. Alam ko naman na madali lang niya itong malalampasan. But for now, kailangan muna namin siyang hayaang maging mahina.
Zhairy is not perfect. He is still human who makes mistakes.
"P-pero namatay pa din siya dahil sa pag-aakala kong hindi nila tatangkaing pasukin ang Hellion."
Hinaplos ko ang likod niya. "Just like what I said, hindi mo kasalanan. Ikaw, higit sa aming lahat ang gumawa ng lahat para protektahan ang babaeng gusto ni Kuya kahit pa alam naming ayaw mo sa kanya. Pinili mo pa din siyang tulungan at iligtas kaya hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo."
"Ate."
"Ssshh! Stop crying, Ry." I hugged him tight dahil nakakahawa ang iyak nya. Mabuti nalang, mas matangkad siya sa akin kaya nagagawa kong itago ang mukha ko sa balikat niya. "Mas kailangan nating magpakatatag ngayon para kay Kuya."
"Let him cry for now, Kheina." ani Daddy. "That's his only way para maging okay kaya hayaan mo na muna siya."
Tumango nalang ako at inalalayan si Zhairy para makaupo kami sa sofa. At kahit nakaupo na kami ay hindi pa din siya bumibitaw sa akin kaya hinayaan ko nalang muna siya.
"Maiwan ko muna kayo." sabi ni Daddy. "Kailangan kong kausapin ang mga magulang nyo, lalo na si Midnight dahil siguradong gagawa ng katarantaduhan ang isang iyon gayong nasaktan ang anak nya."
Wala kasi ang mga magulang namin kanina nang mangyari ang gulo dito. Well, we all expect that no one will dare to mess this place kaya kampante ang lahat.
Kaya hindi na nakakapagtaka na galit ang mga magulang namin sa nangyari at gusto nilang gumawa ng paraan upang managot ang mga nakapanakit sa amin.
"Okay, dad."
Ginulo niya ang buhok ni Zhairy tsaka umalis kaya naiwan na kaming magbabarkada.
"So, anong plano natin ngayon?" tanong ni C2.
"Nakadepende ang lahat kay Zhaiken." ani Crescent. "At sa mga magulang natin."
"Yeah." pagsang-ayon ni Ara. "May nasaktan sa atin kaya hindi nakakapagtaka kung pagbabawalan nila tayong kumilos ngayon."
"At malilimitahan din ang kilos natin dahil siguradong babantayan nila tayo." dagdag ni Cloud.
"Kaya huwag na muna tayong magpasaway." sabi ko. "Asikasuhin muna natin ang katawan ni Rachelle tsaka natin tanungin si Kuya sa susunod na plano."
Sigh.
Ngayon ko na-realize na malaking problema nga ang dinala sa amin ni Rachelle pero hindi ko pa din pinagsisisihan ang pagtulong na ginawa namin sa kanya. Kahit bumalik pa kami sa oras kung saan nagkaharap kami sa loob ng ospital, uulitin ko pa din ang pag-aalok ng tulong sa kanya sa kabila ng pagtangging ginawa nya.
**********
Someone's Pov
"Damn it! Hindi ka ba talaga nag-iisip?" Galit kong sinuntok ang lalaking ito na nasa harap ko dahilan para mapaluhod siya sa sahig. "Sumugod ka doon ng walang pahintulot sa sinuman sa amin at naglakas loob kang pasukin ang Hellio Residence!"
"Ginawa ko iyon para matapos na ang problema natin." sagot niya habang hawak ang sikmurang sinuntok ko. "Pabalik na si Jin at pare-pareho tayong masasaktan kapag inabutan niya ang problemang ito."
"Lalo tayong masasaktan dahil pinasok mo ang lugar na iniiwasan ng lahat!" bulyaw mo sa kanya. "Hindi naman lingid sa kalaaman mo kung sino ang mga nakatira doon, hindi ba? Tangina! Wawasakin mo ang buong RU dahil sa kagaguhan mo!"
"X, calm down." Inilayo ako ng isa sa kasama namin sa lalaking ito. "Wala na tayong magagawa sa nangyari. Ang kailangan nalang nating gawin ngayon ay paghandaan ang posible nilang gawin laban sa atin."
"At sa tingin mo ba, may laban tayo sa kanila?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil isa din siyang tanga. "Chess lang naman ang mga nakatira doon. Chess! Ang grupong nagpabagsak sa apat na pinakamalakas na mafia sa buong mundo. Chess! Ang grupong kinabibilangan ng pinakamayayamang pamilya sa buong mundo. Kaya nga walang sinuman ang nagtatangkang kalabanin sila dahil alam ng lahat kung gaano kalakas ang mga ito."
"Wala kaming magagawa." sabat ng bagong dating at seryosong tumingin sa akin. "Pero ikaw, meron."
Matalim ko din siyang tinginan. "At sa tingin mo ba, makikialam ako para lang sa katarantaduhang ginawa ng kapatid mo? At sa tingin mo ba, makikinig siya sa akin pagkatapos ng mga nangyari sa kanya sa loob ng eskwelahang ito?"
"Susubukan mo dahil isa ka din sa nagpapahalaga sa eskwelahang ito." aniya.
"X, wala na tayong magagawa pa. Alam mo namang gago iyang kapatid namin pero huwag mo namang hayaang mawasak ang school na ito. Ito nalang ang nag-iisang lugar na itinuturing naming tahanan." Nilapitan ako nito at hinawakan ang mga kamay ko. "Nangako ka, hindi ba? Nangako ka na pangangalagaan mo ang lugar na ito sa kahit na anong paraan."
Pinakatitigan ko siya.
Oo, ipinangako ko sa magkakapatid na ito na poprotektahan ko ang lugar na ito kahit pa alam kong maraming karumaldumal na gawain ang nagaganap dito. Ito nalang kasi ang nag-iisang lugar kung saan tanggap ang pagkataong mayroon sila at hindi ko kakayanin kung mawawala pa ito sa kanila.
Pero hindi ko din naman kakayaning makialam sa desisyon ng Chess.
"X."
Bumuntong hininga ako. "Fine." Nakahinga sila ng maluwag sa naging sagot ko pero agad ding nawala iyon lalo na't masamang tingin ang ibinato ko sa pinakabata sa kanila. "Pero isang beses ka pang gumawa ng ikasisira ng eskwelahang ito, hindi ako magdadalawang isip ialay ang buhay mo sa kanila, nagkakaintindihan tayo?"
Sunod-sunod ang ginawa nitong pagtango. "So-sorry talaga."
"Lumayas na kayo sa harap ko."
Niyakap muna ako ng tatlo bago nila hinila ang bunso nila palabas ng opisina ko.
Napabuntong hininga nalang ako at ibinagsak ang sarili sa swivel chair tsaka hinilot ang sentido.
Kung pagbabasehan ko ang mga nangyari ngayon, siguradong nagpa-plano na din ang babaeng iyon na bumalik dito dahil naulit sa kaibigan niya ang nangyari sa kanya. At kapag nangyari iyon, posibleng siya pa ang sumira sa eskwelahang ito at doon ako mawawalan ng kakayahan para pigilan iyon.
Siya ang higit na may karapatan sa lugar na ito. Isa siya sa nagtayo nito. Isa siya sa may-ari kaya wala akong magagawa kung siya mismo ang magde-desisyong wasakin ito.
"Sa tingin mo ba, mapipigilan mo sila?" Isang lalaki ang bigla nalang sumulpot mula sa madilim na parte ng opisina ko. "Sa tingin mo ba, hindi nila pababagsakin ang RU?"
Bumuntong hininga uli ako. "Magagawa ko kung hindi ang babaeng iyon ang magsasabi."
"Then, good luck." aniya. "Dahil sa mga nangyari ngayon, siguradong mas malaking problema ang magsisimula. Huwag lang sanang makisali si Jin."
"Isa pa nga iyon sa iniisip ko eh." Bumaling ako sa bintana at pinakatitigan ang madilim na langit. "Dahil kapag nakisali pa siya sa problema, hindi ko na alam kung magagawa ko pa nga ba ang ipinangako ko sa apat."