Zhairy Jhem X. Mirchovich's Pov
Aish!
Inis kong ginulo ang buhok ko tsaka ibinato sa kama ang cellphone ko.
Isang linggo na ang nakalipas nang mamatay si Rachelle. Hindi namin makontak ang natitira nitong kamag-anak kaya naman sa Heil na namin siya inilibing. Well, pabor na din dahil kahit anong oras ay pwede siyang mabisita ni Kuya.
Balik sa normal naman ang lahat maliban kay Kuya na kahit kalmado na ay lagi pa ding nagkukulong sa kwarto niya. Wala ngang kinakausap sa amin kaya kailangan ko nang gumawa ng plano para maibalik ang katinuan sa lalaking iyon.
"May probelma ba?"
Bumaling ako kay Cloud na nakadapa sa kama ko at nakatutok ang mata sa screen ng laptop. "Wala pa ding magandang balita."
Tumingin sya sa akin. "Kahit ang lagay ng kapatid ni Rachelle?"
Tumango ako. "Hindi ko alam kung saan siya dinala ng mga iyon. Ang sabi ni Clavier maagang sinundo ang mga bagong estudyanteng nakapag-enroll na pero hindi pa niya nakikita ang mga iyon dahil wala siya doon ngayon."
"Then, malaki ang posibilidad na naroon na nga iyon?" Bumangon siya ng tumango ako. "Eh, ano pang ginagawa natin dito? Halika na at puntahan natin."
"Cloud, hindi pa sigurado. Posibleng sa ibang lugar nila dinala ang babaeng iyon kaya baka makagawa lang tayo ng mas malaking problema kung pupunta tayo doon ng walang pasabi." Bumuntong hininga ako. "Kaya ako nalang ang pupuslit."
"What?"
"Iyon lang ang paraan. Ilang beses na naman akong nakalabas-pasok doon nang walang nakakapansin kaya madali lang iyon sa akin." paliwanag ko. "Iche-check ko muna kung nandoon talaga siya at kapag nasigurado na natin, tsaka tayo gagawa ng paraan para iligtas siya." Tumayo ako at hinablot ang jacket ko. "Ikaw na muna ang bahala dito. Baka bukas pa ako makauwi."
"Okay." aniya. "Mag-iingat ka, huh."
Tumango ako tsaka ginulo ang buhok nya. "Sige." Lumabas na ako ng kwarto at dumeretso sa back door ng bahay namin.
Mas mabuti nang hindi ako mapansin nila Mommy dahil siguradong makikialam din sila lalo pa't ilan sa amin ang nasaktan noong nakaraan. Pinakalma ko nalang sila noon dahil na din sa pakiusap ng isang tao kaya wala silang ginagawa ngayon regarding that incidents.
Pero hindi pa man ako nakakarating doon ay natanaw ko na agad si Mommy na nakasandal sa hamba ng pintuan at bored na nakatingin sa akin. Damn! Ang lakas talaga ng pakiramdam ng nanay ko.
"Where do you think you're going, young man?"
Napakamot ako ng ulo. "Somewhere, Mom."
"Don't fool me, Zhairy Jhem." aniya. "Alam ko ang plano mong gawin dahil tinawagan ako ni Xem at ipinaliwanag sa akin ang lahat."
Napaiwas ako ng tingin.
Pasaway talaga iyang si Tita Xem. Sinabihan ko nang huwag sabihin kay Mommy ang nangyayari dahil ako nang bahala sa lahat eh. Tsk.
"Sinabihan na kitang huwag kumilos nang hindi nagpapaalam sa amin, hindi ba?" Nagulat ako nang bigla niyang hablutin ang tenga ko at hinila ako pabalik sa loob ng bahay.
"Aww! Mom! Let go." Lalo niyang hinihigpitan ang paghila sa tenga ko sa tuwing tatangkain kong alisin ang kamay niya. "Mommy naman eh."
Hindi niya talaga ako binitiwan hanggang makarating kami sa sala kung nasaan si Daddy. Itinulak pa niya ako paupo sa sofa at nakapa-mewang akong hinarap. "Ayan. Sabihin mo sa daddy mo ang plano mo."
"Bakit?" kunot noong tanong ni Daddy. "Anong plano iyon?"
Umiwas ako ng tingin habang hinihimas ang tenga kong masakit at hindi ako sumagot. Scary si Mommy kapag galit pero mas scary si Daddy kaya nga hangga't maaari, hindi kami gumagawa ng kahit anong ikagagalit niya.
And most of the things na ikinagagalit niya sa amin, maging kay Mommy, ay kapag gumagawa kami ng mga bagay na ikapapahamak namin nang hindi niya alam.
"Zhairy Jhem!" Napaigtad ako sa sigaw ni Mommy. "Magsalita ka dahil pareho tayong malilintikan."
Bumuntong hininga ako. "Fine." Tumingin ako kay Daddy na mataman na nakatingin din sa akin. "Plano kong pumuslit sa loob ng RU para siguraduhin kung nandoon nga ba ang kapatid ni Rachelle."
"Why?" tanong ni Daddy. "Sa pagkakaalam ko, si Rachelle lang ang dapat nating tulungan at hindi kasama doon ang kapatid niya. Isa pa, alam mo ang posibleng mangyari sayo kapag may nakapansin ng pagpuslit mo doon, right?"
"I know that, Dad." sabi ko. "Pero kasi, hindi namin nagawang protektahan si Rachelle at namatay pa siya dito mismo sa loob ng Hellion Residence kaya pare-pareho kaming hindi mapakali. Lalo na si Kuya na sinisisi pa ang sarili niya dahil sa nangyari dito kaya naisip ko, kung sakaling mailigtas namin ang kapatid niya makakabawi kami kay Rachelle dahil iyon lang naman ang gusto niyang mangyari mula noon."
"Tumakas si Rachelle sa RU para mabalaan ang kapatid sa pagtatangka nitong pag-eenroll dito pero dahil maling paraan ang ginamit niya para makalabas dito ay hinabol sya ng Royal Guards." sabi ni Mommy. "To be honest, wala talaga siyang pakialam sa sarili niyang buhay. Handa na siyang mamatay sa kahit na anong oras pero hangga't hindi niya nababalaan ang kapatid ay hindi pa niya maaaring hayaan iyon."
"Pero nawalan ng saysay ang pagtakas niyang iyon dahil nag-enroll pa din ang kapatid niya sa RU at ngayon nga ay posibleng nasa loob na ito." dagdag ko.
"At gusto mo siyang ilabas doon para kay Rachelle?" tanong niya na tinanguan ko.
"I admit it." Bumuntong hininga ako. "Ayoko talaga sa babaeng iyon nang malaman kong gusto siyang tulungan nila Kuya pero sa paglipas ng araw na kasama natin siya, nakikita kong mabuti naman siyang tao at nagagawa niyang mapasaya si Kuya kaya gusto kong bumawi. Hindi ko siya naprotektahan ng gabing iyon kaya babawi ako sa kapatid niya na higit niyang gustong maprotektahan."
Pinakatitigan niya ako at hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Papayagan niya kaya ako? O sya mismo ang pipigil sa akin gayong buhay ko na din ang posible kong ilagay sa panganib sa pagkakataong ito?
"Dad, naiintindihan mo naman ako, di ba?"
Bumuntong hininga siya tsaka tumango. "I understand you pero hindi kita hahayaang pumuslit sa loob ng RU."
"Dad?" Napatayo ako. "Akala ko ba naiintin--"
"Hindi ka pupuslit dahil kapag may nakapansin sa mga nasa loob, hindi sila magdadalawang isip na patayin ka at wala kaming magagawa kapag nangyari iyon dahil trespassing ang ginawa mo. Wala kaming karapatang makialam sa pamamalakad sa loob ng RU." madiin niyang sabi.
"Pero--"
"Kaya kung gusto mong makapasok sa loob nito, gawin mo sa legal na paraan kung saan magagawa ka naming protektahan." sabi pa niya na ikinakunot ng noo ko. "Mag-transfer kayo sa Royal University."