Zhairell Kheina X. Mircovich’s Pov
"Ano bang pag-uusapan natin? Umpisahan na bago dumating si Kuya." agad niyang sabi dahil alam niyang sesermunan siya agad ni Kuya Xerem pagdating dito kaya naman nagmamadali din siyang umalis dito para hindi maabutan ng kapatid.
Inilapag ko sa harap nya ang isang papel. "Alam kong sikat ang school na iyan pero gusto ko pang makakuha ng ibang information bago ako mag-enroll."
"What? Lilipat ka ng ibang school?" gulat niyang sambit. "Hindi mo na ba kaya sa Hanley para lumipat ka nalang bigla sa Royal University?"
"Umiiwas lang sa gulo." sabi ko. "Baka kasi hindi na ako makapagtimpi at maipadala ko sa ospital ang mga bitches na iyon dahil sobra na ang nagawa nila nitong nakaraan."
Nakakagigil na din kasi ang mga bully sa school but I need to refrain myself on doing things on my own way dahil siguradong lalo lang lalala ang sitwasyon and I don't want that to happen.
"Maliban pa sa mayayari ako sa parents ko, hindi din ako sasantuhin ni Tita Maize. You knew her. Special treatment in not in her vocabulary." dagdag ko. "Qualified ako sa RU at maituturing ding royal blood kaya iyan ang top choice ko para sa lilipatang school."
"Hindi mo ba naisip na kapag umalis ka ng Hanley ay siguradong susunod ang buong barkada?" tanong ni Francess. "Alam mong ayaw ng mga iyon na may napapahiwalay pa sa atin kaya nga kahit normal school ang Hanley na may mahigpit na owner ay pinagtitiisan ng iba."
"Right," sang-ayon ni Samara. "At siguradong hindi ka din basta papayagan ng mga kapatid mo kapag nalaman nila iyan."
Napakamot ako ng ulo sa sinabi nila. Hindi ko na nga naisip ang mga bagay na iyon dahil na din sa pagmamadali kong makahanap ng school na malilipatan.
Desidido na kasi talaga akong umalis ng Hanley Academy.
Tama na ang sakit na naramdaman ko doon at tama na din ang sakit na idinulot nila sa mga nadamay.
"Mukhang hindi na nya naisip iyon. At hindi pa din niya nababanggit kay Tita Zaire dahil gusto muna niyang masiguro na walang pipigil sa kanya sa paglipat sa ibang school." sabat ni Samara.
Bumuntong hininga si Fancess tsaka inilayo sa kanya ang papel. "If that's the case, kay Moon ka dapat magpatulong." aniya na ikinakunot ng noo ko. "Sikat ang Royal University dahil nga sa pagiging exclusive and elite nito pero may mga nangyayari sa loob nito ang hindi kayang abutin ng media kaya limitado lang ang impormasyong alam ko. Kung kay Moon ka magpapatulong, siguradong mabibigyan ka nya ng full details."
"Pero out of reach si Moon ngayon." sabi ko. "At wala ding nakakaalam kung nasaan nga ba ang babaeng iyon."
"Did I hear my name?"
Napaigtad kami sa gulat ng biglang sumulpot sa tabi ko ang babaeng kababanggit palang namin.
She’s Crescent Moon S. Hanley, ang nag-iisang anak nila Tita EisenHeart at Tito Midnight.
Second cousin ko din at namana niya ang pagiging kabute ng ama. Hindi namin magawang maramdaman ang presensya niya kaya napapaigtad kami sa tuwing sumusulpot siya sa paligid namin.
"Geez! Moon naman!" singhal ni Samara. "Hindi ka na nagbago." At inirapan pa niya ito dahil hindi pa din kami nasasanay sa ganitong gawain ng babaeng ito.
"Well, bibili lang sana ako ng maiinom at makakain nang marinig ko ang pangalan ko. Bakit? May kailangan kayo?" Kinuha niya ang cake na nasa harap ko at sinimulang kainin. "Pero bago nyo pala sabihin, ipapaalala ko lang na hindi libre ang serbisyo ko. Malaki ako maningil kaya ihanda nyo na ang pera nyo."
Bumaling ako kay Francess. "That’s the main reason kung bakit sayo ko sinabi iyan. Masyadong malaki ang kotong nitong si Moon. Akala mo kung sinong mahirap kung makapangotong."
"That’s life, girls. Wala nang libre sa mundo ngayon." Kinuha niya ang papel na nakapatong sa mesa namin at pinakatitigan iyon. "At hindi din naman madali ang ipapagawa nyo sa akin kung sakali. Mahirap pasukin ang isang ito."
Napalingon ako sa kanya. "Bakit? Napasok mo na yan?"
Nagkibit balikat siya. "Who knows." Inilapag niya iyon tsaka bumaling sa akin. "Mas okay yata kung sa Marial o sa Cena ka maghanap ng bagong school. Mas cool doon at mas ligtas." Tumayo na siya at tinapik ako sa balikat. “Pero bago ang lahat, ayusin mo muna si Mairon. Ikaw naman ang sumira sa kanya." At tuluyan na siyang umalis.
"Anong ibig niyang sabihing mas ligtas?" kunot noong tanong ni Samara habang nakatingin kay Crescent na nakikipagkulitan kina Ciela at Zhairy.
"Sa dami ng sinabi niya, iyon lang ang natandaan mo?" tanong ni Francess na tinanguan agad ni Samara.
"Iyon lang kasi ang nakahila ng atensyon ko eh." sabi nito. "Para bang sinasabi nyang hindi ligtas ang Royal University."
"Baka tulad ng Hanley, marami ding bully dahil puro nga mayayaman din ang mga estudyante." sabi ko tsaka nilamukos ang papel na iyon. "Magtatanong ako kay Kuya Dhairyll since nasa Marial siya ngayon.”
Kapag si Crescent ang nagsabi, siguradong hindi maganda ang school. Hindi ko din alam kung bakit ganoon nalang namin sundin ang payo niya pero madaas kasing tama siya at wala ni isa sa amin ang sumasalungat sa kanya. Well, maliban nalang kay Kuya Zhaiken na maituturing na bestfriend niya.
"Magtanong ka na din kay Rhia. Ang alam ko, nasa Cena siya ngayon. Nag-iinarte daw si Tito Shun dahil pinalayas na naman ni Tita Kass."
Bahagya akong natawa sa sinabi ni Francess. Hindi na bago sa amin ang pagpapalayas ni Tita Klarissa sa asawa nitong si Tito Shun.
Lagi silang ganoon pero nakakatuwang isipin na kahit ganoon sila ay hindi pa din sila naghihiwalay at talaga namang ramdam pa din ang sparks kapag magkasama sila.
Ewan ko pero baka ganoon lang talaga sila magpakita ng pagmamahal nila sa isa’t-isa.
"I’ll just ask them later." Tumayo na ako. "And I’ll go ahead. Tulad ng sinabi ni Moon, kailangan ko nga munang ayusin si Mairon. At para mabawi ko na din ang Hell Clothing."
"Buuin mo na si Mairon para makapag-party na uli tayo."
Tumango ako tsaka lumabas ng café. Sumenyas nalang ako kina Zhairy, Ciela at Cielo tsaka ako tuluyang pumasok ng kotse at pinaharurot ito papunta sa destinasyon ko.
Sana lang, harapin na nya ako sa pagkakataong ito.