Chapter 3

1397 Words
Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov   Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatayo dito sa harap ng pintuan ng condominium na ito. Hindi ko alam kung ilang beses na akong huminga ng malalim at akmang kakatot dito. At hindi ko na din alam kung gaano pa ako katagal tatayo dito.   Pakshet kasi!   Hindi ko magawang kumatok dahil natatakot ako na baka hindi niya ako pagbuksan. Natatakot ako na baka hindi nya ako pansinin at pagmukhain na namang tanga dito tulad ng ginawa nya kanina.   Well, sino ba ako para magreklamo?   In the first place, ako talaga ang dahilan kung bakit ba sya nagkukulong dito sa unit nya.   "Kheina."   Napalingon ako sa likuran at nakita ko si Crolhaine na may dalang mga plastic bag na puno ng mga grocery.   "Anong ginagawa mo dito?"   "A-ahm, gusto ko lang kausapin si Mairon." Napaiwas ako ng tingin. "Isang buwan na din syang hindi lumalabas."   "Yeah. At alam mo naman kung bakit." Dumeretso siya ng lakad at binuksan ang pintuan ng unit. "Pumasok ka na. Hindi ko alam kung kakausapin ka na niya ngayon pero hindi ko maaatim na mag-stay ka lang diyan sa labas." Nauna na syang pumasok.   Hindi na ako nag-inarte pa at sumunod nalang kahit sa totoo lang ay naiilang ako sa kanya.   She’s Ara Crolhaine H. Vienna, kapatid niya si Mairon Pyxis at anak sila nila Tita Maize at Tito Cross, kaya maiinditindihan ko kung magagalit din siya sa akin pero ibang-iba iyon sa ipinapakita niya.   Kung anong trato niya sa akin noon ay ganoon pa din ngayon. Kalmado pa din siya at walang kahit na anong nagbago sa pakikitungo niya sa akin kahit pa winasak ko ang puso ng nag-iisa niyang kapatid.   Pagpasok ko sa mismong unit ay bumungad sa akin ang makalat na sala. Puno ng mga bote at lata ng alak. Balat ng mga junk foods at mga plato. Magulo din ang cover ng mga sofa maging ang mga gamit. Parang dinaanan ng malakas na bagyo ang buong unit.   "Mukhang naglasing na naman siya kagabi." mahina sabi ni Crolhaine tsaka umiling-iling. "Mababatukan  ko na naman iyon nang wala sa oras." Bumaling siya sa akin. "Ahm. Ayos lang ba kung lilinisin mo ito? Kailangan ko kasing magluto dahil darating si Moon mamaya."   "AhH! Sige. Ako na ang bahala dito." Inilapag ko ang mga gamit at nagsimulang maglinis habang sya ay dumeretso sa kusina na hindi din yata nakaligtas dahil makalat din doon.   Hindi ko inaasahan na ganito ang madadatnan ko dito. Wala din akong ideya sa mga nangyayari sa kanya matapos ang huli naming pag-uusap.   Hangga’t maaari kasi, iniiwasan ko ang mga topic na tungkol sa kanya o sa mga nangyari noon dahil hindi lang siya ang nasasaktan sa ginawa kong desisyon. Hindi ko ginusto iyon pero kailangan kong gawin at kahit para akong pinapatay dahil dito ay kinailangan ko ding panindigan.   "Anong ginagawa mo dito?"   Natigil ako sa ginagawa ng marinig ang pamilyar na boses na iyon na nagmumula sa likod ko. Napatayo ako ng ayos at hindi ko magawang lumingon doon.   Matapos ang halos isang buwan, ngayon ko lang uli narinig ang boses niya at hindi ko inaasahang makakaramdam ako ng pangungulila.   "Humarap ka sa’kin, Khei."   Pinunasan ko ang mga mata kong nagbabadya na ng luha tsaka dahan-dahang humarap sa kanya. "H-hi."   Mataman niya akong tiningnan pero wala akong nakikitang kahit na anong emosyon sa mata niya na mas lalong nakadagdag sa sakit na nararamdaman ko.   Akala ko, sapat na ang isang buwan para mawala ang nararamdaman ko pero hindi pa din pala. Kulang pa din iyon.   "Anong ginagawa mo dito at paano ka nakapasok?"   "P-pinapasok ako ni Crolhaine." Umiwas ako ng tingin sa kanya. "At—at nandito ako para ma-makausap ka."   "Hinahanap na ako ni Tito Henry?"   Tumango ako. "A-at nag-aalala na din ang barkada sayo. G-gusto ka na nilang makasama tulad ng dati."   Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin kaya lalong hindi ko nagawang makakilos.   "Ikaw ba? Nag-aalala ka din ba sa akin? Gusto mo din ba akong makasama?" Lalong nanigas ang buong katawan ko ng bigla niya akong yakapin.   "M-Mairon."   "Just—just let me hug you for a while." mahina niyang sabi. "After this, I promise. Hindi na mauulit. Lalabas na din ako at babalik sa restaurant. Hayaan mo lang akong yakapin ka."   Pinabayaan ko siya sa gusto niya.   Nanatili lang akong nakatayo at pilit pinipigilan ang sarili kong yakapin siya pabalik. Kahit gusto kong gawin, alam kong hindi dapat dahil alam ko sa sarili ko ang posibleng mangyari. Sinabi ko na kanina, kailangan kong panindigan ang naging deisiyon ko.   Ex-boyfriend ko si Mairon. Nasa iisang barkada lang naman kami dahil madalas din silang mag-stay sa Hellion Residence kahit pa sa Trost City talaga sila nakatira.   Lalo pa kaming naging malapit nang piliin ng mga parents namin na sa Hanley Academy kami mag-aral. Hanggang sa naglakas-loob siyang manligaw sa akin noong high school days namin.   Gusto ko din siya kaya hindi ko na pinatagal ang panliligaw niya. At nagawa naman niyang patunayan sa akin na hindi ako nagkamali sa pagsagot sa kanya dahil naging mabuti at maaasahan siyang boyfriend. Lagi siyang nakaalalay sa akin sa lahat ng bagay at hindi lumipas ang bawat araw na hindi niya ipinaramdam kung gaano niya ako kamahal.   Pero tulad ng mga cliché love story, may mga sumubok sa tatag ng relasyon namin at aaminin kong ako ang naging mahina.   Ako ang nagpatalo. Ako ang sumuko. Ako ang sumira sa relasyon namin dahil hindi ako nagtiwala.   Hindi naging sapat ang pagmamahal ko sa kanya para lumaban at pagkatiwalaan sya kaya nauwi kami sa ganito.   "I still love you, Khei." aniya. "Pero hindi ko ipipilit ang nararamdaman ko para sayo. Sapat na sa'kin na makita kang masaya kahit pa sa piling ng iba." Hinaplos niya ang buhok ko tsaka unti-unting kumalas ng yakap at direstong tumingin sa akin.   I still love him pero alam kong hindi ako deserving para manatili sa tabi niya. Hindi ako ang tamang babae para sa kanya dahil hindi ko kayang maging matapang para sa kanya.   "Tama na ang drama nyong dalawa."   Napabaling kami kay Crolhaine na nasa gilid na pala namin.   "Magtulong na kayo sa paglilinis or else, pare-pareho tayong mayayari kay Moon kapag naabutan niyang wala pang pagkain at ganito kagulo ang unit." sermon niya tsaka kami tinalikuran at bumalik sa kusina.   Nagkatinginan kami ni Marion at napailing nalang.   "Mas mabuti nga na maglinis na tayo. Hindi mo pa nakitang magalit si Moon." aniya at nagsimula nang magligpit ng mga nakakalat.   "Ikaw lang ba ang uminom nitong lahat?" tanong ko.   Umiling siya. "Kasama ko sina Eyden, Fire, Trick, Andy at Pau."   "What? Kasama mo sina Ayden at Fire?" Ang dalawang iyon ay pinsan ko. Si Zero Ayden J. Xermin na anak nila Tito Zeron at Tita Yzianna. Tapos si Zhiam Fire X. Arcana na anak nila Tito Harvey at Tita Zea.   "Yup. Lagi silang nandito sa unit ko para makipag-inuman sa akin at—" Kusa syang tumigil sa sinasabi na para bang nagdadalawang isip siya. Umiling-iling pa siya tsaka bumaling sa akin. "Nakikipagkwentuhan."   "At anong pinagku-kwentuhan nyo?" Nagsisimula na akong kabahan habang iniisip kung ano ba ang mga pinagku-kwentuhan nila.   Sa aming magpipinsan sa side ng Xermin, ang dalawang iyon ang pinakamadaldal kaya kinakabahan ako sa mga posibleng sinabi nila kay Mairon. May alam ang mga iyon sa totoong dahilan kung bakit nga ba ako nakipaghiwalay sa kanya.   "Random things na nangyayari sa labas magmula ng magkulong ako dito." aniya. "And some of that things is all about you. Hindi ko kasi napipigilang magtanong ng tungkol sayo. Sa kung ano bang ginagawa mo, sinong kasama mo at kung ano pang nangyayari sayo."   Bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi nya pero kailangan ko pa ding makasigurado. "May iba pa ba silang sinabi sayo?"   Umiling siya agad. "Hindi sila nagbabanggit ng tungkol sayo not unless nagtatanong ako."   Tumangu-tango ako at hindi na nagtanong pa. Baka mahalata pa niya na may itinatago ako sa kanya.   Tahimik nalang kaming naglinis at hindi na nagkibuan pa hanggang sa matapos namin ito. Nagpaalam na din agad ako dahil nahihirapan pa din akong makiharap sa kanya.   Mas mabuti ng umiwas pa din ako sa kanya.   Nangako naman siya sa akin na babalik na siya sa restaurant ni Daddy bukas kaya hindi ko na sya kailangang pilitin pa. Tapos na ang kailangan ko doon.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD