Chapter 3.a

1675 Words
Ciela Trishelle L. Lewis’ Pov   Hindi ko maiwasang hindi mapatitig kay Zhairy na masyadong abala ngayon sa pagiging waiter dito sa cafe namin.   He’s Xermin-Mirchovich pero talaga namang hindi niya iniinda ang mga iniuutos ko na obviously on purpose para pahirapan siya at para bang enjoy na enjoy pa siyang ginagawa ang mga iyon kaya ako ang naiinis.   Pilit ko nga siyang iniiwasan pero siya itong pilit na lumalapit sa akin. Hindi ba niya alam na iniiwasan ko lang din na magkaroon kami ng malaking problema?   Tsk. Palibhasa, masyado siyang manhid para maisip iyon. Wala siyang pakialam sa paligid niya kaya hindi din siya takot sa problema.   At kampante din siya na lahat ng problemang darating sa kanya ay magagawa niyang sulusyunan tulad ng lagi niyang ginagawa. Pero hindi niya alam na kapag nagpatuloy ang pagiging malapit namin, hindi lang siya ang magkakaroon ng problema. At ako ang higit na maaapektuhan.   Bumuntong hininga ako at pumasok sa office para maiwasan ko siyang makita. Naabutan ko doon si Kuya Cielo na busy sa pagbabasa ng libro kaya naupo nalang ako sa tabi niya.   "Tapos mo na syang utusan?" tanong niya na tinanguan ko.   "Maraming tao sa labas kaya pinatulong ko nalang siya doon." Muli akong bumuntong hininga. "Kuya, ang hirap nito."   "I know. But you have to do because in the first place, you know that you can't continue that."   Muli akong bumuntong hininga. "Yeah. Hindi talaga pwede. At kapag nalaman ng iba ito, siguradong katakot-takot na panghuhusga ang matitik—aray!" Bumaling ako sa kanya at sinamaan ng tingin habang hinihimas ang noo kong pinitik niya. "Masakit iyon!"   "That’s my purpose. Alangang pitikin kita ng hindi ka masasaktan." walang gana niyang sabi. "And I did that to stop you from what you’re thinking about the others." Inilapag nya ang libro sa mesa tsaka bumaling sa akin. “Yes. What you feel is forbidden pero hindi naman mababaw ang pag-iisip ng mga kaibigan at pinsan natin. I know they can understand if ever na malaman nila pero syempre, tulad ko, hindi din sila mag-aagree sa nararamdaman mo."   "Hindi tayo nakakasiguro sa posible nilang isip—aray!" muli kong daing nang pitikin na naman niya ako sa noo.   "Ikaw itong nagiging judgemental sa kanila eh." Napailing siya tsaka sumandal sa inuupuan namin. "Trust them. Other people will surely judge you for what you feel but not our friends and cousins. At iyan ang dapat mong isipin dahil hindi habang buhay ay maitatago mo ang dahilan kung bakit naging ganyan ang pakikitungo mo kay Ry. Lahat sila ay nagtataka sa nangyayari pero mas pinipili nilang manahimik at hintayin na ikaw mismo ang magsabi sa kanila."   "Sasabihin ko din sa kanila." sabi ko at sumandal din. "Kapag nabawas-bawasan na para hindi na naman nakakailang."   I fell in love with him. I fell in love with my second cousin and that’s forbidden feeling na kailangang iwasan.   Hindi ko naman sinasadya eh. Sa sobrang lapit namin noon, nagising nalang ako, isang araw na iba na pala iyong tingin ko sa kanya. Na gusto ko na siya as a man not just a cousin.   At dahil nga bawal, nagsimula na akong umiwas at maging mean sa kanya para hindi na din siya lumapit sa akin pero hindi nangyayari ang gusto ko. Dahil kahit anong iwas ko, siya naman itong pilit lumalapit.   Paano ko aalisin sa sistema ko ang nararamdaman kong ito kung ganitong ayaw niya akong lubayan?   "Kung mag-transfer kaya ako sa ibang school." sabi ko tsaka bumaling kay Kuya. "Iyong boarding school at hindi pwedeng tumanggap ng bisita para siguradong makakalayo ako kahit isang taon lang."   "Sa tingin mo, hindi niya malalaman iyon at wala siyang paraan na maiisip para sundan ka?" tanong niya. "You know that he can always find any ways just to do or get what he want."   "Yeah. He always have his way to get what he want but I think, kung ako lang ang lilipat ng school at palihim kong aayusin ang papers ko, hindi niya agad mahahalata. Not unless, sasabihin mo sa kanya."   "At sa tingin mo din ba, papayag sina Mom and Dad sa plano mong iyan?" tanong nya na ikinasimangot ko. "Ayaw ni Mom na napapalayo tayo sa kanya. Lalo ka na dahil naging trauma sa kanya ang nangyari noong mga bata pa tayo. Gusto mo bang mag-alala sila?"   Umiling ako. "Pero sigurado namang maiintindihan nila kung bakit ko ito gagawin eh. Ito lang talaga ang paraan para makalayo ako kay Ry."   Pinakatitigan niya ako pagkuwa’y bumuntong hininga. "Just tell him what you feel and what you need para hindi na din siya mag-isip kung bakit ka nga ba umiiwas sa kanya."   "No way! Hindi ko sasabihin sa kanya noh. Ayokong mandiri siya sa akin dahil binigyan ko ng malisya iyong pure closeness namin noon. Ayokong pag-isipan niya ako ng masama. Ayoko!"   Hindi ko kakayanin iyong ganoon. Gagawin ko ang lahat, basta hindi niya lang malaman na mahal ko siya. Hindi normal ang nararamdaman ko kaya siguradong pandidirihan niya ako dahil minahal ko siya.   "That’s the only way to finished this problem of yours nang hindi mo kinakailangang lumipat ng school." inis niyang sabi kaya nakaramdam na din ako ng inis.   Sinasabi niya lang iyan dahil hindi niya naiintindihan kung ano ba ang nararamdaman ko. Akala niya ba, sa ganoong kasimpleng paraan lang maaayos ang problemang ito.   Nagkakamali siya!   "Ayoko nga sabi! Hindi ko aaminin ito sa kanya kahit pa mamatay na ako." Padabog akong tumayo. "Kung ipipilit mo pa din iyan, huwag mo muna akong kakausapin." Tinalikuran ko na sya at hinablot ang bag ko tsaka lumabas ng opisina.   Kahit narinig ko ang pagtawag sa akin ni Cielo at Zhairy ay hindi ko na sila nilingon. Dire-diretso lang akong lumabas ng cafe at sumakay sa kotse. At bago pa man makalapit sa akin si Cielo ay agad ko na itong pinaharurot palayo.   Bahala siya sa buhay niya.   Alam nyang kapag ayoko, hindi ako mapipilit.   **********   Zhaiken Rhald X. MIirchovich’s Pov   Pagpasok ko palang ng bahay, dumeretso na ako sa sala at ibinagsak ang katawan ko sa sofa. Masyado akong napagod sa dami ng paper works sa opisina.    Nakalimutan na naman yata ni Mommy ang trabaho niya kaya naipasa na naman sa akin.   Hindi pa kami tapos sa pag-aaral at may isang taon pa sa college, same as the others. Pero dahil gusto na naming nahahasa ang mga sarili sa trabaho, tumutulong na kami sa kanya-kanyang kumpanya ng mga magulang namin.   Iyon nga lang, dahil masyado kaming nawiwili sa pagta-trabaho, iniaasa na din agad sa amin ng mga magulang namin ang trabaho nila kaya heto, tadtad na naman ako sa pagod.   "Oh. Mukhang pagod na pagod ang apo ko, huh."   Napalingon ako sa may hagdanan at nakita ko doon si Lola Diamond na pababa nito. Nandito na pala siya.   Lumapit siya sa akin at tumabi. "Ipinasa na naman ng Mommy mo ang trabaho niya?"   Tumango ako tsaka humalik sa pisngi niya. "Nawili yata sa restaurant ni Daddy kaya nakalimutang pumasok."   She loves spoiling her grandchildren pero napaka-strict naman niya kina Mommy at Tita Zerhia.   "Pasaway talaga ang mommy mo. Para pa ding bata kumilos." Napailing-iling siya. "Anyway, nasaan na ba sina Rell at Ry? Kanina pa ako nandito pero hindi pa din sila dumarating. Nanggaling na din ako kina Tita Zerhia mo at wala din doon sina Aquary at Cray."   "Baka nasa C2’z Cafe pa si Ry." sabi ko. "Nakadisgrasya kasi kami doon kanina at nag-volunteer siya para tumulong. Si Rell, baka nandoon pa kina Mairon dahil may ipinapagawa si Daddy sa kanya."   Though I am not really sure kung nagawa na ba niya dahil hindi din naman madali ang ipinapagawa sa kanya. She just don't have any other choice dahil siya ang nakipag-deal kay Daddy.   "May sasabihin po ba kayo?" tanong ko. "Pwedeng ako nalang ang magsabi sa kanila."   "It’s not that important. May nalaman lang akong issue na nangyari daw sa Hanley Academy last month at involve doon si Rell at Aquary." aniya at mukhang alam ko na kung anong tinutukoy niya.   Siguradong magagalit siya kapag nalaman niya kung ano talaga ang nangyari lalo na’t mas protective siya sa mga apo niyang babae.   "Relax ka lang, La." sabi ko. "Hindi naman ganoon kagrabe ang nangyari noon kaya huwag ka nang mag-alala. Isa pa, kinaya naman noong dalawa eh." Buti nalang, nagawa namin ng paraan para minor issue lang ang malaman ng mga magulang namin.   Malaking gulo kasi talaga ang mangyayari kapag nagkataon na iyong buong details pa ang nalaman nila.   "Whatever you said, Zhaiken. Ayokong inaargabyado at sinasaktan ng kung sino lang ang mga apo ko." Nag-cross arms pa siya na ikinatulala ko. P-parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa reaksyon nyang ito.   "Don’t tell me, you did something?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot. But still, I’m hoping na hindi nga niya alam ang buong details at wala siyang ginawa dahil siguradong makakarating kay Mommy ang nangyari.   "Well—" Umiwas siya ng tingin sa akin. "I won’t tell you."   Shit! Yari na.   Napasapo nalang ako ng noo.   Paano naman kaya niya nalaman ang buong detalye. Hirap na hirap nga kaming itago iyon sa mga magulang namin tapos hindi pa din pala makakaligtas.   "Hindi na ako magtataka kung bigla kaming paulanan ni Mommy ng bala pag-uwi niya." bulong ko na nagawa palang marinig ni Lola dahil agad siyang tumingin sa akin habang nakakunot ang noo.   "Hindi niya alam?"   “Mom is a living demon and you know her so much, La." I said. "Kahit lagi niyang pinaparusahan si Rell, alam mo din kung gaano ito ka-protective dito. Idagdag pa ang galit ni Tita Zerhia.” Tumayo na ako. "La, pakisabi nalang kay Mommy, gigimik kami ng barkada." Mabilis na akong tumakbo palabas bago pa siya magsalita.   Kailangang masabihan agad ang buong barkada kundi pare-pareho kaming mapaparusahan. At para makaiwas, kailangang magtago muna kami pansamantala.   Time to go to our secret base.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD