Zhaiken Rhald X. Mirchovich’s Pov
Tinawagan at ipinaalam ko kina Zhairell at Zhairy ang nangyari tsaka ko sila sinabihan na magkita nalang kami sa gate ng Hellion Residence.
Agad naman akong nagpunta doon at sinundo sila tsaka kami bumyahe papunta sa lugar kung saan kami pansamantalang magtatago sa galit ng mga magulang namin.
Hindi kasi biro ang parusang matatanggap namin kapag humarap kami sa kanila nang mainit pa ang mga ulo nila.
Sila na din ang tumawag sa buong barkada at sinabi kung ano ang nangyari, maging kung gaano ito kalala.
"Sino ba naman kasi ang nagsumbong kay Lola?" tanong ni Zhairell na ipinagkibit balikat ko.
"Hindi niya nabanggit at wala na din tayong magagawa kahit malaman pa natin kung sino lalo na't nakialam na nga si Lola." sabi ko. "I’m sure, by this time, nakarating na din kina Mom at Tita Zerhia ang nangyari."
"At galit na galit silang pauwi sa bahay para harapin tayo." dagdag ni Zhairy. "Damn it! Iniisip ko palang ang galit nila, kinikilabutan na ako."
"Galit ako sa mga bitches na iyon pero kapag naiisip ko ang galit ni Mom, hindi ko maiwasang hindi maawa sa kanila." sabi pa ni Zhairell.
"Mas maaawa ako sa sarili ko dahil higit sa ating lahat, ako ang pagagalitan ni Mommy." nakasimangot na sabi ni Zhairy. "Ako ang inaasahan niyang mag-aupdate sa kanya sa mga nangyayari sa inyo yet wala akong sinabi." Niyakap pa niya ang sarili. "Now, I can’t imagine how she will punish me."
"Bullet shower. Iyon ay kung mahahanap niya tayo." sambit ko tsaka ipinasok sa isang underground parking ng isang building ang kotse ko.
"Well, huwag tayong pakasiguro, Kuya. She didn’t beacame Chess White Queen for nothing." Nauna nang bumaba ang dalawa dala ang mga binili naming pagkain along the way.
Sumunod na din agad ako at napansin kong nakaparada na din ang sasakyan ng ilan sa barkada namin kaya siguradong maingay na sa itaas.
Ang building na ito ay exclusive lang para sa buong barkada at hindi ito alam ng mga magulang namin. Dito kami nagpupunta kapag gusto naming mag-relax ng kami-kami lang o magtago lalo na sa mga ganitong times na hina-hunting kami ng mga magulang namin.
15th floor ang kabuuan ng building at kumpleto sa lahat ng gamit. May kanya-kanya din kaming kwarto dahil may mga times na dito kami nagpapalipas ng mga ilang araw. At may mga pagkakataon din na kapag bakasyon ay dito na kami nag-i-stay kaysa kung saang lugar pa.
"Oh, he’s here." ani Zhairell na nakatingin sa isang Black Ariel Atom, ang sasakyan ni Mairon, ang ex niya na isa sa kabarkada namin.
"Napalabas mo na pala siya sa unit niya." Inakbayan ko nalang siya at bahagya nang hinila papunta sa elevator.
"Yeah. Nagkausap na kami kanina." mahina nyang sabi.
"Anong napag-usapan nyo? Galit pa ba siya sayo?"
Umiling siya. "Sabi niya, gusto niyang magalit sa'kin pero hindi niya kaya."
She’s our princess at kahit na lagi namin siyang inaasar ni Zhairy, we still really care for her and we don’t want to see her sad. Pero hindi din kasi pwedeng lagi kaming makikialam sa mga bagay tungkol sa buhay niya.
She also needs to face them alone for her to grow. May lugar ang pagiging protective namin sa kanya kaya kahit gusto ko nang makialam ay hindi ko ginagawa. Walang maidudulot na maganda ang pakikialam.
Pumasok na kami sa elevator at doon ko lang napansin ang pananahimik ni Zhairy. Not the usual him dahil bakas ang pag-iisip niya nang malalim kaya tinapik ko siya dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Problem?"
Umiling-iling siya. "Not that important pero tingin ko ay may idea na ako kung bakit naging ganoon ang pakikitungo sa akin ni Trish."
"Oh. May kasalanan ka nga ba?"
Nagkibit balikat siya tsaka sumandal sa pader. "Hindi ko masabi kung kasalanan ko nga ba pero parang ganoon na nga din dahil sumobra yata ako sa limit ko. But still I need to confirm this dahil nga iba ang prespective ng mga babae sa isang bagay."
"Care to tell us what was that?" tanong ni Zhairell.
"I—" he paused at parang nagdadalawang isip pang magsalita. Hindi niya magawang tumingin sa amin hanggang sa bumuntong hininga siya at naupo sa sahig. "There’s one time that we went to a bar. Pareho kaming nakainom at medyo blury na iyong scene sa isip ko kaya hindi ako sure kung nagawa ko ba talaga iyon o iniisip ko lang."
"What did you do, Zhairy Jhem?" I seriously asked him. Pakiramdam ko, hindi maganda ang ginawa niya base na sa ikinikilos ni Ciela sa kanya.
"I—" Ilang beses siyang lumunok ng sariling laway tsaka muling bumuntong hininga. "I think I kissed her."
"You what?" Hindi kami makapaniwala sa narinig. He did kiss Ciela? She maybe our second cousin, but still, she’s our cousin for Zeus’ sake!
"I think I kissed her." ulit nya. "That’s what I thought, okay? Hindi ko sigurado kung ginawa ko nga ba pero kanina kasi noong nakita ko siyang paalis ng cafe, bigla iyong pumasok sa utak ko."
"Ang gago mo, Ry!" Inis na inalis ni Zhairell ang pagkakaakbay ko sa kanya at sinabunutan si Ry. "Inisip mo nalang sana ang maiisip niya bilang babae! Kahit hindi mo na isipin na second cousin natin siya!"
"Aray! Get off me, you witch." Pigil niya kay Zhairell na hindi naman siya tinantanan. Pilit niyang inaalis ang pagkakasabunot nito sa kanya pero dahil nga mas malakas ang braso nito ay wala siyang magawa.
"Paano kung dahil sa kiss na iyon, magkaroon siya ng forbiden feeling sayo. Tapos hindi na niya maisip na mag-second cousin kayo at ma-in love sya sayo. For Zues’ sake! She’s still a girl that has a fragile heart just like Tita Euren! Kaya nga sobrang protective mo sa kanya di ba?"
Ako na ang pumigil kay Zhairell dahil hindi na nanlaban pa si Zhairy. Tahimik nalang siyang nakaupo sa sahig habang hinayaang sabunutan siya nito.Mukhang na-realize niya din ang ginawa niya.
"Iyon na nga yata ang nangyari kaya siya lumalayo sa akin. And it’s my entire fault." Huminga siya ng malalim tsaka tumayo.
"H'wag mo na munang isipin iyan, Ry. Hindi pa naman sigurado pero mas mabuti kung mag-uusap na talaga kayo ni Ciela regarding that thing para hindi ka nag-a-asume dahil malaking issue din iyan kapag nagkataon." sabi ko. "You tell me the reason later why the hell did you kissed her."
Bumukas na ang pintuan ng elevator at bumungad agad sa amin ang malaking living room kung nasaan ang mga kabarkada naming nagsisimula nang mag-inuman.
"Yo, Zhai siblings." bati ni Trick sa'min saka nakipag-fist bump. He’s Trick Anjelo L. Egawa, panganay na anak nila Tito Dylan at Tita Trisha. He always called us, Zhai Siblings, base na din sa first sylabbles ng pangalan namin.
"Biglaan ang pagtatawag, huh. May nangyari ba?" Inihagis sa akin ni Crescent ang isang lata ng alak na nagawa ko namang saluhin tsaka ko naupo sa tabi niya.
"Lola Dia already knew about what really happened last month kung saan involved sina Rell at Aquary." panimula ko. "And she did something na alam kong dahilan para makarating kay Mommy iyon. And you know what Mom will do if that’s happen. Kailangan lang muna nating palipasin ang init ng ulo nila bago tayo magpakita."
"Oh Geez! I’m pretty sure, Dad will be mad at me." naiiling nyang sabi. "Kabilin-bilinan pa naman niya na huwag gagalitin si Tita Emerald if I didn’t want to see a monster in angel’s face."
"Gulo ang dala nito ngayon." naiiling na sabi ni Zhayn. "Hindi titigil si Tita Zaire at Tita Zerhia hangga’t hindi nila nalalaman ang lahat at kapag nangyari iyon, magkakagulo din sa business world dahil siguradong pababagsakin nila ang mga iyon." She’s Tito Tryon and Tita Zaia’s only daughter. Zhayn Ayumi X. Graciel, one of our cousins.
"They deserved what may happened to them, dude." ani Shaelan. "They clearly messed with Xermin’s daughter so they need to face the consequence." Kapatid sya ni Trick at ito ang nakamana ng ugali ni Tito Dylan sa pagiging masiyahin at kwela. She’s Shaelan Cards L. Egawa.
"Hey, ano bang sinasabi nyong gulo na kinasangkutan nila Khei at Aquary?" Napalingon kaming lahat kay Mairon na kunot noong nakatingin sa amin. "Baka napapansin nyo lang na wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nyo, so care to tell me what happened?"